“Bahala ka na. Take charge,” bilin ni Noli de Castro kay Henry Omaga-Diaz sa pamamaalam niya sa TV Patrol

Huwebes ng gabi, October 7, nang magpa-alam si Noli de Castro sa TV Patrol para muling balikan ang pulitika as a senatorial candidate. Wala pang isang linggo nang nanuna na sa kanyang magpa-alam si TV Patrol weatherman Kim Atienza para lumipat naman sa GMA-7.

Photos: @kabayannolidecastro

Huwebes ng gabi, October 7, nang magpa-alam si Noli de Castro sa TV Patrol para muling balikan ang pulitika as a senatorial candidate. Wala pang isang linggo nang nanuna na sa kanyang magpa-alam si TV Patrol weatherman Kim Atienza para lumipat naman sa GMA-7.

Halos isang linggo lang ang pagitan ng pagpa-paalam ng weather anchor na si Kuya Kim Atienza at ni Kabayang Noli de Castro sa TVB Patrol. Si Kuya Kim ay para lumipat sa GMA-7, habang si Noli ay para muling tahakin ang pulitika.

Huwebes ng gabi, October 7, nang magpa-alam si Noli sa TV Patrol, kung saan binigyan pa siya ng munting farewell tribute, kung saan ipinakita ang kanyang journey as a broadcaster, news anchor, at Public Affairs program host ng Kapamilya network hanggang sa una siyang agawin ng pulitka.

Taong 1987 nagsimula ang TV Patrol at co-anchor ni Kabayan dito sina Frankie Evangelista,Tina Monzon Palma, Mel Tiangco, Angelique Lazo, at Korina Sanchez.

Isinilang naman noong 1988 ang weekly program niyang Magandang Gabi, Bayan, na naging patok sa masa. Dahil dito ay nakuha niya ang tiwala ng taumbayan kaya nanalo siya bilang senador noong 2001 at umabante bilang Bise Presidente ni Gloria Macapagal-Arroyo noong 2004-2010.

Pagkatapos ng termino niya bilang VP ay bumalik siya ng ABS-CBN at muling narinig ang boses niya sa radyo. Muli ring ibinalik sa kanya ang pagka-frontman ng daily newscast na TV Patrol.

This time around, muli niyang lilisanin ang ABS-CBN para tumakbong senador sa partido ni presidentiable Isko Moreno.

“Kabayan, mga Kapamilya ito na po ang huling gabi ko sa TV Patrol,” panimula niya sa kanyang farewell speech sa programa kagabi. “Matapos po ang malalim na pagsusuri at mataimtim na pagdarasal, ako po ay nagdesisyong tumakbo bilang senador sa halalan sa susunod na taon.

“At dahil po sa hakbang na ito kinakailangang iwan ko ang TV Patrol at ang ABS-CBN para ipagpatuloy po ang serbisyo publiko sa iba namang larangan.

“Lubos po akong nagpapasalamat sa inyong pagtitiwala sa maraming taong tayo’y nagkasama sa bawa’t balita na inihahatid ko sa inyo. 

“Mula sa malagim na trahedya hanggang sa masasayang kuwento ng tagumpay na ginawa ko po sa abot ng aking makakaya, ayon po sa aming obligasyon na maghatid ng katotohanan. 

“Maraming salamat po sa patuloy na pagtitiwala sa TV Patrol gabi-gabi. Masakit man ang magpaalam sa programang minahal ko at naging buhay ko at sa mahabang samahan sa mga Kapamilya sa ABS-CBN, ako’y humaharap sa mga hamon sa panibagong yugto sa aking buhay. Ngayon palang po ay nagpapasalamat na ako sa inyong suporta at pagtitiwala sa akin.”

Huling pinasalamatan ni Kabayan ang pamunuan ng ABS-CBN at mga naging kasamahan sa istasyon.

“Salamat sa bumubuo ng ABS-CBN management, ang mga kasama nating reporters, co-producer, staff, maging sa mga janitor at sa buong puwersa po ng News and Current Affairs.

“Pero sabi nga po nila, kung may nagwawakas ay mayroon ding nagsisimula.  Kaya naman abangan po ninyo ang bagong simula ng TV Patrol na iniiwan ko sa mga susunod na henerasyon na mga mamahayag at tagapag-balita ng ABS-CBN.

“Muli Kabayan, maraming-maraming salamat at sa huling pagkakataon po iiwan namin sa inyo ang salamat po at magandang gabi, bayan!”

Nakangiting naka-masid kay Kabayan ang mga kasamahan niyang sina Henry Omaga-Diaz, Gretchen Fullido, at Bernadette Sembrano-Aguinaldo bagama’t nangingilid ang luha ng mga ito.

At dahil huling gabi ni Kabayang Noli ay nagsama-sama ang apat sa loob ng studio bilang pagpupugay. Dati kasi ay nasa magkaka-iba silang lugar to observe health protocols.

Isa-sa ring nagbigay ng mensahe sa kanya ang mga kasamahan.

Nauna na si Henry Omaga-Diaz na nagsabing ultimo sa pagtatali ng kurbata ay may nagtutunan siya sa veteran newscasters.

“Kabayan sa napakahabang panahon ikaw ang naging pundasyon, naging haligi ng TV Patrol at ng ABS-CBN news,” saad ni Henry Omaga-Diaz. “Hindi po matatawaran ’yan, Kabayan.

“Mahirap man at nakalulungkot na ika’y lilisan ay pipilitin naming mapunan ’yung iiwanang yapak.

“Pero Kabayan, e, mahirap man. Alam namin na ito’y dahil sa iyong misyon para sa mas nakararaming Pilipino. Isang prebihiyo, isang karangalan ang makasama ka sa trabahong ito.”

Ang bilin naman ni Kabayan: “Thank you, bahala ka na. Take charge,” na ang ibig sabihin ay si Henry na ang pinuno sa pagbabalita kasama sina Bernadette at Gretchen.

Ayon naman kay Gretchen, bata palang siya ay idolo na niya si Kabayan. Loyal viewer umano siya ng Magandang Gabi, Bayan noon lalo ma kapag may feature itong katatakutan.

“Salamat sa mga itinuro mo, Kabayan,” ani Gretchen.  “Sabay tayong pumasok noong 2010, bumalik ka, ako pumasok.  I wish you all the best, Kabayan. Iingatan mo ang sarili mo, ha. And thank you sa maraming-marami...sa lahat.”

“Sa tatay namin dito sa TV Patrol, thank you, Kabayan,” say naman ni Bernadette. “Ingat po kayo.  Ingatan ang inyong kalusugan at mula po sa lahat ng bumubuo ng TV Patrol, Kabayan isang karangalan na makasama ka namin sa gabi-gabing pagbabalita.”

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang nabanggit sa amin a ng source namin sa ABS-CBN kung sino ang bagong makakasama ng tatlo sa TV Patrol sa Lunes.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.