Ara Mina, inimbitahan sa kanyang kasal ang ex-boyfriend na si Patrick Meneses—at pupunta daw!

PHOTOS: @davealmarinez & @patrick_meneses on Instagram

PHOTOS: @davealmarinez & @patrick_meneses on Instagram

Imbitado daw sa kasal nina Ara Mina at Dave Almarinez ang dating nobyo ng aktres na si Bulakan, Bulacan Vice Mayor Patrick Meneses. 

Sa exclusive interview kasi kina Ara at Dave nina Butch Francisco at Anna Pingol for the online show This Is Showbiz kamakailan, nahiritan ang magkasintahan ng ilang detalye sa kanilang upcoming wedding. 

K’wento ni Ara, nasa planning stage na daw sila ni Dave matapos silang mag-engage noong January 12 at gusto daw nilang maganap ang kasal ngayong taon. 

Nasa planning [stage] pa rin but we’re planning to do it this year,” pagshi-share ng actress-entrepreneur. “We’re finalizing lang the ano, kung sinong mga ninong [at] ninang. Dito lang sa Philippines [ang venue] basta out of town.”

And speaking of ninongs and ninangs, meron na daw silang anim na pares na nakakausap at kabilang dito sina Megastar Sharon Cuneta, ang businesman na si Dioceldo Sy, ang GMA-7 executive na si Redgie Magno, at si Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Ramon Lopez.

(Si Dave ang president at CEO ng Philippine International Trading Corporation kaya malapit ito sa DTI secretary.)

“We’re still finishing up. Meron na kaming anim [na ninong] at anim [na ninang],” lahad naman ni Dave. 

“If ever, ang max namin hanggang 10 lang because, s’yempre, [may on-going] pandemic,” dugtong naman ni Ara sa sinabi ng kanyang nobyo. 

S’yempre, hindi din mamawala ang tinaguriang “wedding singer” na si Martin Nievera na nagprisinta na kakanta sa magaganap na “garden wedding.”

At dahil isa sa magiging matrons of honor ang sister n’yang si Cristine Reyes, natanong si Ara kung ano ang magiging participation sa entourage ng kanyang five-year-old daughter na si Amanda Gabrielle [Mandy for short].

“Little bride,” sagot ng aktres. “Magiging little bride s’ya. Parang mini-me ko. Parang s’ya ‘yong mauuna [mag-walk] bago ako lumabas… 

Hindi ko alam ang sequencing, e. Magmi-meeting pa lang kami,” natatawang pahayag ni Ara. 

Paglilinaw pa n’ya, “Ngayon pa lang kasi ako ikakasal. First time ko pa lang ikakasal. Marami pa ring hindi nakakaalam, e. Akala nila kinasal na ako nu’ng una. Hindi pa. This is my first and this is my first proposal din. First engagement. So never pa akong nakasal.

Natanong din ang aktres kung invited ba ang daddy ni Mandy, ang kanyang ex-boyfriend na si Vice Mayor Patrick Meneses. 

“Yes. Oo. He’s going,” pahayag ni Ara. “Hindi ko pa lang sila napapakilala together pero nami-mention ko s’ya [si Dave] kay Pat. Hindi pa rin sila nagka-usap sa phone but I’m planning to have dinner with Patrick and him.”

Naging maayos naman daw kasi ang friendship nila ng kanyang ex-boyfriend at parte pa rin ito ng buhay niya dahil kay Mandy.  At gusto ni Ara na ma-extend ang friendhsip na yon sa mapapangasawa niyang si Dave na magsisilbi ring another father figure kay Mandy. 

Alam mo naman ako, Miss Congeniality. Dapat may pelikula akong ganu’n,” natatawang pagbibiro pa n’ya.

Pero mas maganda ‘yon kasi mas maganda ang flow, masaya, at maganda ang pasok ng blessings sa buhay,” pagtatapos ni Ara.

PANOORIN ang kabuuan ng This Is Showbiz featuring Ara Mina and Dave Almarinez here:

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Exclusive: Ara Mina answers “IF” questions

Pika's Pick: Barbie Imperial is ecstatic over her Ate/BFF Ara Mina’s engagement

Marco Gumabao, game na maka-partner sa love scenes si Ara Mina

Pika's Pick: Ara Mina opens fourth branch of her Hazelberry Cafe in Alabang. Congrats!

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.