Ate Vi, maluwag na tinanggap ang pagkawala ng ina

PHOTOS: Anna Pingol

PHOTOS: Anna Pingol

April 1 nang pumanaw ang butihing ina ng Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto na si Mama Milagros Santos. Kaya lalo raw hindi makakalimutan ni Ate Vi, pet name ng actress-politician sa showbiz, ang birthday ng isa sa matalik niyang kaibigan na si Tirso Cruz III, who incidentally turned 67 that same day.

Ate Vi with her siblings and relatives.

 

Ayon kay Ate Vi, na saglit na naka-usap ng pikapika sa ikatlong gabi ng paglalamay sa cremated remains ng kanyang Mama sa Loyola Memorial Park sa Parañaque kagabi (April 4), ang Mama na nila ang gumib-up sa almost 15-year battle nito sa sakit na Alzheimer.

 

Punung-puno ng mga bulaklak ang premium chapel ng Loyola Memorial Park in Sucat, Parañaque at isa sa agaw-pansin ay ang padala ni VP Leni Robredo.

 

Silang limang magkakapatid raw (Emilyn, Tess, Sonny, at Winnie)—along with her mom’s doctors—did their best para makapiling pa nang matagal-tagal ang kanilang ina pero bumigay na raw ang puso nito. 

She was 93.

“Gumib-up, e,” kibit-baikat na kwento ni Ate Vi. “[Kami] hanggang p’wede…kahit may dementia, nag-Alzheimer na, bedridden na… Two months sa hospital in and out…two weeks sa ICU [intensive care unit]…Siya na ang nagkusa…para bang sinabi niyang, ‘Okay, enough.’” 

Dahil sa Alzheimers nito ay matagal-tagal na rin daw silang hindi nakikilala ng ina.

“Ang amin lang, basta ang alam niya, we were here…hindi kami [nag-give up]…kaya bandang huli siya na rin ang para bang, ‘Okay na. Thank you. Let me rest.’”

Ang ipinagpapasalamat lang ni Ate Vi ay ang presence ng apat niyang kapatid, dalawa sa mga ito—sina Tess at Winnie—ay pawang umuwi dito mula Amerika. Nakadagdag diumano ito sa maluwag na pagtanggap niya sa pagkawala ng ina.

“At least ’yong mga kapatid ko kumpleto na kami…ulila na kami, pero kumpleto kaming magkakapatid.”

(1) Ate Vi with (clockwise) Malou Choa-Fagar of Eat Bulaga!, Chit Guerrero (the former production head of her VIP show), Maribeth Bichara (her VIP choreographer), and Tonette Macho (of the Iskul Bukol fame); (2) Ate Vi welcoming Tirso Cruz III and wife Lynn; (3) Ate Vi introducing her husband Senator Ralph Recto to Malou Fagar; (4) and Ate Vi’s bunso, Ryan Christian Recto, who is now 23.

 

Naikwento ni Ate Vi, who is incidentally seeking reelection for her second term as congresswoman of the 6th District of Batangas, na hindi rin daw biro ang naging kalagayan ng ina na ginupo ng Alzheimer’s disease.

Una raw ay may dementia lang ito o ’yong early onset ng Alzheimer’s. Hanggang sa hindi na nga raw sila makilalang magkakapatid ng kanilang Mama.

“Ang tawag niya sa amin, ‘Ate…’” nakangiting k’wento ni Ate Vi. “Hanggang the usual Alzheimer’s ’yong may mga moments na siya…violent. tapos hanggang no’ng tumahimik na…tumahimik na.

“Basta sabi ni Tina—Tina Revilla—‘Habang may gana pa ang Mama mo kumain, pakainin ninyo na. Bigay ninyo kung ano ang gusto niya. Kasi there’ll come a time, bigla na lang siyang hindi kakain.’ And it happened, it happened. Pero sinabihan na ako ni Tina… kasi no’ng mamatay ’yong father niya naka-tube pa rin ’yong food. Sabi niya, ‘There’ll come a time bigla na lang magugulat na lang kayo wala na siyang gana and then lalagyan na lang siya ng tube.’ And it happened to Mama.” 

Ngayong gabi ang huling gabi ng paglalamay at kinabukasan, Sabado, ay pagmimisahan ang cremated remains nito bago ilagak sa isang simbahan sa Alabang. 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Tirso Cruz’s eldest son TJ passes away

WATCH: Showbiz pays tribute to a well-loved colleague and friend

Indie actor Kristoffer King passes away

Showbiz mourns loss of veteran singer-actress Armida Siguion-Reyna

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.