Arci Muñoz, aminadong pinu-push sina JM de Guzman at Ria Atayde

Ayon kay Arci Muñoz, hindi raw totoong sina JM de Guzman at Ria Atayde na. Nakagawian lang daw niyang tuksuhin ang dalawa, lalo na si JM, dahil gusto niyang maging sila.

PHOTOS: @sylviasanchez_a

Ayon kay Arci Muñoz, hindi raw totoong sina JM de Guzman at Ria Atayde na. Nakagawian lang daw niyang tuksuhin ang dalawa, lalo na si JM, dahil gusto niyang maging sila.

Hindi daw dapat kasali sa Pamilya Ko si Arci Muñoz pero dahil hindi raw niya matanggihan ang alok ng dating namamahala ng show na si Direk Ruel S. Bayani (RSB). Nahiya rin daw si RSB nang i-alok ang role sa kanya dahil best friend lang ni JM de Guzman ang role niya, meaning it’s a supporting role. Nanggaling na kasi sa pagbibida si Arci sa Since I Found You opposite Piolo Pascual noong 2018.

Ito ang ipinaliwanag niya sa open forum Q&A ng Pamilya Ko na nag-press conference kamakailan sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Sabi ko, e, best friend ko naman siya in real life,” say daw niya kay Direk RSB.  “Sabi ko, at least nasusuportahan ko ’yong kaibigan ko, diba? This is for him actually and RSB ’cause I can’t say no to him.”

Halos hindi na raw nila kakailanganing umarte sa pinakabagong family drama series na ito ng ABS-CBN.

“Gagamitin namin itong totoong friendship namin sa Pamilya Ko, sa palabas. Para makita ng tao na as ourselves lang, e.”

At kahit madalang lang daw ang mga eksena niya kasama ang bidang “pamilya,” Arci gets to experience naman daw ang pagiging pamilya ng buong cast off-cam.

“What I can say is that they’re not acting...even off- camera, they’re like a whole family,” dire-diretsong tsika ni arci, “Si Tita Sylvia [Sanchez] gives all of us food. Talagang she feeds us—all of us. Diba? Everyday, every single time na magus-shoot kami. Para siyang real mom, yes.”

At dinugtungan niya ito ng: “And a mother-in-law,” sabay turo kay JM.

“I love you Tita Ibyang,” bawi niya sa bidang si Sylvia Sanchez, nanay ni Ria Atayde na kasalukuyang nali-link kay JM. 

Tila nabigla both JM and Sylvia kaya panay na panay ang kambiyo ng pilyang ni Arci.

“Joke! Hahaha! Joke lang, joke lang, joke lang po. Ako rin po best friend ko rin po kasi si M  (palayaw ni JM). Wala, wala po...Naku po, wala na akong pagkain sa set. I love you, Tita Ibyang.”

Pagkatapos ng press conference proper ay isa sa kinuyog ng press si Arci para ipa-expound ang mga nasabi niya sa Q&A. Tila kasi napatotohanan niya na may maganda nang namamagitan kina JM at Ria Atayde.

“Best friend ko po silang dalawa,” paliwanag ni Arci about JM and Ria. “Lagi ko silang kasama. Nag-aayan po kami.  Meron po kaming group—Viber group.”

Pero ayon kay Arci, hindi raw totoong sina JM at Ria na. Nakagawian lang daw niyang tuksuhin ang dalawa, lalo na si JM, dahil gusto niyang maging sila.

“Hindi po, hindi talaga, hindi talaga,” diin ni Arci.  “Hindi talaga sila pero ako, kung may pagkakataon...mabigyan ng pagkakataon, sana gusto ko sila together. Gusto ko kasi talaga sila together kaya pinu-push ko sila. 

“Kasi nakikita ko na okey sila together,” justify ni Arci. “They support each other. That was important if s’yempre since parang they’re my closest friends in showbiz...wala naman po akong masyadong friends sa showbiz, e. So, silang dalawa ang pinaka- close ko.”

Pero at this point, wala pa raw siyang mai-se-share na kung anuman sa dalawa. 

“Pinu-push ko sila, e. Gusto nila, they wanna take it slow.”

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.