Arci embarks on her new role as producer and travel show host; also now a CEO of a company that sells official BT21 merchandise

Proud si Arci Muñoz sa kanyang bagong venture bilang CEO ng kumpanyang official distributor ng mga BTS merchandise, ang SKG o Super K Goods. "Ngayon, we partnered with the official BT21 merch sa Korea. Ako rin po iyong CEO. I'm just sharing kung ano po iyong nagpapasaya sa akin. I'm always in Korea meeting with these people," k'wento niya.

Photos: @ramonathornes

Proud si Arci Muñoz sa kanyang bagong venture bilang CEO ng kumpanyang official distributor ng mga BTS merchandise, ang SKG o Super K Goods. "Ngayon, we partnered with the official BT21 merch sa Korea. Ako rin po iyong CEO. I'm just sharing kung ano po iyong nagpapasaya sa akin. I'm always in Korea meeting with these people," k'wento niya.

Pagkatapos mapanood sa mga pelikulang may temang rom-com, gusto namang ipamalas ni Arci Munoz ang kanyang versatility sa pagsubok sa ibang genre. 

Katunayan, natutuwa ang aktres na maka-collab ang magaling na Palanca award-winning writer at director na si Njel de Mesa sa dark comedy movie na Kabit Killer na ikino-produce niya with NDM Studios. 

"Actually, he pitched a movie sa akin and then sobra kaming nag-click ni Direk. Pareho kasi kaming medyo malawak ang imagination. So, noong nag-pitch siya nandoon ako noong lunch, hanggang dinner, nag-collaborate kami. Ang dami ko kasing ideas pero hindi ko alam kung paano ilalatag. Sobrang grateful lang ako kay Direk at kay God na lahat ng bagay sumasang-ayon sa kung ano ang gusto ng heart natin," masayang sa akin bungad ni Arci. 

Sey pa ng Cornerstone artist, masaya raw siya na swak ang visions nila ni Direk Njel pag dating sa paggawa ng mga proyekto. 

"We're leading towards dark comedy which is my humor...humor po naming dalawa. Kasi nage-gets namin ang humor ng isa't-isa na hindi ko ma-explain kasi weirdo po kasi ako. At least, nakakasundo ko si Direk and I'm very thankful that he believes in my weirdness," ani pa Arci.

Dagdag pa niya, paghahanda rin daw ang partnership niya kay Direk Njel for greater things for her tulad ng pagdi-direk.

"This is just the beginning. I also want to direct after this. I also want to direct a movie and also to co-write with Direk and I'm very grateful na... kasi hindi ko naman magagawa iyon kung wala si Direk. I have a very good mentor. I know I am in good hands," paliwanag niya.

Bukod sa pelikula, may upcoming travelogue rin si Arci na pinamagatang Arci's Mundo na  parehong ideya nila ni Direk Njel.

"Actually, casual lang iyong kuwentuhan namin ni Direk. Nakuwento ko lang 'Direk, gusto ko ring magkaroon ng travelogue.' Sabi niya, 'Sige, gawin natin. ' The next day, nag-book kami, nasa Vietnam na kami,"  pagbabahagi niya.

Hirit pa niya, excited na raw siyang i-share ang mga naging karanasan niya sa pagbibiyahe lalo pa't faney siya ng kilalang American celebrity chef at travel documentarian na si Anthony Bourdain. 

"First time ko itong gagawin kasi I've been traveling a lot. Last year, tumira ako sa States for eight months nang di sinasadya and then, when I was there, nag-ano kami, nag- interstate. Nag-rent kami ng trailer and then inikot namin iyong states sa US with my best friend.

"Sabi ko, kung meron akong ganitong opportunity, binibigyan ako ni God ng chance to travel and explore the world, I want to share it to people also. Sobrang fan din ako ng history, culture and food," lahad niya.

Ayon pa kay Arci, na isa sa mga kilalang fan na fan ng BTS, sana raw ay mabigyan siya ng pagkakataon na mai-feature ang pamosong South Korean phenomenal boy band sa kanyang travel show. 

And speaking of BTS, proud din si Arci sa kanyang bagong venture bilang CEO ng kumpanyang official distributor ng mga BTS merchandise, ang SKG o Super K Goods.

"Ngayon, we partnered with the official BT21 merch sa Korea. Ako rin po iyong CEO. I'm just sharing kung ano po iyong nagpapasaya sa akin. I'm always in Korea meeting with these people," bulalas niya. 

Aminado rin siyang bilang faney, sobrang inspirasyon niya ang tinitiliang Bangtan boys. Natanong din namin kung anong qualities ng BTS ang nakabihag sa kanya. 

"Everything. They inspire me in so many levels na hindi ko ma-explain. I guess if it's what really makes you happy, di mo na kailangang i-explain, " ayon kay Arci.

Ito rin daw ang nagtulak sa kanya para itayo noon ang Jimin Park sa pagmamay-ari niyang lote. Ito ang birthday naging pa-birthday tribute niya sa pinaka-paborito niyang BTS member last year na si Park Ji-min.

"Everything's for a good reason naman. Iyong lot area na iyon na pinangalanan naming Ji-min Park, ngayon tinataniman na po siya ng mga puno. Also you can go there for free. And then, may maganda siyang stream. Then, iyong tinanim ko ang lalaki na. That's is how they inspire me," pagtatapos niya.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Arci Muñoz, aminadong nape-pressure din sa mga comments na: "Ang tanda mo na."

Pika's Pick: BTS fan Arci Munoz gets inked anew by Polyc, the world-famous Korean 3D tattoo artist who also inked Jungkook’s “7” tattoo

Pika's Pick: Arci Munoz, proud to be part of the LA Fashion Week, opens the catwalk for the Art Hearts Fashion in Kenneth Barlis creation

Arci Muñoz and JM de Guzman are just friends as relationship announcement turned out to be a prank

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.