Ara Mina at fiance na si Dave Almarinez, nagkatampuhan daw the night before the wedding proposal

PHOTOS: @davealmarinez on Instagram

PHOTOS: @davealmarinez on Instagram

Inamin ng engaged couple na sina Ara Mina at Dave Almarinez na nag-away sila nu’ng gabi bago ang wedding proposal. 

Ito ang ikinuwento ng dalawa sa exclusive interview sa kanila kamakailan nina Butch Francisco at Anna Pingol para sa online show na This Is Showbiz

Natanong kasi ang magkasintahan kung ano at kailan naganap ang una nilang tampuhan. Ang aktres na si Ara ang sumagot at sinabing wala sila masyadong tampuhan at kung meron man ay hindi na biya inaalala ang mga ito. Pero ang ang pinaka-huli daw ay noong gabi bago mag-propose sa kanya ng kasal si Dave. 

(To the unfamiliar, ang nobyo ni Ara na si Dave ang president at CEO ng Philippine International Trading Corporation.)

Hindi ko na maalala pero, oo nagkakatampuhan kami,” lahad ni Ara sa show. “Kaya lang hindi ko na maalala. Kapag mga ganu’n kasi hindi ko na inaalala. 

Pero ang pinakahuli kong naaalala, nagkatampuhan kami a night before the proposal. Inaway ko s’ya. Wala lang. Petty quarrel,” natatawang pagre-recall ng aktres. 

Paliwanag naman ni Dave, naging busy daw s’yang asikasuhin ang proposal n’ya kaya inakala daw ni Ara na nawawalan s’ya ng oras para dito. 

Kasi busy akong asikasuhin ‘yong engagement na wala s’yang alam,” sabi ni Dave. “So, she thought meron akong ibang ginagawa or anything. It’s hard, it’s very difficult na maitago sa kanya ‘yong gagawin mo in a short period of time to make it happen, ‘yong engagement.”

Sey pa ni Ara, dahil nagtalo daw sila nu’ng gabi kaya sinabihan n’ya si Dave na hindi na s’ya sasama dito papuntang city hall kinabukasan. Plano daw kasi nila noon pa na doon na magpa-rehistro. Lingid sa kanya, kasali sa plano ni Dave na ang araw ng pagpaparehistro nila ang araw din ng pagpo-propose nito.

Parang nag-clash lang. ‘Yon pala, meron pala s’yang naka-prepared the following day. Hindi ko alam,” ani Ara. 

Umaayaw na ako. Sabi ko, ‘Hindi ako sa’yo sasama mag-register.’ Gumanu’n ako. Sabi ko, ‘Ayoko na. Hindi na ako sasama sa’yo bukas.’ Gumanu’n talaga ako. Tapos sobrang sad n’ya. Tapos nagpakalma muna ako… Tapos I hugged him. I said I’m sorry. ‘Yon pala may naka-prepare. Walang hiya,” natatawang pagbabalik-tanaw n’ya.

Matatandaan na nag-viral pa ang pagpo-propose ni Dave kay Ara last January 12 sa San Pedro, Laguna city hall.

Wala akong alam. Kaya nga du’n sa proposal, ‘yong hinahampas ko s’ya, sabi ko, ‘Inaaway pa kita kagabi.’ Ganu’n. Kaya ko hinahampas,” pagpapatuloy pa ng Ang Probinsyano actress.

Hindi daw n’ya inasahan na magpo-propose si Dave sa city hall dahil hindi naman ‘yon ang usual na venue ng proposal base sa mga napapanood n’ya.

‘Yon ‘yong story. Sobrang shock ako. Sino ba namang mag-iisip na [may] nagpo-propose sa city hall, ‘di ba?” pahayag pa ni Ara.  “I mean, wala pa akong nakikitang ganu’n. Mahilig akong manood ng mga proposal videos, e, and wedding videos. So wala pa akong nakikitang ganu’n. Usually, restaurant, garden, or mall or kung ano-anong gimmick, ‘di ba? Pero sa city hall, parang wala pa akong nakitang ganu’ng venue na [may] nag-propose.” 

K’wento naman ni Dave, dapat pala ay nu’ng December 2020 pa n’ya sana gagawin ang pagpo-propose pero nu’ng January 2021 lang daw s’ya nakahanap ng tamang tiyempo.

“Actually, dapat December,” pagtatapat ni Dave. Tapos there’s so many things going on. So [in] January, nagkaroon ako ng opportunity dahil na-move ang kanyang lock-in taping from January 8 to January 14. Sabi ko, ‘P’wede tayong magrehistro sa [January] 12.’”

Medyo na-challenge daw si Dave na gawing sikreto ang preparation dahil halos lahat ng taong kinausap n’ya para tumulong ay mga kaibigan at kakilala ni Ara. 

Kinausap ko ‘yong mga taong tumulong sa akin,” sey ni Dave. “Hindi ko naman [sila] masyadong kilala. Mas kilala n’ya [ni Ara], mga kaibigan n’ya… Kinausap namin. Nagpatulong ako [kung] anong gagawin. Kinuntsaba namin. Pati si Mayor [Lourdes Cataquiz] kinuntsaba namin. 

Ayon, nangyari. Minsan iniisip ko baka may alam s’ya [si Ara]. Kasi kinausap ko ‘yong kapatid n’ya, ‘yong mga friends n’ya. Ang pinaka-critical kasi du’n, baka mamaya merong makaalam, i-congratulate s’ya, mawala ‘yong lahat ng preparation. So, we really keep it very tight to very few people.”

Happy naman ang aktres na hindi nasira ang moment lalo na at that time ay marami daw s’yang iniisip at gagawin bago sumabak sa lock-in taping. 

“In fairness naman. Wala namang nag-leak,” saad ni Ara. “Kasi very ano rin ako, e, ano sa oras kasi mag-iimpake pa ako. Ang dami kong iniisip. May mga inaasikaso pa akong business bago ako mag-lock-in taping. So, wala sa mind ko na magpo-propose [si Dave] bago ako mag-lock-in.

Sa ngayon, nasa planning stage na daw ang dalawa sa kanilang magiging kasal na gusto nilang mangyari ngayong taon. 

Nagbigay na din sila ng pangalan ng ilan sa kanilang magiging ninong at ninang. Kabilang dito sina  Megastar Sharon Cuneta, Department of Trade and Industry Sec. Ramon Lopez, at ang businessman na si Dioceldo Sy.

PANOORIN ang kabuuan ng This Is Showbiz with Ara Mina and Dave Almarinez dito:

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Exclusive: Ara Mina answers “IF” questions

Pika's Pick: Barbie Imperial is ecstatic over her Ate/BFF Ara Mina’s engagement

Marco Gumabao, game na maka-partner sa love scenes si Ara Mina

Pika's Pick: Ara Mina opens fourth branch of her Hazelberry Cafe in Alabang. Congrats!

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.