Ava Mendez, pinagsamantalahan ang kahinaan noon ng kanyang college professor nang bumagsak sa isang major subject: “Para akong na-rape.”

Umiikot ang kuwento ng pelikulang #DoYouThinkIamSEXY sa pagti-take advantage ng isang professor sa kanyang estudyanteng babae at naka-relate daw nang husto si Ava Mendez sa kuwento dahil may similar experience siya noong nasa college siya.

PHOTOS: Melo Balingit

Umiikot ang kuwento ng pelikulang #DoYouThinkIamSEXY sa pagti-take advantage ng isang professor sa kanyang estudyanteng babae at naka-relate daw nang husto si Ava Mendez sa kuwento dahil may similar experience siya noong nasa college siya.

Buong tapang na inamin ng sexy-drama actress na si Ava Mendez ang kanyang traumatic experience sa kamay ng dati n’yang college professor.

Nangyari ang shocking revelation n’yang ito sa media conference nila for their movie #DoYouThinkIAmSEXY noong nagkaroon ito ng special screening kahapon, September 7, sa Gateway Cineplex in Quezon City.

Dahil umiikot ang kuwento ng pelikula sa pagti-take advantage ng isang professor sa kanyang estudyanteng babae ay natanong ng entertainment press ang cast kung may nahahawig ba silang karanasan dito noong nag-aaral pa sila.

Dito umamin si Ava sa kanyang karanasan kung saan nagkagusto daw sa kanya ang isa n’yang professor sa kanyang major subject.

Pinag-iisipan ko kung aaminin ko o hindi...,” nag-aatubili munang saad niya. “Kasi noong college [student] ako sa CEU [Centro Escolar University], nag-aral ako ng HRM [Hotel and Restaurant Management] and then meron isang prof ng major subject ko na nagkagusto sa akin...”

Naganap daw ang pananamantala sa kanya ng hindi n’ya pinangalanang professor nang bumagsak s’ya sa subject nito.

Meron akong subject sa kanya na bagsak ako...na hindi ako nag-a-attend kasi that time na ’yon may depression [ako dahil] sa family ko. Meron kaming problema sa financial. So, ang ginagawa ko nu’n, nagta-trabaho ako habang nag-aaral ako,” patuloy na pagbabalik-tanaw n’ya.

Dito na daw s’ya nakatangap ng indecent proposal mula sa kanyang guro. 

Ang nangyari, may gusto sa akin ’yong prof and then in-offer-an [n’ya] ako kung anong p’wede kong gawin para makapasa ako. Sa sobrang depressed ako, wala na ako sa pag-iisip, pumayag ako doon sa sinasabi n’ya—once lang,” pag-amin ni Ava.

Naging maayos naman daw ang student-teacher relationship nila ng kanyang professor pagkatapos ng nangyari. Iyon nga lang, gusto pa raw nitong makaulit sa kanya. 

Pero nu’ng naging okey na kami, ’yong relationship namin, ang nangyari parang gustong umulit pero ako, ayoko na kasi parang ang sakit sa akin nu’n, e. Up to now, meron pang konti [trauma] pero nakakaya ko namang i-tolerate,” salaysay pa ng aktres.

Kaya rin isa [’yon] sa dahilan kung bakit ako nagka-anxiety [and] depression kasi para akong na-rape. Kasi wala akong choice. Ano’ng gusto mo? Papasa ka? Tapos may problema ka sa family mo,” pagpapatuloy n’ya.

Parang… gumaan lang ba ’yong nararamdaman ko at gumaan din ang pakiramdam ng parents ko para hindi makita ’yong card ko na [may] bagsak [na marka] so wala akong choice, pinatulan ko muna for once.”

Dahil sa pangungulit ng nasabing professor sa kanya ay napilitan na s’yang magsumbong sa dean ng eskwelahan. 

After nu’n, hindi ko na pinayagan. Pinasumbong ko na sa dean at na-expel na po s’ya,” pagre-recall pa ni Ava.

Nang makausap namin s’ya one-on-one ay natanong namin kung umabot ba sila sa demandahan ng professor na namantala sa pagiging vulnerable n’ya.

Hindi na kasi wala naman akong alam nu’n,” sagot ni Ava sa amin. 

Pinabayaan ko pero sinumbong ko na lang sa dean. Tapos, after nu’n hindi ko s’ya pinapansin. Kasi pinatanggal s’ya sa school after nu’ng ni-report ko about du’n sa nangyari.

Hindi ko alam kung bakit s’ya nagkagusto sa akin. Sobrang depressed ako that time. S’yempre, pino-problema ko ’yong sa family ko. Doon n’ya ata nakitaan na may gusto talaga s’ya sa akin,” pagtatapos n’ya.

Samantala, mapapanood si Ava, kasama sina Chloe Jenna, Marco Gomez, Cloe Barreto, and more, sa movie’ng #DoYouThinkIAmSEXY simula ngayong September 9 sa Vivamax.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Cloe Barreto, ninamnam ang sampal ni Cannes filmfest best actress Jaclyn Jose

Christine Bermas at Chloe Jenna, nagka-gulatan na may girl-to-girl love scene pala sila; “successful naman,” say ni Christine

JC Santos, bilib sa tapang ni Cloe Barreto: “She has so much balls than me.”

Hamon ni Sean de Guzman sa mga nagdududang prosthetic ang ipinakita niya sa The Influencer: “Panoorin n’yo ulit para makilatis n’yo.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.