Ayanna Misola, naninibago daw pag walang sexy scenes: “Kapag wala masyadong sexy [scenes] parang mas nahihirapan ako kasi mas nasanay na ako na palaging merong ganu’n.”

Kahit naman panay ang pagpapa-sexy onscreen, may mga set of limitations din naman daw ang aktres na si Ayanna Misola. “Ang limitations ko lang ’yong hindi hahawakan ang mga private parts. Kasi ako, okey lang sa akin na ipakita ko pero ’yong ipapahawak ko dun sa ka-partner ko, ’yon ang limitations ko.”

PHOTOS: Viva

Kahit naman panay ang pagpapa-sexy onscreen, may mga set of limitations din naman daw ang aktres na si Ayanna Misola. “Ang limitations ko lang ’yong hindi hahawakan ang mga private parts. Kasi ako, okey lang sa akin na ipakita ko pero ’yong ipapahawak ko dun sa ka-partner ko, ’yon ang limitations ko.”

Inilahad ng newbie sexy actress na si Ayanna Misola ang kanyang limitasyon pag dating sa pagpapa-sexy sa pelikula o serye.

Naganap ’yan sa virtual media conference kamakailan ng erotic digital series nilang L, kung saan s’ya ang katambal ni Vince Rillon sa first episode ng serye na “Larawan.”

Natanong kasi ng entertainment press sina Vince at Ayanna kung paano ba nila naitawid ang intense na bed scene nila sa nasabing Vivamax online series. 

Ayon sa aktor, nagkasama na sila ni Ayanna sa pelikulang Siklo kaya kilala na daw nila ang isa’t isa at hindi na sila nahirapang mag-adjust.

Si Ayanna po kasi nakatrabaho ko na s’ya sa Siklo. Doon po kami first na nag-bonding. So, itong L, hindi na ako nahirapan sa kanya kasi alam ko na ’yong mga limit n’ya and then kumportable na po kami sa isa’t isa,” pahayag ni Vince.

At dahil nabanggit n’ya ang limit diumano ni Ayanna, dito na inuisa ng press ang aktres  kung anu-ano ang mga ito. 

Ang limitations ko lang ’yong hindi hahawakan ang mga private parts [ko]. Kasi ako, okey lang sa akin na ipakita ko pero ’yong ipapahawak ko du’n sa ka-partner ko, ’yon ang limitations ko. ’Yon lang. Alam na n’ya ’yon,” sagot ni Ayanna. 
 
Natanong din s’ya kung hindi ba s’ya napo-fall o nagkakaroon ng feelings sa kanyang katambal gayong ang intense ng bed scenes na ginagawa nila. 

Normal lang na ma-fall sa ka-partner mo pero doon ka mapo-fall sa character na pino-portray n’yo,” aniya. 

Pag katapos nu’n hindi na s’ya made-develop kasi nga iba naman ’yong personality namin du’n sa character na pino-portray namin. At mas for work talaga. Work lang po.

Katunayan, nasanay na nga daw s’ya sa pagpapa-sexy at nakukulangan na kapag walang mapupusok na eksenang kasali sa mga projects n’ya. 

Hindi naman ako nagsasawa sa pagpapa-sexy. Actually, mas nasasanay na ako ngayon,” natatawang pag-amin ng aktres.  

Kapag talking-talking lang at wala masyadong sexy [scenes] parang mas nahihirapan ako kasi mas nasanay na ako na palaging dapat merong ganu’n, parang intense na scenes.”

Pero kung makakahiling daw s’ya sa management kung ano ang gusto n’yang susunod na project, gusto daw n’ya mapasali sa isang horror movie. 

Gusto ko po ma-experience ’yong horror na movie tapos ako ’yong multo. Hahaha! Sexy na multo. P’wede ba ’yon?” natatawang saad ni Ayanna. 

Sa ngayon, mapapanood muna s’ya sa “Larawan” na first episode ng L with Vince Rillon. Ang “Liko” at “Lipat” ang ikalawa at ikatlong episode kung saan sina Cara Gonzales, Stephanie Raz, at Cloe Barreto naman ang mga leading ladies ni Vince. 

Available na for streaming ang “Larawan” episode simula pa noong February 27 habang nag-premiere na din kahapon, March 6, ang “Liko” episode sa Vivamax.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings.
 
You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.