“Ano’ng plano mo?” video ni Kathryn Bernardo, idea niya mismo

Sa isang banda, hindi lamang si Kathryn ang hayagang sumusuporta kay VP Leni kundi maging ang kanyang boyfriend na si Daniel Padilla. Ito ay sa kabila na ang ina nitong si Karla Estrada ay sa kalabang partido naman, a UniTeam, nakapanig.

Photos: @bernardokath / VP Leni Robredo Facebook

Sa isang banda, hindi lamang si Kathryn ang hayagang sumusuporta kay VP Leni kundi maging ang kanyang boyfriend na si Daniel Padilla. Ito ay sa kabila na ang ina nitong si Karla Estrada ay sa kalabang partido naman, a UniTeam, nakapanig.

Umaani ng mga positibong komento among the  netizens ang pagtindig at page-endorso ni Kathryn Bernardo sa kanyang napiling presidential bet na si VP Leni Robredo.

Ito ay sa pamamagitan ng kanyang recorded two-minute video na ipalabas during the birthday rally ni VP Leni last April 23 na ginanap sa Macapagal Boulevard.

Sa simula ng video ay ni-relate ni Kathryn ang palagiang tanong sa mga kabataan ng mga  nakatatanda na kung ano umano ang plano nila buhay.

“Ano’ng plano mo? Kung bata ka pa tulad ko, palagi ‘yang tinatanong sa’yo. Dahil paano mo ipaplano ang kinabukasan kung kailangan munang iraos ang ngayon?

“Iisipin mo muna, ano ang kakainin ng pamilya mo. Paano mo babayaran ang kuryente, tubig o pamasahe. Paano ka magpaplano kung bukas makalawa, wala ka ng trabaho?

“Ang hirap isipin ng kinabukasan kung kumakalam ang tiyan,” patuloy niya. “P’wede ba talaga tayong magplano? May karapatan pa ba tayong mangarap?

At ayon pa rin kay Kathryn, mas madali raw sigurong magplano kung may masasandalang lider na maasahan at subok na. 

“Siguro mas madaling magplano kung may maasahan kang subok na. Masasandalang lider na handang iangat tayo sa lahat ng krisis,” aniya.

“Isang lider na ilang beses nang ipinakita ang pagmamahal para sa mga taong dehado. Mga naghahanap ng pag-asang umangat. Isang lider na tutulong sa kanila at tutuparin ang kanyang mga pangako.

“Isang kakampi sa pagharap sa hamon ng buhay. Ganyan ang lider na totoo.”

At sa video, symbolic na ipinakita ni Kathryn na isa rin siyang Kakampink nang isuot niya ang isang pink polo over her white shirt. Habang nagaganap ito, ipinakita rin ang pag-iba-iba ng kulay sa background niya—hindi lang pink—na kumakatawan din sa ibang partido na tila ang pakahulugan ay pagkakaisa.

“Ganyan si Leni Robredo,” saad niya matapos isuot ang pink polo shirt. “Dahil kapag siya ang naging Pangulo, ang mga plano’t pangarap nating maayos na bansa at magandang buhay para sa lahat ng Pilipino, magiging posible, magiging totoo.

At tahasan niyang sinabi na ang plano raw niya ay bumoto sa May 9 para gawin ng pangulo ang bise pangulo.

“Kaya ako, ano ang plano ko? Ang plano ko sa May 9, gawing Pangulo si Leni Robredo. Sana kayo rin. 

“Leni Robredo, siya ang totoo.”

Sa isang banda, hindi lamang si Kathryn ang hayagang sumusuporta kay VP Leni kundi maging ang kanyang boyfriend na si Daniel Padilla. Ito ay sa kabila na ang ina nitong si Karla Estrada ay sa kalabang partido naman, a UniTeam, nakapanig.

Samantala, ayon sa direktor ng video na si Mandy Reyes (na siya ring director ng KathNeil sa kanilang mga KFC TVCs), si Kathryn daw ang mismo ang nag-boluntaryo na gumawa sila ng video for VP Leni na dapat daw ay one-minuter lang pero inabot ng two minutes dahil si Kathryn daw mismo ang maraming nais sabihin.
 

 

Nagsimula sa isang tanong pagkapackup nung shoot namin ng KFC. “Kampi ba tayo Kath?” “Oo naman direk! Gawa tayong ad...

Posted by Mandy Reyes on Saturday, April 23, 2022

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.