Assunta De Rossi, mapapa-aga ang panganganak through CS; bunutan daw ang naging pagpili sa kanyang delivery date

"Bunutan. So, nagsulat ako ng mga numero sa papel. Nilagay namin sa loob ng hat tapos ako na nagbunot. We prayed over it. "

PHOTO: @assuntaledesma on Instagram

"Bunutan. So, nagsulat ako ng mga numero sa papel. Nilagay namin sa loob ng hat tapos ako na nagbunot. We prayed over it. "

Nagk'wento ang aktres at soon-to-be mommy na si Assunta De Rossi tungkol sa nalalapit n'yang panganganak sa panganay nila ni former Congressman Jules Ledesma. 

Ang tsikahan ang naganap sa online show ng showbiz writer na si Jun Lalin kahapon, October 12, sa show na Anything Goes na naka-live sa Abante Radyo Tabloidista Facebook page. 

Ilang araw na lang kasi ay manganganak na—via caesarian delivery [CS]—si Assunta sa kanyang baby girl na papangalan daw n'yang Fiore o "flower" sa Italian.

"Halo-halong emosyon," pagbabahagi ng half-Italian na si Assunta kay Jun hinggil kanyang nararamdaman ngayong malapit na nga s'yang manganak. "May kaba, may saya, emotional... S'yempre physically tired na din ako. Parang, 'Halika na nga. Ilabas na natin 'to. Masakit na ang buong katawan ko.' S'yempre andu'n pa rin 'yong fatigue. 'Yon, isa 'yon talaga na hindi nawala sa ’kin 'yong symptoms na laging pagod. 'Yong parang I've never felt so tired in my life. 'Yon, ganu’n s'ya. 

"Anyways, sa ngayon hindi na din ako... Sabagay hindi na din naman ako naglalalabas ng bahay hangga’t hindi kailangan," pagpapatuloy pa n'ya. "'Yong weekly check ups... 'yon weekly na s'ya dahil medyo malapit na nga 'yong due date. But since elective C-section ako, medyo mapapa-aga s'ya.

"Pero kaka-enter ko lang ng 9th month so lutong-luto naman na si baby even if hindi s'ya umabot ng 40 weeks." 

Sa mga nagtatanong kung bakit magsi-CS at hindi normal delivery si Assunta, ito ay dahil sa kanyang myoma. 

"Hindi na ako paaabutin sa magli-labor ako, paa-agahin na lang 'yong panganganak ko. Meron po kasi akong 7cm myoma," paliwanag ng award-winning actress. "Bina-block po nya 'yong exit ng bata. The baby has always to come first, 'di ba?” 

K’wento pa ni Assunta, na-inform naman daw s'ya nu'ng mga unang check ups n'ya baka ma-CS daw s'ya at 'yon na nga ang mangyayari this time. 

"So, wala akong choice," she continued. "I mean, early on pa lang, siguro mga one and half months pregnant pa lang ako nasabihan na ako. 'Meron kang bukol ha. Malapit sa pwerta.' Parang ganu'n. Nauuna s'ya. So, sinabihan na ako na, 'Mag-prepare ka na most likely masi-caesarian section ka. Kasi hindi p'wedeng may ibang nauuna sa baby. Kailangan baby first lagi.' 

Dahil dito, inabisuhan na daw si Assunta na kailangan n'yang mamili ng date kung kailan s'ya manganganak.

"So, early on pa lang, e, nakita ko na, e. 'Okey.' But 'yon na nga nu'ng nag-usap kami ng OB ko weeks ago, sabi ko, 'Should we start 'yong birthing plan?' Mga ganyan. Sabi n'ya, 'Elective CS ka, 'di ba? Mamili ka na ng date tapos kailangan mas maaga sa due date.' Siguro nga para hindi na ako mag-labor. Para pag in-admit na ako ng hospital diretso opera na, 'di ba?"

Ikinuwento din ng 37-year-old actress kay Jun ang process kung paano sila namiling mag-asawa ng petsa ng panganganak pero hindi muna nila idedetalye ang exact date sa viewers. 

"Ayon na. Medyo na-change of plans," lahad pa ni Assunta. "And ayon na, nag-usap kaming mag-asawa. Sabi ko, 'Ano? Pili ba tayo ng date?' Mahirap. Ang hirap din pala because wala kasing significance sa akin itong month na 'to. 

"So, sabi n'ya, 'Hindi. Buksan mo 'yong Bible. Meron d'yang verse. Nasa Proverbs 'yan... about drawing lots.' Bunutan. So, nagsulat ako ng mga numero sa papel. Nilagay namin sa loob ng hat tapos ako na nagbunot. We prayed over it. Kasama din namin 'yong mga bata. Nag-dinner kami,” dagdag ni Assunta referring to her stepkids, Julio Carlos Tomas and Cristina na mga anak ni Jules sa first marriage nito.

"Sabi n'ya, 'O, sige. Bunutan na tayo tapos ipagdasal natin.' Kasi uso pala s'ya noong araw, 'yong magbubunutan kayo. Ayon, finally, nabunot. Sabi ko, 'Ano? Sure na tayo dito? Kasi I can already advice my OB na itong araw na 'to para mapaghandaan nila.' Alam mo naman ngayon ang hirap nang pabigla-bigla dahil sa COVID and kailangan talaga you have to do everything in advance."

Naipaalam na din daw ni Assunta ang date na nabunot n'ya sa kanyang doktor at ia-announce na lang daw n'ya ito sa publiko soon kapag tapos na s'yang manganak.  

"Nasabi ko naman, mga two weeks ago, nasabi ko naman sa OB ko na ito 'yong napili naming date. Pero ia-announce ko na lang pagtapos na," ani Assunta. 

