Asawa ng basketball player na ayaw magbayad ng utang kay Ogie Diaz natiklo ng kapulisan

Hindi na umabot sa pagne-name drop si Ogie Diaz dahil natiklo na umano ng mga otoridad at nakakulong na ang babaeng asawa ng isang sikat na basketbolista na may utang sa kanya. Ngayong hapon, January 10, ay kumalat ang balitang hinuli ng mga tauhan ng Phillipine National Police Highway Patrol Group si Beatrice Pia White noong January 8. A simple google of her name would yield results alongside the name of San Miguel Beerman Terence Romeo, ang kanyang asawa.

Photos: Ogie Diaz Facebook / from pikapika reader (inset)

Hindi na umabot sa pagne-name drop si Ogie Diaz dahil natiklo na umano ng mga otoridad at nakakulong na ang babaeng asawa ng isang sikat na basketbolista na may utang sa kanya. Ngayong hapon, January 10, ay kumalat ang balitang hinuli ng mga tauhan ng Phillipine National Police Highway Patrol Group si Beatrice Pia White noong January 8. A simple google of her name would yield results alongside the name of San Miguel Beerman Terence Romeo, ang kanyang asawa.

“Ayun.  Nasa kulungan na sila.  Titigas kasi ng mukha.  Patuloy na nang-iisa ng kapwa.  Nasakote rin. Finally,” ito ang latest post ng talent manager cum vlogger na si Ogie Diaz ngayong 5PM sa kanyang Facebook account.

Ang binabanggit dito ni Ogie ay ang asawa ng kilalang basketball player na may malaking utang sa kanya na matagal na niyang pinariringgan at wina-warningan na papangalanan na kapag hindi pa rin nagbayad ngayong taon.

Ani ni Ogie sa kanyang mga paninig sa Facebook ay  taon na ang inabot ng utang sa kanya ng asawa ng sikat na basketbolista na malakas ang loob umanong mag-post ng mga mamahaling gamit sa social media at panay pa ang travel ngunit kapag sinisingil umano ay panay naman ang dahilan na walang pera.

Sa huling post nga ni Ogie sa Facebook noong January 9 ay halatang pundido na siya sa misis na ito ni basketball player.

Aniya: “Ang luma na ng mga dahilan ng misis ni Basketball Player. Hintayin ko raw siyang makabangon para mabayaran ang utang sa akin.

Dalawang taon na niyang sinasabi yan. At dito lang siya consistent, ah!”

Pagbibigay-clue pa niya: “Sana, sa pagbabayad din ng utang, Ms. P.  Mabait naman ako, sabi ko sa kanya. Kaso parang inaabuso naman niya ang kabaitan ko. Nakakapagod na. Kaya eto ako ngayon, nagsusumbong sa facebook.”

According kay Ogie, hindi lang sa kanya may atraso ito kundi sa napakarami pang tao. Pero tila gamay na umano nito ang pangangako ng walang resulta.

“Andami nang naniningil ng utang sa kanya. At dalawa na kami doon ni Doc Louie. Dalawa lang kami sa napakarami.

“Kung nakakabilyonaryo lang ang mga pangakong magbabayad na me kasama pang petsa kung kelan, baka nabayaran ko na ang utang ng Pinas. Ganun kagrabe mangako. At ang kapal ng mga tseke niyang walang pondo.”

Dito na siya nag-warning na malapit na niyang banggitin nang pangalan nito.

“Pasasaan ba’t babanggitin ko din ang name ng lola nyong maganda, pero lumampas sa kanyang lifestyle at ibinigay din ang marangyang buhay ng dyowa niyang player, kaya nagkandalubog-lubog din sa utang. 

“Uy, maawa ka sa anak mo. Yan ba ang mamanahin niya sa iyo? Kahihiyan?”

Pero dahil din umano kay “Ms. P” ay natuto siyang wag nang masyadong magtiwala sa kapwa kahit pa maamo ang mukha.

“Hay, nako…. anlaki ng natutunan ko sa kanya. Para akong nag-aral sa isang private school ng isang kurso na may kasamang masteral at doctorate para lang matuto. 

“Kaya wag na wag kayong magtitiwala agad-agad sa maaamo ang mukha at halos di makabasag ng pinggan ang itsura. 

“Mas magtiwala kayo sa pinggan.”

 

Ang luma na ng mga dahilan ng misis ni Basketball Player. Hintayin ko raw siyang makabangon para mabayaran ang utang sa...

Posted by Ogie Diaz on Sunday, January 9, 2022

Hindi na umabot sa pagne-name drop si Ogie dahil natiklo na umano ng mga otoridad at nakakulong na ang babaeng asawa ng isang sikat na basketbolista na may utang sa kanya.

Moreover, may sinagot din na isang commenter si Ogie sa kanyang Facebook na humihingi ng clarity kung sino ang bababeng tinutukoy niya at ang sagot niya ay: “asawa ni TR.”

Ngayong hapon, January 10, ay kumalat ang balitang hinuli ng mga tauhan ng Phillipine National Police Highway Patrol Group si Beatrice Pia White noong January 8. A simple google of her name would yield results alongside the name of San Miguel Beerman Terence Romeo, ang kanyang asawa.

Samantala, sa report ngayong gabi ng TV Patrol, sinabing 20 umano ang mga complainants na naghain ng reklamo kay Beatrice Pia White, kasama na ang humarap sa HPG na si Alvin Clarinan, na nagpakita pa ng mga ebidensyang bouncing checks at promisory notes.

Si Clarinan din ang may-ari ng tatlong sasakyang nirentahan ni White at pagkatapos ay hindin na isinoli.

Estafa, paggamit ng mga pekeng pangalan (gaya ng Janelle Consunji), extortion, at technical carnapping ang ilan sa mga kasong hinaharap ngayon ni White at ng kasabwat umano nitong nagngangalang Efcel Reyes.

Bukod sa mga kasong nabanggit, sangkot din umano si Beatice Pia White sa mga investment scams. Kaya’t hinihikayat ng kapulisan ang mga umano’y nadanyusan ni White na magsampa na rin ng formal complaint.

Walang ibang matutukoy na “nakulong na” na asawa ng basketbolita kundi si Beatrice Pia White dahil ito lang naman ang asawa ng basketbolistang naka-detain sa mga oras ito. Kaya’t paniguradong ito rin and Ms. P na matagal nang sinisingil ni Ogie.

Samantala, last January 6, two days before the arrest, ay ibinalita ni Cristy Fermin sa kanyang Cristy Ferminute online show na hiwalay na umano si Terence Romero sa asawa nito.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.