Army reservist Ronnie Liang, manghang-mangha sa ganda ng Sulu at sa tatag ng mga mamamayan doon

Mapapanood ang ginawang pagbisita ni Ronnie Liang sa Sulu sa Facebook page at YouTube channel ng Civil Military Operations Regiment of the Philippine Army na Kalinaw News at maging sa sariling YouTube channel ni Ronnie, soon.

PHOTOS: @ronnieliang on Facebook

Mapapanood ang ginawang pagbisita ni Ronnie Liang sa Sulu sa Facebook page at YouTube channel ng Civil Military Operations Regiment of the Philippine Army na Kalinaw News at maging sa sariling YouTube channel ni Ronnie, soon.

Itinuturing daw na eye-opener ng singer-actor and licensed pilot na si Ronnie Liang ang naging pagbisita n’ya sa Sulu sa Mindanao kamakailan. 

Naimbitahan kasi ang Viva artist, na isa ring Philippine Army reservist, ng Sulu Provincial Government to grace an event para sa isinusulong nilang mga kampanya para sa lugar, ang “Sa Sulu, PEACEsible Ang Kapayapaan.” May kaugnayan din ito sa tourism campaign ng Phillippine Army na tinawag nilang "From Terrorism to Tourism."

Sa Facebook post nga ni Ronnie last October 4 ay ibinida n’ya ang pagiging masayahin at warm ng mga taga-Sulu sa kabila nang malagim na karanasan nila sa war and terrorism noong mga nagdaang taon.

“It was a humbling experience & a life changing one when I met the people of Sulu,” sey ng singer-reservist sa kanyang FB post kalakip ang mga photos na kinunan sa Barangay Kabbontakas, Patikul, Sulu.

“You will feel the genuine happiness, the sincere hospitality of the people who have experienced the horror of terrorism & now returning to their homeland that is now peaceful.” 

Dagdag pa n'ya, “Kaisa po ninyo ako sa dasal at hangarin ng patuloy na kapayapaan at kaunlaran ng Sulu.”

 

I had visited Barangay Kabbontakas, Patikul Sulu, The Ground Zero. It was a humbling experience & a life changing one...

Posted by Ronnie Liang on Sunday, October 3, 2021

At mas lumalim pa daw sa kanya ang kahulugan ng pagsisilbi sa bayan bilang isang reservist. 

“Some of the things that I have realized, as a Reservist, with regard to the deeper meaning of service is that ‘Service is putting the interest of others first before your own without expecting anything in return,” pagbabahagi ni Ronnie sa kasunod n’yang post noong October 7.

His post came with a series of photos na kuha naman sa Jolo, ang kabisera ng Sulu.

“I became a Reservist on November 2019 and I have stated those words about service and Call of Duty,” pagre-recall pa n’ya.

“I have seen the sacrifices of our soldiers, their discipline, and their love for our country. Our Soldiers are willing to risk their lives, take the bullets, and sacrifice themselves in the name of peace, development, and liberty.”

 

Our Sworn Oath: 🇵🇭🕊 To serve and to answer the Call of Duty no matter what it may cost, for our families, for our...

Posted by Ronnie Liang on Wednesday, October 6, 2021

Sa naging FB post naman n’ya on October 9, sinabi ni Ronnie na hindi daw n’ya inakalang mayaman sa magagandang beaches at isla ang Sulu na hindi nababalita noon. 

“My visit in Sulu is one of the historical days of my life. It is a wildest idea that has come into fruition,” aniya. 

“Also, I never thought that Sulu has a lot of beautiful beaches and stunning islands aside from having a rich culture, kind-hearted & peace-loving people,” pagtatapos ni Ronnie. 

 

My visit in Sulu is one of the historical days of my life. It is a wildest idea that has come into fruition. Also, I...

Posted by Ronnie Liang on Saturday, October 9, 2021

Mapapanood ang ginawang Sulu trip ni Ronnie sa Facebook page at YouTube channel ng Civil Military Operations Regiment of the Philippine Army na Kalinaw News at maging sa YouTube channel mismo ni Ronnie soon. 

Maliban sa pagiging active n’ya sa Philippine Army, napapanood din si Ronnie bilang isa sa mga “Jukebosses” sa videoke game show na Sing Galing sa TV5.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.