Arjo Atayde at Maine Mendoza, napag-uusapan na ang pagpapakasal; Sylvia Sanchez, atat nang magka-apo

“Grabe magmahal” ang description ni Arjo Atayde kay Maine Mendoza.  “I think I found a best friend-partner— ’yong nakakausap na walang hindrance being myself.”

PHOTO: @arjoatayde on Instagram; INSET: @sylviasanchez_a on Instagram

“Grabe magmahal” ang description ni Arjo Atayde kay Maine Mendoza. “I think I found a best friend-partner— ’yong nakakausap na walang hindrance being myself.”

Umamin ang aktor na si Arjo Atayde na napag-uusapan na nila ng nobyang si Maine Mendoza ang pagpapakasal.

Isa ito sa laman ng naging interview sa kanya ni ABS-CBN broadcast journalist Julius Babao. The recorded interview, na ginanap sa bahay ng mga Ataydes sa Quezon City, was uploaded sa YouTube channel ng huli na Julius Babao Unplugged kahapon, October 13.

In the course of their conversation matapos ang maikling living-room tour, natanong ni Julius ang aktor kung may plano na ba sila ni Maine na lumagay sa tahimik. 

Ang sa akin naman po, obviously, I’m not wasting time. And at the same time it’s ahh…sobrang mahal ko po ’yong tao, e…totoo,” sagot ni Arjo. “[I’m] very sincere and, you know, I’m just going with the person everyday. And if that’s the question, my answer to that is yes, of course. Napag-uusapan na ’yan.” 

“We’re at the right age,” patuloy ni Arjo. “We’re not getting any younger and we’re both very happy. And hopefully, until we get old. Ito na po ’yon. I think so. Haha!”

He found “the one” na nga raw sa katauhan ni Maine. 

Natanong pa s’ya ng newscaster kung ano ba ang nakita n’ya sa girlfriend na si Maine na hindi niya nakikita ng ibang babae.

“It’s very hard to explain how a person could be unique in the way you see them,” lahad ni Arjo. 

“But to me, she’s a very loving person. Mabuti ang puso n’ya. That’s also very hard to find. Sincere and loyal na tao. And grabe magmahal,” pagbibida pa n’ya sa kanyang kasintahan. 

Grabe po, e. It’s a different way of.. Iba po, e. I’m overwhelmed with the way she…you know, I love her and she loves me back. It’s a different understanding. I think I found a best friend-partner— ’yong nakakausap na walang hindrance being myself.”

Dagdag pa ng Kapamilya actor, sakali daw maging mag-asawa na sila ay hahayaan daw niya na si Maine ang mag-desisyon para sa sarili kung 
ipagpapatuloy nito ang pag-aartista o magpu-fulltime housewife para alagaan ang magiging pamilya nila.

“I leave her that option. That’s her choice,” ani Arjo.

At dahil napag-uusapan na rin lang ang kasal, hirit na tanong pa ni Julius sa kanya ay kung may petsa na ba sila sa espesyal na araw na ’yon. 

Wala pa po [date.] Basta surprise na lang,” natatawang sagot ni Arjo. 

Samantala, na-interview din ni Julius ang ina naman ni Arjo na si Sylvia Sanchez na approve na approve nang bumuo si Arjo ng sarili n’yang pamilya. Aminado kasi ang multi-awarded actress na atat na siyang magka-apo.

At dahil si Arjo ang panganay sa magkakapatid na Atayde, s’ya ang ini-expect ni Sylvia na makapagbibigay sa kanila ni Art Atayde ng una nilang apo.

Kaya nga ang dami kong aso kasi wala akong baby,” natatawang paliwanag ni Sylvia. “Kung p’wede nga lang ako na manganak, manganganak ulit ako. E, walang baby. Walang nagbibigay. E di, aso na lang muna.

Pero on a serious note, nagka-usap na raw sila nina Arjo tungkol dito. Naibigay na umano niya ang advanced blessing niya sakaling gusto nang mag-asawa ni Arjo at maging ng second-too-the-eldest child niyang si Ria.

“Honestly, sina Ria, sina Arjo, sinabihan ko na: ‘Gusto ko na ng baby. Pero, ang gusto ko ’yong gusto n’yo. Pero sinasabi ko sa inyo na gusto ko na,’” pagre-recall pa niya sa naging dialogue niya.

Samantala, inamin din ni Arjo na naging hesitant si Maine nu’ng nalaman nito na nagpasya s’yang pumasok sa pulitika. 

“To be honest, nu’ng una [tutol]... kasi alam n’yang magulo ang pulitika. But I gave her my promise, of course, to behave. And not to...Walang kalokohan sa loob and my will is to serve nang tapat at tunay sa mga tao,” pagbabahagi pa ni Arjo kay Julius. 

“And being the girlfriend she is, like I said, she became supportive. Of course, ayaw ko lang s’yang malapit [sa pulitika] kasi magulo nga.

Thankful naman daw s’ya na supportive sa relasyon nila ang kani-kanilang pamilya at  maging sa desisyon n’yang tumakbo sa 2022 elections. 

“Our families naman po are supportive… It’s my battle, e. I just want everything…gusto lang maayos ’yong mga bagay-bagay na p’wede kong ayusin at alam kong kaya kong ayusin without anyone [from my family] having involved with me anymore,” saad ng Kapamilya actor.

“And you know, having them beside me, supportive, is good enough for me to go on in this race.”

Last October 8 ay pormal nang naghain ng kanyang certificate of candidacy sa pagka-congressman ng 1st District ng Quezon City si Arjo.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.