Anne Curtis, na-manifest ang project na It's Okay To Not Be Okay PH version!

Anne Curtis, na-manifest ang project na It's Okay To Not Be Okay PH version!

Isa sa kilalang K-Drama fanatics si Anne Curtis. May phase pa ng buhay n'ya na nabaliw-baliw siya sa Goblin lead star na si Gong Yoo. Sinamahan pa siya ng noo'y fiancé palang niya na si Erwan Heussaff sa Seoul, Korea para isa-isahing bisitahin ang mga pinag-syutan ni Gong Yoo.

 

Pero hindi lang naman siya sa Goblin na-hook kundi sa marami pang ibang K-Dramas including the 2020 world hit na It's Okay To Not be Okay (IOTNBO). She fell in love with Seo Ye ji's character na si Ko Moon-young na isang fashionistang children's book author na may anti-social personality disorder. Napakaganda naman kasi talaga nang pagkakabuo ng character na 'yon at napakahusay din ng pagkaka-atake ni Seo Yea ji kaya matindi ang tama kay Anne.

 

During the project launch press conference for the Philippine version of IOTNBO, binisto ni Anne na pagkatapos niyang mapanood ang lahat ng episodes ng nasabing K-Drama, ay agad niyang tinawagan ang manager niyang si Veronique del Rosario ng Viva Artists Agency para sabihing intresado siya sa role at kung may way daw ba ang Viva, na talaga namang bumibili rin ng mga Korean titles para i-adapt dito, na ma-acquire ang rights ng IOTNBO.

 

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Anne na sabihing nakita n'ya ang sarili sa role. "Parang kaya ko 'to," mabungisngis na tsika niya sa launch.

 

For the longest time ay hindi nagte-teleserye si Anne pero tila nabuhay ang dugo n'ya dahil kay Ko Moon-young. Tapos, nalaman nalang nila na nakuha na pala ng ABS-CBN ang rights ng IOTNBO. Kaya sabi ni Anne, pinagdasal daw niya na siya ang mapili o alukin ng ABS-CBN Creatives for the female lead role.

 

At nagkatotoo naman. In short, tila na-manifest niya na mapasakanya nga ang project.

 

But more than nakatadhana, we believe na among the stars of today, sa kanya naman talaga pinaka-bagay si Ko Moon-young lalo na sa aspetong fashionista. OG It Girl siya ng showbiz, ano!

 

Doon naman sa part na magta-tackle ng mental health issues, ipinangako ni Anne na she will handle the role sensitively.

 

“As we know, the series tackles different aspects of mental health and my character has anti-social personality disorder...so, of course, that will be her journey. 

 

“And you can expect me doing my best in portraying my character with utmost care. Iingatan ko 'yong pag-portray ko dito to give it justice.” 

 

At the time na pinapangarap palang niya ang project, wala pa sa isip niya kung sino ang leading man niya. But trust ABS-CBN to surprise the audience with another kakaibang tandem at ngayon palang, hindi pa man sila nagsu-shoot, nakikitaan na sila ng kakaiibang chemistry ni Joshua Garcia (who is playing the Moon Gang-tae character originally played by Korean superstar Kim Soo-hyun. Si Carlo Aquino naman was given the very challenging role bilang kapatid ni Joshua (Moon Sang-tae ) na may intellectual disability (ID), which was originally played by the versatile Oh Jung-se.

 

It turned out na ang IOTNBO pala ang makaka-pique ng interest ni Anne para magbalik-telesetye after 10 years. At sa launch palang, mukang mentally and emotionally ready na si Anne. Worth it daw ang IOTNBO na iwan niyang saglit si Erwan at ang kanyang Darling unica hija na si Dahlia para mag-taping.

 

"Siguro hindi naman ako mag-a-accept ng isang project if I didn’t feel it was worth leaving my family for a little bit to shoot," paliiwanag niya. "When they offered this to me, it was an instant yes, because I love the original and I couldn’t let it pass.” 

 

Anne last headlined the Kapamilya teleserye Mars Ravelo’s Dyesebel in 2014 and she deserves nothing less that IOTNBO as a comeback vehicle. She is also making a big-screen comeback via her reunion project with her Buy Bust director Erik Matti at mukhang action na naman ito.

 

Back with vengeance mode pala si Anne, ah!

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.