Bahagi ng New Year reflection post ni Trina Candaza ukol sa taong “very excited to remove us from his life,” patama kay Carlo Aquino?

Inakala umano ni Trina Candaza na natagpuan na n’ya ang lalaking para sa kanya pero hindi pa pala. Bagama’t wala s’yang binanggit na pangalan ukol dito ay nahulaan na ng netizen na si Carlo, na ama ng kanyang anak, ang tinutukoy n’ya.

PHOTOS: @trinacandaza & @jose_liwanag on Instagram

Inakala umano ni Trina Candaza na natagpuan na n’ya ang lalaking para sa kanya pero hindi pa pala. Bagama’t wala s’yang binanggit na pangalan ukol dito ay nahulaan na ng netizen na si Carlo, na ama ng kanyang anak, ang tinutukoy n’ya.

May subtle na rebelasyon ang model and online personality na si Trina Candaza na ang dati n’yang partner na si Carlo Aquino daw ang tumapos sa kanilang relasyon.

Nagkaroon kasi s’ya ng New Year reflection sa Instagram nitong January 1 kung saan binalikan n’ya ang highlight ng kanyang buhay sa nakalipas na 2022. 

“Before leaving 2022, I want to look back and be reminded of all the things that happened to me, to us rather. So I will be reminded of how I braved through it all,” panimula n’ya sa kanyang post.

Kalakip nito ang series of photos ng kanyang mga achievements sa nakalipas na taon.

Dito na rin n’ya sinabi na inakala umano n’yang natagpuan na n’ya ang lalaking para sa kanya pero hindi pa pala.

Bagama’t wala s’yang binanggit na pangalan ukol dito ay nahulaan na ng netizen na si Carlo, na ama ng kanyang anak, ang tinutukoy n’ya. 

“We lost someone whom I thought will be the man who will always keep us safe, someone who will protect us. But little did I know he will be the one who is very excited to remove us from his life,” lahad ni Trina. 

Ganu’n pa man, thankful pa rin daw s’ya sa mga dumating na blessings sa kanila ng daughter n’yang si Mithi. 

“Pero, Sa tuwing may nawawala may pumapalit. And looking back, I’ve realized that me and Mithi have been very blessed with the people around us. Providing me support and opportunities,” aniya. 

This year lang kasi ay nagkaroon s’ya ng four endorsements, nakabili s’ya ng kotse at mamahaling bag, at nakapagbukas pa ng tatlong negosyo. 

Bukod pa doon, ngayong taon ay natuto umano s’yang magpatakbo ng big bike, mag-free dive, and scuba dive.

“Thank you to all the people who have helped me and Mithi, you know who you are, we love you and we are very grateful for all the help and love,” pahayag pa ng celebrity mom. 

“2022, you are the year that built me,” pagtatapos ni Trina. 

Matatandaang naging magkasintahan sina Trina at Carlo noong 2019, at dumating naman sa buhay nila ang anak nilang si Mithi noong 2020. 

However, January 2022 nang umugong ang bali-balitang naghiwalay ang dalawa matapos magkaroong ng cryptic post si Trina sa kanyang Instagram Story about sa “ibang babae” na iniisip umano ni Carlo.

Mas tumindi pa ang espikulasyon dito ng netizens nang mag-post pa si Trina na nakalipat na umano sila ng tirahan ni Mithi nang hindi kasama ang ama ng baby n’ya. 

Naging in good terms naman ang dalawa at nagkasundo na magkaroon ng co-parenting setup para sa kanilang anak.

As of this writing ay wala pang sagot sa mga inilahad ni Trina si Carlo na ngayon ay napapabalitang nali-link sa Kapamilya actress na si Charlie Dizon.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.