Arjo Atayde, break na sa girlfriend; Maine Mendoza, kaibigan lang daw

PHOTO: Anna Pingol & @mainedcm

PHOTO: Anna Pingol & @mainedcm

Kahapon, October 11, ay inilabas ng website na Philippine Entertainment Portal ang dalawang paparazzi shots—na ipinadala lang din sa kanila—kung saang makikitang magkasama sa isang restaurant sina Arjo Atayde at Maine Mendoza. Magkasama sa MMFF (Metro Manila Film Festival) 2018 entry na Jack Em Popoy: The PulisCredibles ang dalawa kaya hindi malayong naging close na ang dalawa.

 

Pero hindi maiwasang maging news item ang paglabas nilang ito lalo pa’t galing sila sa magka-ibang kampo, si Arjo ay taga-ABS-CBN, habang si Maine ay indirectly taga-GMA-7. Bukod pa roon, patuloy na single si Maine kahit pa may ilang nali-link sa kanya; habang ang alam naman ng publiko kay Arjo ay karelasyon pa rin nito ang GirlTrend member na si Sammie Rimando na nakilala niya two years ago.

 

However, sa pagtatanong-tanong ng pikapika ay napag-alaman naming break na pala sina Arjo at Sammie.

 

Minabuti ng pikapika na si Arjo na mismo ang tanungin sa bagay na ito at kung “date” bang maituturing ang paglabas nilang iyon ni Maine Mendoza.

 

Through a text message ay nilahad namin kay Arjo ang ilang tanong, kasabay nan rin ng paghingi ng reaksyon kung ready na ba siyang ma-bash ng ilang fans ngayong associated na ang pangalan niya kay Maine. Tila iyon kasi ang nagiging kapalaran ng sinumang lalaking ma-link kay Maine sa mga panahong ito.
 

Matipid at maingat ang naging sagot ni Arjo sa mga tanong namin.

 

Eto ang kanyang naging sagot: “We’ve already broken up and I don’t think being friends [with Maine] for now is a reason to bash. Good day, tita.”  

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:


Arjo Atayde opens more about Maine Mendoza: "I love her company so much"


Arjo Atayde and Maine Mendoza watch LANY concert together, Arjo posts sweet message to his “babs” Maine after


Exclusive: Arjo, pormal nang ipinakilala si Maine sa mga magulang niya

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.