Ayon kay Luchi Cruz-Valdes, willing siyang mag-decline ng artista na willing magpa-interview pero may ayaw ipatanong

“Minsan pag talagang ina-avoid ang isang issue na magmumukha naman akong hindi isang tunay na journalist pag hindi ko s’ya tinanong, sinasabi ko na lang na decline na lang muna diba, until they’re ready to talk,” direktang sagot ni Miss Luchi, who still heads the TV news department.

Photos: Courtesy of TV5

“Minsan pag talagang ina-avoid ang isang issue na magmumukha naman akong hindi isang tunay na journalist pag hindi ko s’ya tinanong, sinasabi ko na lang na decline na lang muna diba, until they’re ready to talk,” direktang sagot ni Miss Luchi, who still heads the TV news department.

Bagama’t lie-low na muna si Ms. Luchi Cruz Valdes sa pag-i-interview ng mga pulitiko at nagpo-pokus muna sa mga personalities from showbiz, sports, and digital world, hindi pa rin naman daw siya papayag na matapakan ang pagka-journalist niya.

Na-bring up ang usapan na ito nang tanungin siya ng pikapika.ph kung paano niya iha-handle ang mga celebrities na willing magpa-interview sa Usapang Real Life with Luchi pero may mga “bawal questions.” 

Madalas kasing mangyari ang scenario na ito sa mainstream showbiz interbyuhan na parating may kaakibat na request sa entertainment press na wala sanang tanong tungkol sa issue—kung anuman ang issue ng isang celebrity at the moment.

“Minsan pag talagang ina-avoid ang isang issue na magmumukha naman akong hindi isang tunay na journalist pag hindi ko s’ya tinanong, sinasabi ko na lang na decline na lang muna diba, until they’re ready to talk,” direktang sagot ni Miss Luchi, who still heads the TV news department.

So far, wala pa naman daw siyang nae-encounter na ganoong request sa Usapang Real Life with Luchi. Hindi naman daw kasi issue-based din ang kanilang show, kundi a spotlight on who these celebrities are pag wala sila sa harap ng camera. However, sakali ngang ma-encounter niya ang mga ganoong requests, iginiit niyang hindi PR show ang kanyang Usapang Real Life.

Pero kung magkaroon man daw siya ng guest na may issue at hindi naman kalakihan ang issue, she’d push for the interview pa rin at didiskartehan nalang niya.

Pero kung hindi naman talaga kalakihan ’yong ina-avoid na issue ano tinutuloy namin pero ’yon I employ the same device na parang I’ll start off on a ground that’s safe. I think that’s important,” esplika niya.

“Parang safe lang muna, dito lang muna tayo and then hopefully, hopefully as we go along to through the hour ano that you will see that this is not threatening and, ‘Go ahead, you can trust me. We will take care of the information in a way that you will want it... it will be true, it will be accurate, it will be as you say it.’”

Sa mga nai-ere nang episodes, particularly the KC Concepcion at Alex de Rossi na kapwa nag-viral, makikita naman daw siguro ng mga celebrities na they just present them as they are at siya bilang host ay nagtatanong lang ng walang halong judgement. 

“If you notice, there’s a minimum of voice over in our Usapang Real Life...kung mag-voice over lang ako ng teaser or kung minsan just one line. But otherwise, it’s roll—roll the interview as is. So, may flow s’ya talaga. ’Yon talaga ’yong flow niya, e. So, I think more and more naman celebrities are seeing na okey naman siya,” dagdag paliwanag ni Miss Luchi.

“Kasi ngayon feeling ko, after KC interview, and then Alex siguro nakita din nila okey rin ito. Parang, ‘They respect us what we say or what we do or what we have done.’ No judgment. I think ’yon lang, e. People are really afraid to get judged kasi there are so much in social media diba? The bashing... So, in the show, they know na we take you for who you are. It’s okay, it’s okay. Parang ganu’n.”

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Alessandra De Rossi, pinanindigan ang sinabing masisimot na ang laman ng bank account niya dahil sa pagtulong

Ms. Luchi Cruz Valdes, dream interviewee ang Korean actor na si Park Seo-Joon

KC Concepcion on her parents Sharon and Gabby: “I just want them to feel na worth it naman na nagka-ako.”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.