Asawa ni Rufa Mae, pulis na!

Photos by Anna Pingol

Photos by Anna Pingol

“Enjoy na enjoy at todo-todong happiness” ang description ni Rufa Mae Quinto nang kumustahin ng pikapika ang pagiging nanay niya sa one-year old daughter niyang si Athena Alexandria Magallanes.

 

Nakatsikahan namin ang balik-TV (Home Sweetie Home) na si Rufa Mae sa taping niya kamakailan para sa ilang webisodes ng Viva Entertainment channel sa YouTube na ginanap sa Quezon City.

 

Masaya ring ibinalita sa amin ni Rufa Mae, P-Chi sa mga kaibigan, na nakapasa na sa pagpu-pulis sa San Francisco, California ang asawa niyang si Trevor Magallanes. Hindi pa lang daw malinaw kung sa San Francisco mismo ito made-destino o sa kalapit city nitong San Jose.

 

At dahil sa Amerika magba-base ang asawa, option ni Rufa Mae ngayon na mag-base na rin doon at magbalik-balik nalang sa Pilipinas kung may “karaketan” man.

 

“Balak na rin kasi naming bumili ng bahay doon,” esplika ni P-Chi. “Sine-set-up na niya… kaya pag sinabi niyang uwi na, di uwi na. Saka pa panahon naman ngayon, basta may pamasahe ka, madali na. Wala na ngayong abroad-abroad. Everybody is travelling.”

 

Sa ngayon ay nasa Amerika si Trevor habang papunta palang si Rufa Mae doon pero hindi para dalawin ang asawa kundi para “mag-world tour” ng concert nila ni Andrew E. called Gag Overload (GagO) na ililibot diumano sa 12 cities doon.

 

Kinasal si Rufa Mae sa American citizen na si Trevor Magallanes noong November 25, 2016 sa Quezon City.

 

Screenshots from @rufamaequinto Instagram

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.