Angelu de Leon, humanga sa naging maayos yet heartbreaking “closure” nina Joshua Garcia at Julia Barretto

PHOTOS: @angeludeleonrivera & @joshliaclover on Instagram

PHOTOS: @angeludeleonrivera & @joshliaclover on Instagram

Humahanga daw ang aktres na si Angelu de Leon sa ginawang pagpapaubaya ng dating magka-love team na sina Joshua Garcia at Julia Barretto

Ito ang nabuksang topic ng aktres sa virtual interview sa kanya ng press ngayong araw, February 26, matapos ang muli n’yang pag-sign up as talent ng Viva Artists Agency.

Napa-throwback kasi ang lahat sa mga ginawa n’yang projects sa Viva noong 90s gaya ng Ober Da Bakod with Janno Gibbs, Anjo Yllana, Gelli de Belen and Donita Rose, as well as T.G.I.S. kung saan naging ka-love team n’ya si Bobby Andrews. 

(Co-produced ng Viva ang Ober Da Bakod at T.G.I.S. na umere noon sa GMA Network.)

Minahal ng fans ang kanilang naging love team ni Bobby kaya naman muling natanong ng press si Angelu kung ano ba ang reason at hindi sila nagkatuluyan nito. 

Happily married na si Angelu sa mister n’yang si Wowie Rivera habang si Bobby naman ay happily married din kay Bienne Co.

Paliwanag ni Angelu, malaking factor daw kung bakit hindi sila nagkatuluyan ni Bobby noon ay ang kanilang age gap. At present ay 41 years old ang aktres habang si Bobby ay 44. 

Natatawang nagpasintabi muna si Angelu kay Bobby sa pambibisto sa maliit lang namang age gap nila bago tuluyang sinagot ang tanong.

’Yon lang ‘yong difference namin with Bob,” lahad ng award-winning actress sa online interview. “Maybe it would have been a different situation if our age are a little bit closer. 

"Talagang there was really age gap and siguro dati hindi ‘yon pansin ng tao. Pero, you know, it was a factor.”

In retrospect, nai-relate din niya ang mga experiences nila ni Bobby noon sa mga ganap ng loveteams sa kasalukuyan.  Pero unlike them nga, mas nagkaka-inlaban daw yata ang mga loveteams ngayon off-cam kumpara sa kanila noon.

In fact, naging remarkable para sa kanya ang naging ganap sa former loveteam at former couple din na sina Joshua Garcia at Julia Barretto. 

Bumida kasi ang dalawa sa nag-viral na music video ng singer-songwriter na si Moira dela Torre na “Paubaya,” kung saan tila doon ipinakita na nagkaroon nang maayos yet heartbreaking closure ang dating magkasintahan.

“So ngayon, ‘yong mga love teams ngayon, at least nakikita mo talagang they really fall in love with each other, ‘di ba?” sey pa ni Angelu. 

Merong nagpaubaya, ‘di ba? Ang cute. Alam mo, naaliw ako du’n. Para sa akin, ‘Dapat ginawa namin [ni Bobby] ‘yon. Hahahaha!”

Aniya, dahil sa belated kilig na naramdaman niya sa #JoshLia ay naka-relate din daw s’ya sa mga fans na kinilig sa love team nila ni Bobby noong 90s. 

Marami na talagang loveteams na, I mean, it brings joy even me watching them. Parang, ‘Oh my gosh! Ganito pala ang nararamdaman ng mga fans namin dati.Parang ganu’n,” pag-amin pa ng aktres. 

Game naman daw si Angelu sakaling alukin s’ya ng project kung saan makakasama n’ya sina Joshua at Julia. 

“Why not?” agad n’yang tugon. “Kasi parang interesting ang story nila.

Aminado ang aktres na napa-research siya nang slight tungkol sa love story ng JoshLia dahil sa nakyutan nga siya sa napanood na music video. Dahil dito, napahanga daw siya sa katatagan ng loob ng dating magka-love team on-and off-cam na bagama’t hiwalay na ay mas pinili pa ring maging magkaibigan.

“I mean, they’re very strong in a sense na to do that kind of thing,” sey pa ni Angelu. “It was very personal na parang… Ang galing nila. Ang galing nilang dalawa to be able to do that because, to some, magtatago na lang ‘yan. But for them, it was a closure. 

“It was a nice thing na, ‘At least, after nito pwede tayo maging friends,’ ‘di ba?” pagtatapos ng aktres.

Sa ngayon, abangan daw ang mga upcoming projects ni Angelu with Viva.

Congratulations, Angelu!

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Janno Gibbs, masayang naka-reunion si Angelu de Leon sa Pakboys: Takusa: "Hindi mo kasi mapi-fake 'yong ilang taon ng pagkakaibigan."

Pika's Pick: Angelu De Leon shares photos with Janno Gibbs and other actors of her generation; reminisces about the roles and projects they did together in the past

Pika's Pick: The iconic teen show TGIS is celebrating its silver anniversary; Angelu de Leon leads cast in thanking the public for making them part of their lives

Joshua Garcia on qualities he looks for in a girl: “Gusto ko ’yong matatanggap ako ng buong-buo.”

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.