Ara Mina to her fiancé Dave Almarinez: “Aalagaan kita tulad ng pag-aalaga mo sa akin.”

PHOTOS: @therealaramina on Instagram

PHOTOS: @therealaramina on Instagram

Umiral ang pagiging sweet ni Ara Mina na may pa-tribute sa kanyang businessman fiancé na si Dave Almarinez ilang araw bago ang kanilang kasal.

Sa kanyang Instagram kahapon, June 9, nag-share ang aktres ng photo ng kanyang nobyo na kinunan daw noong nanliligaw pa lang ito sa kanya at ibinida ang mga magaganda nitong katangian. 

“Just want to let you know Dave that I admire you so much dahil sa maraming magandang bagay tungkol syo,” panimula ni Ara sa mahaba n’yang post. “Hindi ako magsasawang ipagmalaki ang kabutihan ng puso mo. Maraming magpapatunay nyan. 

“Kahit yung mga taong di gumagawa ng mabuti sayo alam nila sa sarili nila kung gaano ka kabuting tao. Kahit kailan wala akong nakitang kayabangan syo, punong puno ng magagandang intensyon ang lagi ko naririnig tuwing nagkukuwento ka at may mga plano ka lalo para sa ibang tao, at dun kita lalong hinangaan.”

Ipinagmamalaki din daw n’ya ang kasipagan ni Dave na sa kasalukuyan ay president at CEO ng Philippine International Trading Corporation (PITC).

“Wala na siguro ako makikilala na kasing sipag at tiyaga mo,” paghayag pa ni Ara. “Ang sarap lang ipagmalaki na kung ano man ang meron ka ngayon ay dahil sa sariling sikap.”

Thankful din daw s’ya dahil nauunawaan ni Dave ang nature ng trabaho n’ya bilang artista lalo na ngayong lock-in taping ang ganap sa mga TV and movie productions dahil sa pandemic.

“Nagpapasalamat din ako sa pagiging maunawain mo lalo sa trabaho ko. Matagal na naman tayong di magkikita dahil nga sa lock-in ang taping namin simula nitong pandemic. Pero ramdam ko lagi yung support mo,” ani Ara.

Isa rin daw sa qualities na nagustuhan ni Ara sa kanyang future husband ay ang pagiging family-oriented nito.

“Natuto ako syo sa pagiging responsable mo sa lahat ng bagay,” pagpapatuloy ng actress-entrepreneur. “At lalo kitang minahal sa pagiging mapagmahal mo sa pamilya dahil yan ang lagi kong pinagdadasal sa makakasama ko habang buhay. 

“Sayang at di ko na nameet ang parents mo para magpasalamat sa pagpapalaki ng isang taong napakabuti at hinahangaan ng marami.”

Promise naman ng aktres na aalagaan at susuportahan n’ya si Dave tulad ng pag-aalaga nito sa kanya. 

“Always remember na nandito lang ako parati to support you sa lahat ng bagay na gusto mong gawin. Aalagaan kita tulad ng pagaalaga mo skin,” the actress wrote.

Dagdag pa ni Ara, “Naniniwala ako na may dahilan ang Diyos sa pagsasama natin. Dave, sabay natin gagawin ang mga misyon natin na maging instrument ng love ni God. Kaya kahit anong pagsubok ang dumating alam kong God’s plan will always win.

“A DESTINY designed by GOD can never be changed by a man,” pagtatapos ni Ara. 

https://www.instagram.com/p/CP3b5SKrOJG/ 

Samantala, bali-balitang sa June 12 na ang much-awaited wedding nina Ara at Dave na gaganapin sa Baguio City. Originally ay dapat noong April 28 ang kasal nila pero naudlot ‘yon dahil sa lockdown at surge ng COVID-19 cases sa bansa. 

Sa exclusive interview naman ng pikapika.ph sa magkasintahan last February ay nagbigay sila ng mga pangalan na kabilang sa kanilang mga magiging ninong at ninang. Kabilang doon sina Megastar Sharon Cuneta, GMA-7 executive head Redgie Magno, DTI Sec. Ramon Lopez, at businessman na si Dioceldo Sy.

 

 

RELATED VIDEO:

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Exclusive: Ara Mina answers “IF” questions

Pika's Pick: Barbie Imperial is ecstatic over her Ate/BFF Ara Mina’s engagement

Marco Gumabao, game na maka-partner sa love scenes si Ara Mina

Pika's Pick: Ara Mina opens fourth branch of her Hazelberry Cafe in Alabang. Congrats!

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.