Anne Curtis, may “what if” moment kay Zac Efron

Besides Fangirling over her Korean K-Drama crushes, Just A Stanger star Anne Curtis admits she also once fantasized about getting to know Hollywood star Zac Efron more so he’s not just a stranger to her.

PHOTOS: Anna Pingol & @zacefron

Besides Fangirling over her Korean K-Drama crushes, Just A Stanger star Anne Curtis admits she also once fantasized about getting to know Hollywood star Zac Efron more so he’s not just a stranger to her.

FAN girl na fan girl ang aura ni Anne Curtis nang kinikilig na banggitin ang pangalan ng American actor-singer na si Zac Efron bilang “stranger” na sana’y mas nakilala at nakalapit pa niya either bilang kaibigan o ka-date.

Sa grand mediacon ng pinakabago niyang pelikula, Just A Stranger ng Viva Films, ni-reveal ni Anne na, “l’ve actually been in a situation before when you actually meet someone and parang, ‘wow, they’re so nice!’ That’s it! It never moves on to friendship or anything else more than friends, but you imagine in your head...”

Perfect example nga raw nito si Zac.

Lahad ni Anne, “So I saw Zac Efron in a place before and naisip ko rin talaga... na-imagine ko ‘yung how many times... what could have happened if we were introduced as friends.

“Could we actually be good friends or would it happen to a point that we would date? Alam mo ‘yung ganu’ng klase mag-isip?”

Mabilis din namang bumawi ang tinaguriang “Diyosa” ng local showbiz at nagsabing baka “it’s not supposed to happen.”

Minsan, aniya, nakaka-inspire rin na meron ka lang kina-crush.

“Alam mo ‘yon? It doesn’t have to be more than that, okay na tayo na hanggang idol lang natin sila or crush lang natin sila... but that’s just my thoughts.”

Samantala, ka-partner ni Anne ang “Newest Heartthrob” na si Marco Gumabao sa romantic drama na Just A Stranger.

May-December affair ang tema ng pelikula mula sa panulat at direksyon ni Jason Paul Laxamana.

Iikot ang kwento kina Mae (Anne), isang babaeng may asawa, at Jekjek (Marco), anak ng isang ambassador, na magkakakilala at magkakaroon ng one-night stand habang nasa Lisbon, Portugal.

Sa trailer pa lang, makikita na ang ilang nag-aalab na eksena nina Anne at Marco, pero sabi nga ni Direk Jason Paul, hindi niru-romanticize ng pelikula ang illicit affair o pagtataksil.

Ipinapakita raw dito nang mas malalim ang personal na buhay ng mga karakter at ang rason sa likod ng kanilang mga akyson.  

Ang tanong: Sa kabila ng ugnayan nina Mae at Jekjek na nagtuloy hanggang makauwi sila ng ‘Pinas, mapaninindigan kaya nila ang paniniwala sa mga linyang: “Not your friend. Not your lover. Just a stranger”?

Kasama rin sa cast sina Edu Manzano at Cherie Gil, ang Just a Stranger ay mapapanood sa mga sinehan simula sa August 21, mula sa Viva Films.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sexy scenes ni Anne Curtis with Marco Gumabao, okay lang daw kay Erwan

Para kay Anne Curtis, Marco Gumabao is the right choice as her leading man

5 parts of the Just A Stranger teaser that make us want to see the movie ASAP

Erwan Heussaff’s funny reaction over wife Anne Curtis’s intimate picture with Marco Gumabao

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.