Ayon kay Direk Al Tantay, hinugot daw ang konsepto ng Pakboys: Takusa sa experiences ng mga bidang sina Janno Gibbs, Andrew E, at Dennis Padilla

“Galing sa kanila, sa mga artista natin kasi…parang ganu’n, e. Buhay may-asawa...’yong karaniwang nangyayari sa pamilya. Pinaghugutan nito sila mismo.” - Direk Al Tantay

PHOTOS: Viva

“Galing sa kanila, sa mga artista natin kasi…parang ganu’n, e. Buhay may-asawa...’yong karaniwang nangyayari sa pamilya. Pinaghugutan nito sila mismo.” - Direk Al Tantay

Masaya ang actor-director na si Al Tantay na muling makatrabaho ang blockbuster trio na sina Andrew E, Dennis Padilla, at Janno Gibbs matapos ang successful movie nila last year na Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo [SSS] kung saan s’ya ang direktor at mga bida naman ang tatlo.

 

Nagkaroon na kasi ng follow up movie ang SSS kung saan nagkapag-reunite silang apat. Ito ang Pakboys: Takusa na official entry ng Viva sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.

 

Masaya kasi, s’yempre, dati na kaming magkakasama,” pahayag ng direktor nang ma-interview ito during the photoshoot para sa nasabing pelikula kamakailan. “Alam na namin ‘yong takbo ng isa’t isa.

 

Inabot man ng pandemic at lockdown ang kanilang shooting ay na-enjoy pa rin daw nila ang kanilang trabaho dahil nga magkakasama sila.

 

Nu’ng [nagka-]pandemic naman, naka-lock in kami. Magkakasama kami sa isang lugar, e,” paglalahad pa ni Direk Al. “Tinest kami. Lahat kami negative naman [sa COVID-19]. Magkakasama man kami, alam namin na hindi kami magkakasakit.

 

Lalong masaya kasi walang alisan. Magkakasama kami do’n araw-gabi. Tulog lang ang pahinga at [ang oras na] hindi kami magkakasama.”

 

Dagdag pa n ‘ya: “Nailusot pa rin namin. Masaya pa rin ‘yong shoot namin. Kahit na ganu’n nagawan pa rin namin ng paraan.

 

Pagbibida pa ni direk, na tila may halong panlalaglag, mula daw sa ang konsepto ng kanilang pelikula sa mga bidang artista mismo. Sina Janno, Dennis at Andrew E.

 

Galing sa kanila, sa mga artista natin kasi…parang ganu’n, e,” aniya. “Buhay may-asawa. Kaya lang nilagyan namin ng parang condo living. ‘Yong magkakasama sila, magkakapitbahay sila sa isang [condominium building].

 

“Tapos magkakaibigan sila. Tapos ‘yong mga asawa nila magkakaibigan din dahil same area ‘yong tinitirhan nila,” pagpapatuloy n’ya.  

 

Kaya lang ‘yong mga bida natin dito puro mga babaero. Puro mga hindi mapapagkatiwalaan,” natatawang paliwanag pa n’ya. “So ‘yong mga asawa [nila] ngayon nakabantay sa kanila…’yong karaniwang nangyayari sa pamilya. Pinaghugutan nito sila mismo.

 

Marami din daw silang ginawa sa movie na tiyak na kaaaliwan ng mga manonood.

 

Nag-eksperimento din kami,” pagdedetalye pa ni Direk Al. “Hindi lang sila ‘yong nagpapatawa. Pati ‘yong mga tao sa paligid binibigyan namin ng tsansa na bumitaw ng punchlines. Hindi lang ‘yong puro bida ang gumagawa.

 

“So sinisiguro lang namin na kada minute, puno ‘yong pelikula ng makapagpapasaya, iba’t ibang klaseng pagpapatawa. Kumbaga, hindi s’ya ‘yong isang klase lang ng comedy.”

 

Pabirong hugot pa n’ya sa mga naging efforts nila sa comedy film: “’Yon nga ang masakit, e. Gumagawa ako ng comedy [films] tapos pinagtatawanan lang, e. ‘Yu’n ‘yong parating nangyayari.

 

Pero ‘yon naman daw talaga ng pinaka-goal ng kanilang pelikula, ang makapagpasaya ng viewers.

 

Ang talagang gusto naming mangyari tumawa sila. ‘Yon ang ine-expect kong resulta nito kapag pinanood ng mga tao. Masisiyahan sila. Tatawa sila. Medyo makakabawas siguro ng mga problema.

 

Kung gusto n’yo sumaya, kung gusto n’yo mabawasan ang problema n’yo, panoorin n’yo,” pahabol pa n’ya.

 

Sey pa ni Direk Al, medyo ibang experience itong MMFF ngayong Pasko. Sarado kasi ang mga sinehan this year due to COVID-19 pandemic kaya naging digital edition ito.

 

However, ang kagandahan nito, p’wede nang mapanood ang mga movies online nang magkakasama ang buong pamilya. In one payment lang kasi ay p’wede nang makapanood ng isang MMFF entry ang lahat ng family members unlike nga naman dati na per ticket ang panonood sa mga sinehan.

 

Kakaiba ‘yong experience na ‘yon, bonding ng family,” paliwanag n’ya. “Bonding rin siguro ng magkakaibigan pero more on sa family dahil ‘yon talaga ang magkakasama ngayon, e, sa isang bahay, sa isang TV. Ayon, magandang bonding,” pagtatapos ni Direk Al.

 

Maliban kina Andew E, Janno, at Dennis, kasama ring sa movie sina Jerald Napoles, Maui Taylor, Angelu de Leon, Marissa Sanchez, Ana Roces, at iba pa.

 

Mapapanood ang Pakboys: Takusa, and other MMFF 2020 entries, via Upstream simula sa December 25.

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Patok na comedy trio nina Janno Gibbs, Dennis Padilla at Andrew E., may follow-up movie na!

Para sa mga real-life “pakboys,” may payo si Dennis Padilla: “It’s not worth na magloko ka kung meron ka ng steady partner.”

Janno Gibbs, masayang naka-reunion si Angelu de Leon sa Pakboys: Takusa: "Hindi mo kasi mapi-fake 'yong ilang taon ng pagkakaibigan."

Jerald Napoles, thankful na napasama siya sa movie ng mga idol niyang komedyante: “For me, parang ‘passing of torch’ ‘yong feeling...Sobrang nakaka-proud lang.”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.