Aurora ni Anne Curtis, nasa Netflix na!

PHOTOS: VIVA FILMS FACEBOOK PAGE

PHOTOS: VIVA FILMS FACEBOOK PAGE

Mula April 25, mapapanood na sa Netflix ang horror-thriller movie na Aurora ng Viva Films.

Ito ang pangalawang Anne Curtis starrer na nabili ng nasabing global streaming giant matapos ang action thriller naman na BuyBust (directed by Erik Matti).  

Ang Aurora, na mula sa direksyon at panulat ni Yam Laranas (katuwang si Gin de Mesa), ang isa sa mga topgrossers ng nakaraang 44th Metro Manila Film Festival, kung saan humakot din ito ng limang parangal kabilang ang 2nd Best Picture, Best Cinematography, Best Sound Design, Best Visual Effects, and best child performer for Phoebe Villamor na gumanap bilang nakababatang kapatid ni Anne na may third eye.

Aurora follows the story of Leana (Anne Curtis), isang hirap sa buhay na inn-keeper na napilitang maghanap ng mga nawawalang katawan mula sa barkong Aurora na misteryosong bumangga sa batuhang abot-tanaw sa tinitirhan niya.

Ngunit imbes na pabuya mula sa mga kaanak ng tragedy victims ay samu’t saring kababalaghan ang naging kapalit ng lahat para kay Leana at sa nakababatang kapatid niyang si Rita (Phoebe Villamor).

Kabilang din sa mga cast ng Aurora sina Marco Gumabao, Mercedes Cabral, Sue Prado, Allan Paule, Andrea del Rosario, Arnold Reyes, Ricardo Cepeda at Ruby Ruiz.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

The Cristine Reyes-starrer ‘Maria’ ranked 4th in the most-watched non-English Netflix films in UK

'Ang Probinsyano' is now on Netflix—but with an interesting English title

Ulan is available for screening on HOOQ, Asia’s premium video-on-demand streaming service provider, starting today, June 14.

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.