Baby Night ni Ryza Cenon, “kasama” sa mga fight scenes ng Bella Bandida

PHOTOS: @iamryzacenon on Instagram (L), Viva via @ryzacenon on Facebook (R)

PHOTOS: @iamryzacenon on Instagram (L), Viva via @ryzacenon on Facebook (R)

Nakapag-vlog pa pala ang aktres na si Ryza Cenon bago s’ya pumasok ng ospital para isilang si Baby Night (na nag-hello sa mundo noong October 31). In-upload niya belatedly sa kanyang YouTube channel ang nasabing vlog  last November 22. 

In the said vlog, ipinakitang nag-decorate si Ryza ng Christmas tree katulong ang kanyang mga kasama sa bahay. 

Aniya, hangga’t kaya daw n’ya ay gusto n’ya gawing festive ang atmosphere ng bahay nila para maramdaman daw ’yon ng kanyang baby pagdating nito. 

Aminado naman ang Viva actress na hindi daw talaga s’ya mahilig mag-decorate kapag sumasapit ang Kapaskuhan dahil namimigay lang daw s’ya noon ng food at natutulog na. 

Pero ngayon, feel ko big deal na s’ya [ang pagde-decorate] kasi kailangan natin iparamdam kay Night ’yong spirit ng Christmas,” sey ni Ryza. 

Pagmamalaki pa n’ya, 12 years old na daw ang Christmas tree n’ya at kasing edad daw ito ng aso n’yang si Mallows. 

Pero may twist ang Christmas decoration paandar ng aktres dahil habang nagsasabit s’ya sa Christmas tree ay sinasagot n’ya naman ang mga tanong mula sa kanyang mga fans. 

Kabilang nga sa mga naitanong sa kanya at day ay kung ano ang feeling na magiging mommy na s’ya.

S’yempre, masaya. Masaya na kinakabahan,” k’wento ni Ryza sa kanyang fans. “Masaya kasi magkaka-baby na ako. Matagal ko na s’yang winish kay God. Tapos nakakatakot kasi nga pag labas n’ya dito, may pandemic. Alam mo ‘yon? Dapat makaka-pasyal s’ya pero hindi namin s’ya p’wede ipasyal kasi delikado pa.

Natanong din si Ryza sa kanyang naging reaksyon nang malamang nagdadalantao pala s’ya. 

S’yempre, natakot ako,” pag-amin ng 32-year-old actress sa kanyang fans. “Natakot ako kasi meron pa akong projects na hindi pa natatapos tapos bigla akong nabuntis. So, kinakabahan ako sa mga continuity… Kung matatapos ko ba s’ya. Tapos meron pang pandemic so hindi ko talaga alam. Pero na-excite ako…

Naik’wento nga ni Ryza sa media conference para sa teleseryeng pinagbibidahan n’ya na Bella Bandida na nasa huling bahagi na daw sila ng taping nang malaman n’yang buntis s’ya. 

Sumalang pa daw sa mga fight scenes noon ang aktres dahil wala s’yang idea na nasa sinapupunan na n’ya ang baby nila ng boyfriend n’yang si Miguel Cruz. 

Bukod sa mga actual fight scenes, sumalang din sa intense two-weeks martial arts and fight training si Ryza. Gigil na gigil, kumbaga dahil bukod sa bida siya ay first pure action series nga ang Bella Bandida na type na type niyang genre. Kita naman ito sa video ng training niya na ini-release ng Viva. 

Pero nairaos naman at safe namang nai-deliver si Baby Night na baka maging future action star dahil sa sinapupunan palang, e, tuma-tumbling na.

Ngayon ay pahinga muna sa acting si Ryza dahil nagpapa-galing pa. At s’yempre, pokus muna kay Baby Night. Buti nalang at may Bella Bandida siyang io-offer sa mga fans niya habang naka-semi bakasyon siya.

It’s about time na makilala natin ang isa pang astig na Pinay heroine at hindi mapako lang kay Darna ang isipan natin. Si Bella Bandida, na likha ni National Artist Francisco V. Coching, is produced by the same production company that gave us BuyBust and Maria kaya hindi malayong bad-ass din ang pagkaka-buo sa screen persona ni Ryza as Bella Bandida.

However, tiniyak ni Ryza sa vlog niya na mahal n’ya ang showbiz kaya magbabalik daw s’ya sa pag-arte once mai-settle niya ang mga bagay-bagay.

Samantala, mapapanood na tonight, November 25— and every Wednesdays thereafter—ang Bella Bandida, 9:30 PM sa TV5. 

Narito ang kabuaan ng Christmas decoration with Q & A vlog ni Ryza Cenon:

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Mahal daw ang educational plan, kaya Ryza Cenon, isang baby lang ang gusto

Ryza Cenon, nagpilit maging normal ang delivery ng baby para di ma-operahan; “Kasi po mahal [ang caesarian]... so push natin yan!”

Ryza Cenon shares stunning maternity shoot with partner Miguel Cruz

Ryza Cenon gives a virtual house tour as her first YouTube content

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.