Ayanna Misola, mas feel daw ang love scene pag girl to girl; nag-survive ng ilang araw sa isla na tubig-alat ang panligo

Sa istorya ng Putahe, magpa-fan girl mode ang island girl na si Ayanna sa character ng dayong si Janelle, na magaling magluto. Janelle will lure the island girl, using her cooking skills, sa mga maka-mundong akto. Thus, marami silang love scenes.

PHOTOS: Viva

Sa istorya ng Putahe, magpa-fan girl mode ang island girl na si Ayanna sa character ng dayong si Janelle, na magaling magluto. Janelle will lure the island girl, using her cooking skills, sa mga maka-mundong akto. Thus, marami silang love scenes.

Bukas sa pakikipag-love scene sa kapwa n’ya babae ang sexy actress na si Ayanna Misola.

In fact, nauna na niyang ginawa iyon sa launching movie niyang Kinsenas, Katapusan.

At ngayon, sa trailer palang ng bago niyang Vivamax movie na Putahe, makikitang kapwa sila palaban si sa love scenes ng beauty queen-turned-actress na si Janelle Tee.

Ayon sa showbiz newbie, mas all-out nga daw s’ya when it comes to sexy scenes kung kapwa n’ya babae ang kanyang ka-eksena. 

Ako po, hindi ako nagkaroon ng limitation sa mga love scenes lalong lalo na kapag si Ate Janelle ’yong ka-eksena ko,” pahayag ng Viva actress. 

Kasi ako, sobrang open ako lalo na kapag girl to girl talaga. Mas okey sa akin pag babae ’yong ka-partner ko sa eksena,” natatawang pag-amin pa n’ya. 

Challenge naman daw para kay Janelle ang mga eksena nila ni Ayanna noong umpisa. Nakaramdam daw siya ng awkwardness lalo pa’t baptism of fire niya sa ganoong klase ng eksena.

“First time ko na makipag-girl to girl,” natatawa ring lahad ni Janelle. “

Kailangan natin isantabi ang mga bagay-bagay. Ang pinaka-challenging dito is magkakilala kami ni Ayanna. Both na komportable ka kasi kakilala mo pero may pagka-awkward din kasi nga magkakilala kayo. Ganu’n sya para sa akin,” pagpapatuloy n’ya.

Kaya naman malaki ang pasasalamat niya sa direktor nilang si Direk Roman Perez, Jr. dahil sa guidance nito para magawa n’ya nang maayos ang maiinit nilang eksena.  

Kumbaga, thankful din ako kay Direk Roman saka kay Ayanna na tinulungan nila ako na ma-unleash at mabigyan ng hustisya si Euka [name ng character n’ya]. Kasi honestly, talagang awkward s’ya nu’ng mga una naming mga love scenes pero nailaban naman namin,” dagdag pa ni Janelle. 

Pagsang-ayon naman ni Ayanna sa mga sinabi ni Janelle: “Yon nga ’yong challenging part, e. ’Di ba, Ate Janelle, sinasabi ko sa’yo kinakabahan ako sa kanya dahil magkakilala kami.

Pero kung may mas level up na challenge daw doon, ito daw ay ’yong tumira sila ng ilang araw sa isang isla na walang kuryente at limitado lang ang supply ng fresh water para i-shoot ang Putahe.

Babaeng taga-isla kasi ang role ni Ayanna habang dayo naman doon ang character ni Janelle kaya literal na sa isang isla sila nag-shooting.

Pero hindi ko alam na may mas challenging pa pala... pag dating namin sa island. Ang hirap po maging fresh, ’yong malinis? Kasi unang-una, wala kaming kuryente doon sa set. Wala kaming kuryente buong taping days namin,” manghang k’wento ni Ayanna. 

Doon umano n’ya naranasan na maligo gamit ang tubig dagat dahil mahirap makakuha ang tubig-tabang sa isla. 

Tapos ang ginagamit naming water ay tubig-alat. ’Yon ’yong pinaka-challenging bukod du’n sa set, sa eksena, ’yong behind [the camera] talaga. Pero masaya sobrang memorable nu’ng experience namin sa island,” aniya. 

Na-curious naman ang press kung hindi ba sila nangati sa set. 

May fresh water naman. ’Yong sa shower lang ’yong tubig-alat. Kumbaga, kailangan i-refill always ’yong [supply],” singit ni Janelle.

“Limited lang s’ya [ang fresh water]. Parang isang malaking drum na malaki per day tapos hati-hati kami doon,” dugtong naman ni Ayanna.

Depensa rin ni Direk Roman, “Emersion ’yon para maramdam nila ang buhay-isla.

Wala naman reklamo si Ayanna dahil mas nakatulong daw ’yon na ma-imbibe n’ya ang kanyang role na isang island girl. 

Nakatulong naman po. Ito ’yong taping na hindi namin malilimutan dahil sobrang saya ng experience namin,” pagtatapos n’ya. 

In the story, magpa-fan girl mode ang island girl na si Ayanna sa character ng dayong si Janelle, na magaling magluto. Janelle will lure the island girl, using her cooking skills, sa mga maka-mundong akto. Thus, marami silang love scenes.

At mapapanood ang maiinit na eksena nila Ayanna at Janelle—kasama sina Ronnie Lazaro, Mon Confiado,  Hershie de Leon, Chad Solano, Nathan Cajucom, Massimo Scofield, and more—sa Putahe simula May 13 sa Vivamax.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Exclusive: Ayanna Misola, nainggit kay AJ Raval kaya nag-all-out na din

ON-THE-SET: Ayanna Misola sizzles in first solo lead in Kinsenas, Katapusan

Vince Rillon, na-lowbat sa extended bed scene nila ni Ayanna Misola sa L; “Nahirapan talaga ako at pagod na pagod ako.”

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.