Azi Acosta, verbally abused ng mga kamag-anak

“May pagkakapareho po kami ni Lineth kasi naging biktima rin po kasi ako ng pang-aabuso ng mga kamag-anak ko po—pero verbal lang po," pagtatapat ng baguhang si Azi Acosta. 	Si Lineth ay ang na-abusong karakter niya sa launching movie n'ya na Pamasahe. 	Agad na dagdag n'ya: “Pero 'yon pong na-molestiya o nagahasa, wala naman pong nangyaring ganoon."

Photos: @_azi.acosta

“May pagkakapareho po kami ni Lineth kasi naging biktima rin po kasi ako ng pang-aabuso ng mga kamag-anak ko po—pero verbal lang po," pagtatapat ng baguhang si Azi Acosta. Si Lineth ay ang na-abusong karakter niya sa launching movie n'ya na Pamasahe. Agad na dagdag n'ya: “Pero 'yon pong na-molestiya o nagahasa, wala naman pong nangyaring ganoon."

Noong una pa lang maidirek ng cult director na si Roman Perez, Jr. ang bagong pantasya ng mga barako na si Azi Acosta, nakitaan na niya ito ng malaking potensyal.

Nakasama kasi si Azi sa pelikula ni Direk Roman na Sitio Diablo na pinagbidahan ni AJ Raval pero ayon kay Direk, at that time ay hindi pa raw niya matantiya kung saang genre talaga ito puwedeng mag-excel.

Pero dito sa launching movie niyang Pamasahe, na nag-special screening kamakailan sa Gateway Cineplex sa Cubao, marami ang agad pumuri sa ipinakitang galing ng newbie. Natural kasi itong umarte na parang matagakl na niyang ginagawa.

“Honestly, hindi ko siya ini-expect to be this good," manghang papuri din ni Direk Roman sa bago niyang artista. "Nakatrabaho ko na si Azi sa Sitio Diablo. Iyong role niya sa Sitio Diablo, napaka-crucial but apparently parang off pa siya roon na di pa siya ganap na ganap.

"Iyong ka-partner niya roon si Tonix at kalaban niya si AJ sa fight scenes. May galaw siya [na pang-aksyon]. Nagta-taekwondo kasi siya, e. Pero, s'yempre, hindi pa nama-maximize 'yong potensyal niya [Azi] roon,” ani Direk Roman. 

Sa Pamasahe, napatunayan niyang p'wede rin palang pang-drama ang newbie sexy actress.

Maski daw siya ay nagulat sa kakaibang transformation ni Azi sa Pamasahe.

“Hindi ko ini-expect na ganoon pala siya kaiyakin. Nang makita ko siya sa workshop, ang dami pala niyang baon, kaya pala siya ang dapat na Lineth [her Pamasahe character]. Iyong sa iba, hindi pala iyon para sa kanya. Ito 'yong para sa kanya. Mas dramatic pala siyang artista,” esplika ng cult director.

Hirit pa ni Direk Roman, kumpara sa ibang nakatrabaho na niya sa Vivamax, mas may bentahe raw si Azi dahil sa galing nitong umarte. 

"Ibang prototype siya ng mga nakatrabaho ko na sa Vivamax. Ibang prototype si Azi. Siguro makukuwento ko rin ito sa iba pang directors. Pero ibang prototype s’ya ng Vivamax girls. Iba s’ya."

Sa part naman ni Azi, sobra raw siyang grateful kay Direk Roman sa pagbibigay ng oportunidad sa kanya na magampanan ang papel ni Lineth, isang probinsyanang lumuwas ng Maynila para hanapin ang kanyang kuya.

Sa kanyang paglalakbay, makakasalumuha niya ang iba’t-ibang uri ng kalalakihang magsasamantala sa kanyang kahinaan at ka-naive-an.

Ani Azi, nakaka-relate raw siya sa kanyang role dahil siya man ay naging biktima rin ng abuse ng kanyang mga kamag-anak.

“May pagkakapareho po kami ni Lineth kasi naging biktima rin po kasi ako ng pang-aabuso ng mga kamag-anak ko po—pero verbal lang po," pagtatapat niya. "Iyon po ang naging motivation ko para paghugutan ng karakter ko bilang Lineth. Kasi ako po talaga, may pagka-emosyonal po ako at madali akong maapektuhan kaya nga sinasabi ni Direk na iyakin ako."

“Pero 'yon pong na-molestiya o nagahasa, wala naman pong nangyaring ganoon,” agad na dugtong niya bago pa makapag-isip ng iba ang nakarinig ng kanyang sinabi.

Ang Pamasahe ay palabas na sa Vivamax sa Disyembre 9 (Friday). Kasama rin sa pelikula sina Mark Anthony Fernandez, Felix Roco, Shiena Yu, Shirley Fuentes, Julio Diaz, Erlinda Villalobos, Rash Flores, Alvaro Oteyza, Chadd Solano, Apple Castro, at Joanna David.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Showbiz newbie na si Azi Acosta, "Parang Judy Ann Santos na nagse-sexy," according kay Direk Roman Perez, Jr.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.