Ariel Rivera, aminadong ayaw ng anak na babae

(Right Photo) Gelli and Ariel with sons Joaqui (background) and Julio Rivera (foreground, right).

PHOTOS: Anna Pingol & @gellidebelen

(Right Photo) Gelli and Ariel with sons Joaqui (background) and Julio Rivera (foreground, right).

Mag-asawang financially-challenged ang role ng real-life couple na sina Ariel Rivera at Gelli de Belen sa indie comedy movie na Ang Sikreto ng Piso—na incidentally ay pangalawang onscreen tambalan pa lamang nila ever after 22 years—at close to home daw ang mga characters nila dito dahil magkatuwang naman din nilang itinaguyod ang two boys nilang sina Joaquin, 20 at Julio, 18.

 

Sa press conference ng pelikula nila kamakailan, ni-reveal ni Ariel na nasa iisang bank account lang ang kinikita nilang mag-asawa at doon nila kinukuha ang lahat. Wala raw palakihan o pakontian. Although mas si Ariel daw ang namamahala ng finances dahil mas OC siya or mas matikuloso sa detalye kumpara sa misis na si Gelli.

 

At dahil mag-asawa nga ang roles nila sa pelikula, hindi naiwasang matanong ang dalawa, especially during the after-press conference tsikahan, tungkol sa 21-year marriage nila. Isa sa naitanong sa kanila ay kung hindi ba nila inasam or in-attempt na magka-anak ng babae, bilang kapwa lalaki nga ang naging supling nila.

 

Si Ariel ang agad na sumagot at dineklarang: “I didn’t want a girl [offspring]…matrabaho ang babae. Both times when she was pregnant, I prayed to God na lalaki…”

 

Agad naman itong sinalo ni Gelli na okay na rin iyon tutal ay bawi naman siya sa mga pamangkin niya sa ateng si Janice de Belen na may tatlong anak na babae; bukod pa sa tatlong babae nitong apo sa panganay nitong si Luigi Muhlach.

 

Muling tinanong si Gelli kung sa edad niyang 45 ay kaya pa bang humabol ng isa pang anak kung sakali? Pero ayon kay Gelli, “sarado na ang pabrika.” Naging complicated daw kasi ang kanyang second pregnancy kaya’t hanggang dalawa lang ang talagang ipinagkaloob sa kanila. “’Yon siguro talaga ang plano ng Diyos,” dagdag pa ni Gelli.

 

Nang si Ariel naman ang hingan ng reaksyon na tila na-miss out niya ang chance magkaroon ng mga malalabing na daughters—dahil karaniwan diumanong malalabing ang anak na babae sa tatay habang mas malalabing naman ang mga boys sa nanay—ay si Gelli ang sumagot for him.

 

“I beg to disagree but our boys are super malambing ha!” pakli ni Gelli.

 

Sinundot naman ito ni Ariel na mayakap at touchy-feely ang mga boys nila sa kanila even at their age na mga young adults na.

 

“It’s how you bring them up, they’re not born that way,” esplika ni Ariel. “Kung ano ’yong nakikita nila…they see na kami ni Gelli, we hold hands when we’re sleeping…pag nakita nilang gano’n, ’di gano’n sila.”

 

Mandated din daw ni Ariel na never silang kukuha ng yaya sa pagpapalaki sa mga anak at napangatawanan naman nila. Katwiran ni Ariel, ang sariling parents niya ay napalaki silang limang magkakapatid nang hindi umasa sa services ng yaya.

 

Incidentally, nakakaranas na ang mag-asawa ng empty nest syndrome dahil both Joaqui and Julio are now residing in Toronto, Canada kung saan pareho na silang college students.

 

Good job, Gelli and Ariel!

 

Here’s the excerpt from the Gelli-Ariel life update tsikahan:

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.