Kinakabahan din daw ang kanyang businessman hubby sa nalalapit n'yang panganganak lalo na't sa ospital ito isasagawa.

"Excited na nininerbiyos din, kasi sa kaso n'ya, it's been 23 years, almost 24 years since 'yong last baby n'ya," patuloy ng aktres. "Siguro dahil baka na rin sa age n'ya. E, senior citizen na 'yan, e, 'di ba? 

"And sinabi n'ya sa akin na natatakot nga din s'ya kasi sa ospital. Ayaw n'ya ng anything hospital or clinic lalo na sa panahon ngayon. Pero of course, he'll be there. He'll be there talaga. At ako din naman, iniingatan ko din naman s'ya.” 

Aminado din si Assunta na kinakabahan din s'ya for her husband lalo na sa panahon ngayon ng pandemya kung kailan pareho silang vulnerable sa sakit.

"Ako din kinakabahan for him," pag-amin n'ya sa online interview. "Sabi ko 'wag naman sanang pumunta ng ospital tapos baka may mauwi na kung ano-ano. Pareho kasi kaming vulnerable, e. Kasama kami sa category na most vulnerable, mga buntis, mga senior citizen, ganyan. 

"So, far healthy naman kami pareho," paniniguro n'ya. "In the coming weeks, magpapa-swab [test] na rin ulit kami para bago kami pumunta ng hospital cleared kami na p'wede kaming lumabas, 'di ba?” 

[Assunta’s sugar baron husband just turned 60 last August. He has five more years to be considered a real senior citizen. He and Assunta have 22 years age gap between them.]

"Maybe one of the reasons kung bakit hindi ko rin dini-disclose 'yong due date kasi bukod sa ayokong may nakatutok sa'kin, I don't know kung anong maging resulta ng swab test namin. Baka mamaya baka mag-positive kami. 'Wag naman sana. 'Ah, sorry, delay. Ide-delay namin 'yong panganganak mo until mag-negative ka.' 

"We don't know kaya ingat na ingat na kami sa health namin. Bawal na din magpa-stress. 'Yong utak namin ngayon nakatutok na sa nalalapit na due date." 

Samantala, excited na din ang family ni Assunta na nasa Europe sa nalalapit n'yang panganganak. First apo kasi ito sa side niya. Unfortunately, hindi daw makakauwi sa Pilipinas ang mga ka-anak niya dahil nga sa pandemic. Medyo mahirap at istrikto daw kasi ang mga airlines at travel agency ngayon. Kung makauwi man sila, kailangan pa nilang lahat mag-quarantine ng 14 days kaya baka makabigat lang daw sila kay Assunta. 

Nagpa-abot na din daw ng regalo ang tanging relative niya sa Pilipinas, ang younger sister n'yang si Alessandra De Rossi

"Nagkita kami kahapon," pagbabahagi ni Assunta. "Sumaglit lang ako sa bahay n'ya kasi nga sabi n'ya meron s'yang pinamili for the baby. So, sabi ko, 'Sige, sige. Kunin ko na para bago man lang ako manganak...' Kasi feeling ko matagal bago kami magkita."

Nag-advice na din daw kasi ang doktor na bawal ang visitors habang nasa ospital ang aktres na bahagi ng kanilang safety protocol. 

"Before, sabi n'ya gusto n'ya sana kapag nanganak ako, madalaw sa hospital. Sabi ko, 'Unfortunately, no visitors allowed talaga.' Even the kids were asking, 'Can we visit?' Sabi ko, 'Hindi daw sabi nu'ng doktor ko.' Asawa lang ang p'wede. Wala, e. Ganu'n talaga. 

"I'm sure 'yong nanay ko masama din ang loob nu'n deep inside, 'di ba? Kaya lang, talagang everyone is affected [by the pandemic]. And dasal ko talaga matapos na 'tong problema na 'to. For everyone naman, hindi lang para sa amin, for the world, 'di ba? Kasi ang hirap kumilos, ’no? 

"Ang dami mong nasa-sacrifice kasi nga health ng maraming tao ang nakasalalay. I'm praying for better days. Sana naman matapos 'yong taon nang maganda, 'di ba?" pagtatapos ni Assunta. 

Mayo ng taong ito nang ginulat ni Assunta ang kanyang mga fans matapos n'yang i-announce na s'ya ay pregnant after 16 long years of being married to Jules. 

 

Panoorin ang buong tsikahan dito:

 
#AnythingGoes

Makakasama ni Jun Lalin ang soon to be mother Assunta de Rossi, ilang linggo bago siya manganak to Baby Fiore! Abangan ang kanilang chikahan dito lang sa Anything Goes sa Abante News Online. Follow us on our social media accounts: YOUTUBE: https://bit.ly/3dyezps FB: Abante Radyo Tabloidista SUBSCRIBE! https://bit.ly/37AHoPl Website: https://bit.ly/2rj6ilE Facebook: https://bit.ly/35pMNXo Instagram: https://www.instagram.com/abanteradyo/ Twitter: https://twitter.com/AbanteRadyo #A #AbanteNews #TunayNaTabloidista #AbanteRadyoTabloidista

Posted by Abante News Online on Sunday, October 11, 2020

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Alessandra De Rossi is in a throwback mode on Instagram and her hilarious captions can surely lighten up your mood

Pika's Pick: Alessandra De Rossi tributes birthday celebrant sister Assunta with a funny message

Pika's Pick: Assunta de Rossi subtly shows five-month old baby bump

Alessandra De Rossi, pinanindigan ang sinabing masisimot na ang laman ng bank account niya dahil sa pagtulon

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.