Nagsalita na ang sexy-drama actress na si Ava Mendez tungkol sa napabalitang breakup nila ng rapper-songwriter na si Daryl Jake Ruiz o mas kilala bilang Skusta Clee.
Nangyari ito kamakailan sa exclusive virtual interview n’ya with pikapika.ph kung saan tumanggi pa s’yang magkuwento noong umpisa.
Dahil dito ay nabiro pa namin s’ya na baka naman mag-on pa talaga sila at itinatago lang sa publiko ang kanilang relasyon.
Dito na nag-deltaye si Ava kung bakit nauwi sa hiwalayan ni Skusta matapos ang kanilang pag-amin bilang magkasintahan nitong January.
“Hindi kami nagtatago. May mga bagay talaga na hindi match and [sinubukan] naman namin. Okey naman talaga,” lahad n’ya sa amin.
Kaya lang daw kasi, hindi umano magka-swak ang mga plano nila sa buhay individually.
“Pero ambisyosa talaga akong tao and ang dami ko pang gustong gawin. So, parang hindi ko kaya [na ipagpatuloy ang pakikipagrelasyon],” pag-amin n’ya.
“Basta nangyari na lang tapos nag-go with the flow. And then, okey naman s’ya. Parang masasabi ko na lang siguro pag friendship mas okey kesa sa relationship.”
At dahil ayaw pa n’yang aminin ang pinakadahilan ng separation nila ay biniro muli namin na baka naman dominante s’ya sa kanilang relasyon o kaya ay malakas ang kanyang personality.
“Aminado naman ako… Oo, baka, p'wede rin, ganu’n. Pero ’yon talaga ang personality ko. Alam mo naman ’yon,” pagpapakatotoo n’ya.
Ganu’n pa man, pareho umano silang nagpasya ni Skusta na tapusin na ang kanilang relasyon kaya nakakatiyak umano s’ya na maayos ang kanilang paghihiwalay.
“Oo, mutual talaga na desisyon na mag-separate muna kami kasi hindi talaga okey,” paglalahad n’ya.
“Hindi kami magkaaway… Hindi ko masabi din na friends, pero parang casual.”
Natatawang tsika pa n’ya, wala daw talaga sa plano n’ya na pumasok sa relasyon pero parang na-blind side daw s’ya. Iba daw kasi si Skusta sa mga tipo n’yang lalaki.
“Kasi ang weird ko, ang weird ko. Kasi meron talaga akong standard sa mga lalaki ewan ko bakit nangyari yong ganun,” natatawang saad n’ya.
“Siguro blessing in disguise. Parang hindi naman ako… Nalungkot konti, na-disappoint konti. Pero parang naintindihan ko na, ‘Ah, okey. Papadaan lang ito. Hahaha!”
Pagpapakatotoo n’ya, marami daw kumuwestiyon sa kanya nu’ng sinagot n’ya ang dating nobyo, na dati ring partner ng vlogger na si Zeinab Harake.
“Alam naman ng mga tao na ang tagal kong single. Ang dami nga nagsasabi na bakit daw ako pumasok sa ganu’ng situation tapos ang daming issue,” pagbabahagi n’ya.
Ayon sa kanya, hindi daw s’ya humuhusga ng tao base sa sinasabi ng iba. At ganu’n din naman daw ang naramdaman n’ya kay Skusta.
“Ako kasi, hindi naman ako ganu’n about sa ganu’ng personality. Ang nakita ko kasi sa kanya is parang s’ya talaga mismo, na hindi ko nakita na artist sya, ganito s’ya, may issue s’ya, ganyan-ganyan so whatever. Kasi ako, hindi n’ya ako nakita na ganu’n, na sexy star.”
Naging maayos din naman daw sila sa naging setup nilang dalawa.
“Masasabi ko siguro, ’yong time na magkasama kami, parang ang na-feel ko na lang din parang okey kami pero parang ang bond namin parang magkaibigan talaga,” aniya.
At present ay wala na din daw silang komunikasyon dahil kapwa na umano sila busy sa kanya-kanyang ganap nila sa buhay.
“Parang ano lang, no contact kasi masyado ako ngayon nag-focus dito sa project [na DOMME], more on training, meron akong webinar class kasi nag-apply ako ng class sa US about business management,” pag-e-enumerate ni Ava.
Dahil single na muli, natanong namin s’ya kung handa na ba s’yang ma-in love muli.
“Parang mas ano… Depende, kasi hindi naman ako nagmamadali and hindi naman ako naghahanap,” sagot n’ya sa amin.
“Pero for now, nag-focus ako sa work and then sa negosyo, and then ’yong mga gusto ko pang gawin kasi kapag na-in love naman ako doon naman ako naka-focus, ’di ba?” natatawang dagdag ni Ava.
Agad na paglilinaw n’ya, kaya naman daw n’yang balansehin ang buhay pag-ibig sa iba pa n’yang commitments.
“Hindi naman ako nagdi-distract. Kaya ko naman siyang i-balance,” pagtitiyak ng dalagang aktres.
“Kaso kasi ayaw ko din magkulang doon sa magiging partner ko, alam mo ‘yon? So for now, ang focus ko is ’yong work ko and then business. And of course, me.”
Hindi naman daw n’ya isinasara ang puso n’ya sa mga gusto mga maglalakas-loob na magparamdam.
Anyway, available na for streaming ang pinagbibidahang movie ni Ava na DOMME simula ngayong araw, March 17. sa Vivamax.
Kasama n’ya sa sexy-thriller movie na ito sina Ali Asistio, Marco Gomez, at Mark Anthony Fernandez.
Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.
Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings.
You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.
Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).
Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.
YOU MAY ALSO LIKE:
Ava Mendez, bound to go places
Ava Mendez, naiirita at nasusungitan noon kay Jay Manalo; nai-intimidate naman kay Direk Yam Laranas
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber