Ayon kina Diego Loyzaga at Franki Russell, “method acting” lang para sa Pabuya ang unfollowing gestures nila sa social media

According kay Diego Loyzaga, walang awkward moments sa kanila ni Franki Russell during the filming of Pabuya. “Noong in-offer sa amin, okey naman kami. Never naman kaming nagkaroon ng time na hindi okay. “’Yung sinasabi n’yo nga na pag-a-unfollow, method acting lang po ’yon and that would be my final statement about that. Hahaha!”

Photos: Vivamax

According kay Diego Loyzaga, walang awkward moments sa kanila ni Franki Russell during the filming of Pabuya. “Noong in-offer sa amin, okey naman kami. Never naman kaming nagkaroon ng time na hindi okay. “’Yung sinasabi n’yo nga na pag-a-unfollow, method acting lang po ’yon and that would be my final statement about that. Hahaha!”

Halos dalawang linggo lang pagkatapos aminin ng Viva actor na si Diego Loyzaga sa interview niya with DJ Rico Robles na “dating” ang status nila ni former PBB Housemate Franki Russell noong June, ay nabalita nang nagkalabuan sila.

Marami kasi ang nakasilip nang pag-a-unfollow nila sa isa’t-isa sa kanilang respective Instagram accounts. Iyan kasi ang usong senyales ngayon—along with cryptic messages—ng mga nag-o-on the rocks na relasyon sa showbiz.

Sa ginanap na zoom mediacon ng Vivamax movie’ng Pabuya, kung saan silang dalawa ang bida, natanong namin si Diego tungkol dito. Kung naging kumportable ba sila sa set gayung tila may pinag-daanan sila.

Pero ayon sa aktor, bahagi lang daw ng paghahanda nila sa kanilang mga karakter sa Pabuya ang ginawa nilang pag-a-unfollow sa Instagram noon.

Ayon dito, “method acting” daw ang tawag doon.

“Sa script, nakalagay na six years silang hindi nagkita. So, ginawa kong method acting na wag munang kausapin si Franki until na magkita kami sa set,” walang gatol na delivery ni Diego na hindi mo mabasa kung nagbibiro o seryoso.

“That style of acting... gumana naman kasi, ’yung mga lines niya sa akin [sa movie], ‘Na-miss kita’ and ’yung lines ko sa kanya, ‘Na-miss din kita,’” patuloy ni Diego.

“Pasok naman po sa roles namin at ’yung mga idols ko kasi sa Hollywood, laging method acting ang ginagamit. So, I tried method acting.”

 At kay Diego na rin nanggaling na magkaibigan pa rin daw silang dalawa ng leading lady niya.

“We remained friends and we always see each other,” sey pa niya.

“We we’re fine on the set, that’s more important.”

At sinegundahan din ng magandang si Franki ang sinabi ni Diego.

Aniya: “Yeah, we’re on method acting. When we both agreed to do this project, we haven’t seen each other for a while. And like Diego said, it was like in the story.”

At kahit nga may short-lived romance sa pagitan nila ni Diego, wala naman daw naging ilangan.

“No awkwardness po, when I came to the set and working with Direk and Diego. I just found it natural.”

Inusisa din namin sina Diego at Franki kung ano ang circumstances noong panahong inalok sa kanila ng Viva ang movie. Kung okay na ba sila that time, putol pa ba ang communication, at kung sa shooting na lang talaga sila nagka-usap muli.

“Noong in-offer sa amin, okey naman kami,” sagot ni Diego. “Never naman kaming nagkaroon ng time na hindi okay.

“’Yung sinasabi n’yo nga na pag-a-unfollow, method acting lang po ’yon and that would be my final statement about that. Hahaha!”

Sinilip nga naming ang kapwa nila Instagram accounts at hayun nga at nagpa-follow naman sila ulit sa isa’t isa.

But whether naunsiyami man ang off-cam romance o palihim man nilang itinuloy, ang New Yorker director na mismo ng Pabuya na si Direk Phil Giordano ay nagsabing malakas daw ang chemistry ng dalawa onscreen.

“I have to say, the chemistry between the two of them is incredible. Like, you’ll gonna be really amazed now that they’re together onscreen.

“It’s unbelievable. They just clicked so well. They’re really super unbelievable and I really feel their emotion.”

Mahuhusgahan ng lahat ang chemistry na y n on October 7, ang streaming premiere date ng Pabuya sa Vivamax.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Diego Loyzaga at former PBB housemate Franki Russell, latest showbiz couple nga ba?

Matapos umaming nasa dating stage, Diego Loyzaga at Franki Russell, in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram

Diego Loyzaga, umaming nasa “dating” stage na sila ni Franki Russell: “We really did click.”

Diego Loyzaga at former PBB housemate Franki Russell, latest showbiz couple nga ba?

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.