Bagong patutsadahang Gretchen at Marjorie, lumalala

Ang post ni Gretchen—na may kasama pang dalawang video inserts ng naganap na kaguluhan on the first night of wake at kasama din ang two-parts screengrabs ng post ni Marjorie—ay loaded ng mga insinuations. Nauna na rito ang pagtawag niya kay Marjorie ng “Marjorie Baldivia Echiverrie.”

Photos: Instagram

Ang post ni Gretchen—na may kasama pang dalawang video inserts ng naganap na kaguluhan on the first night of wake at kasama din ang two-parts screengrabs ng post ni Marjorie—ay loaded ng mga insinuations. Nauna na rito ang pagtawag niya kay Marjorie ng “Marjorie Baldivia Echiverrie.”

Hindi pa man naba-babad sa Instagram ang statement ni Marjorie Barretto patungkol sa diumano’y “lies” at “false statements” na pinakakawalan ng kanyang mga sisters sa media regarding the altercation na naganap sa unang gabi ng lamay, Ocrtober 16, para sa yumaong Barretto patriarch na si Miguel Barretto ay agad na may balik-patutsada si Gretchen Barretto, who also posted it on Instagram a few hours after Marjorie did.

Nabalewala tuloy ang hiling ni Marjorie in the same statement na hayaan muna sana silang magluksang pamilya lalo pa’t huling araw na ngayon ng lamay para sa kanilang ama. 

Ang mga loaded na patutsada ni Marjorie sa kanyang post, na obviously ay patama kay Gretchen, only fanned Gretchen’s fire kaya imbes na patapusin ang huling araw ng ama ay nag-post din ito ng mga makakahulugan at maiintrigang salita laban kay Marjorie.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by marjbarretto (@marjbarretto) on

 

Ang post ni Gretchen—na may kasama pang dalawang video inserts ng naganap na kaguluhan on the first night of wake at kasama din ang two-parts screengrabs ng post ni Marjorie—ay loaded din ng mga insinuations. 

Nauna na rito ang pagtawag niya kay Marjorie ng “Marjorie Baldivia Echiverrie,” alluding to Marjorie’s estranged husband Dennis Padilla (who is Dennis Baldivia in real life) and possibly former Caloocan City Mayor Recom Echiverrie na matagal nang nauugnay sa pangalan ni Marjorie. 

May pahaging din si Gretchen na mare-reveal later on diumano, through her Mommy Inday, ang tunay na dahilan kung bakit inatake ang kanilang ama on the night of his birthday na siyang naging dahilan nang pagkaka-ospital nito.

Binaligtad din ni Gretchen ang indirect na paratang ni Marjorie na mayroon siyang “powerful in a bad way” boyfriend. Bagamat inamin ni Gretchen na powerful nga ang kanyang boyfriend—na ayon sa alegasyon ni Marjorie ay hindi ang long-time partner niya na si Tony Boy Conjuangco—pero in a good way daw as compared to Marjorie’s who “is also POWERFUL & certainly IN A VERY BAD WAY” na bagama’t hindi niya pinangalanan ay sinabihan namang maraming kaso umano ng corruption at molestation.

Narito ang kabuuang post ni Gretchen (published as is):

“Quoting Marjorie Baldivia este’Echiverrie 🙏WE WILL FOR THE FIRST TIME SPEAK THE TRUTH & NOTHING BUT THE TRUTH🙏ITS A BITTERSWEET FEELING THAT YOU, truly for the first time speak the Truth, IN OTHER WORDS , I AM GRATEFUL for WE WILL ALL WAIT FOR THAT TIME( heres a video that was forwarded to me by @marisol0125 MY TRUTH . This video IS NOT FAKE NEWS AS BEING CLAIMED by Marjorie Baldivia Echiverrie. ( FYI MY MOM SPOKE TO ME & ASSURED EVERYONE THAT SHE WILL TELL ALL REGARDING OUR FAMILY FEUD & THE DAY OF MY DADS BIRTHDAY & Who CAUSED MY FATHERS ATTACK .YOUR THREAT TO SUE ME FOR LIBEL ? I PLEAD NO ,IM SCARED.... 🙏AND AS TO MY BOYFRIEND WHO IS POWERFUL IN A BAD WAY ( like you say ) YES HE IS POWERFUL ( in a good way , Not bad as you claimed. Your boyfriend is also POWERFUL & certainly IN A VERY BAD WAY ,ICountless corruption cases i was told, NOT TO MENTION, NUMEROUS MOLESTATION CASES , AM I CORRECT? I WAS INFORMED THAT @claubarretto WILL FILE A MOLESTATION CASE AGAINST YOUR POWERFUL BOYFRIEND.( ONLY REQUEST OF @claubarretto IS FOR HIM TO NOT BE IN THE WAKE DUE TO TRAUMA 🙏 FYI THE VOICE YOU HEAR IS MARJORIE VOICE DEFYING The REQUEST of PRRD🙈”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Gretchen Barretto (@gretchenbarretto) on

Samantala, ang kalakip na videos ng posts ni Gretchen, ay nagpapakita na may kaguluhan ngang naganap noong gabi ng October 16 sa loob ng isa sa mga chapels sa Heritage Memorial Park sa Taguig City, kung saan nakalagak ang Barretto patriarch na si Miguel Barretto.

Magulo at magalaw ang kuha ng two-parts video clips at nakatutok sa mga paanan kaya’t hindi malinaw kung sinu-sinong tao ang nakuhanan.

Ang first video clip, ay nagsimula ang video na nakatutok sa paanan ng mga mga taong nag-uumpukan hanggang sa maya-maya ay maririnig nalang ang mga kalabugan at mga boses na nagsasalita nang tila pagalit. May boses- lalaking dalawang beses nagsabi na: “Huwag mo akong hawakan.”

May another male voice na mauulinigan saying: "Susuntukin mo ako? Wala kang respeto? Ha?!" 

Sa second video clip naman, maririnig nang bahagya ang tila pag-uusap ni Gretchen at ni President Rodigo Duterte na unfortunately ay nasaksi sa ill-timed family drama. 

Samantala, wala pang update si Claudine Barretto sa kanyang social media accounts regarding her physical state. 

Kagabi, October 17, ay isinugod ng isang nagnganalang Ruby Baguhin ang bunso ng mga Barretto sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City, matapos diumano itong masaktan at mahilo sa alleged physical altercation naman nila ni Marjorie na naganap a day after nangyari ang naunang gulo sa Heritage involving Gretchen, Marjorie, at ang pamangkin nilang si Nicole. 

Sa matagal nang awayang Marjorie at Gretchen, lumalabas na nasa panig ni Gretchen ngayon si Claudine base na rin sa mga soc-med posts nito ng mga nagdaang buwan.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Marjorie Barretto promises to speak the “WHOLE TRUTH AND NOTHING BUT THE TRUTH” pagkalibing ng ama; appeals for prayers for the safety of her children

Gretchen at Marjorie, nagkatalakan nga ba sa harap ni President Duterte?

Gretchen Barretto pays respect to late father Miguel Barretto; reunites with family

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.