Banat ni BB Gandanghari kay Ogie Diaz: “You have no credibility to me. Zero...zero credibility.”

Tanong ni BB Gandanghari kay Ogie Diaz: “Talaga Ogie, may masama ka pa ring nakita doon sa in-advice ko? E, talagang negative kang tao.”

PHOTOS: @gandangharibb on Instagram & @ogie.diaz.5 on Facebook

Tanong ni BB Gandanghari kay Ogie Diaz: “Talaga Ogie, may masama ka pa ring nakita doon sa in-advice ko? E, talagang negative kang tao.”

May b’welta ang actress at online personality na si BB Gandanghari sa comedian-vlogger at talent manager na si Ogie Diaz sa naging komento nito sa advice n’ya para sa estranged couple na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica. 

Matatandaan na nagbigay ng kanyang advice last October si BB sa pamangkin n’yang si Kylie at sa estranged mister nitong si Aljur. Isa kasing netizen ang humingi ng reaction n’ya tungkol sa hiwalayan ng dalawa habang nagla-livestream s’ya noon sa Instagram. 

Doon, sinabi ni BB na: “Ang paghihiwalay is not a joke. Something to be...para mapag-usapan ka?  Masakit ’yan. So, what I can advise these two [Aljur at Kylie]?  Being younger that you are, try to keep your dirty linen in the washroom. 

“I’m sure you know what I mean,” pagpapatuloy niya. “Ayoko, mahirap makialam! Try to keep things in private as much as possible kasi may mga anak kayo, unang una. 

“So, ’yun lang. ’Yun lang ang masasabi ko kasi very sensitive ang subject. I think what they need to think about now are the children.”

Na-pick up ito at napag-usapan nina Ogie at Mama Loi sa vlog nila last October 27 na in-upload sa YouTube Channel na Ogie Diaz Showbiz Update. 

Komento ng komedyante sa mga sinabi ni BB: “S’ya talaga nagsabi nu’n? Hahaha! Dapat in-advice din n’ya ’yan sa sarili n‘ya. Hahaha! ’Di ba? Paano ka naman pakikinggan. Parang ano ’yan, isang manginginom [na nagsabing] ‘Hoy, ’wag kang iinom ha.’ Susundin mo ba ako? Oh, pa’no ’yon? Ganu’n?”

Dagdag pa ni Ogie: “Siguro kung maririnig ito ng iba, si BB sinasabihan ang kanyang pamangkin at si Aljur, itago na ang dirty linen, huwag ipagpag sa publiko… ‘Sino ka, BB, para magsabi ng ganyan sa kanila, kung ikaw mismo hindi ka marunong magtago?’ Pinapagpag mo din, binubuko mo din in public…with payment. Hahaha! 

“’Di ba, sa kanyang pa-show [kung saan] ire-reveal n’ya kung sino ang na-involve sa kanya? So, pa’no nga pakikinggan kung ganu’n?

Ang tinutukoy ni Ogie ay ang BB Uncut: Who Killled RP (Untold Story of Rustom Padilla) one-woman stage show ni BB sa California supposedly last July, 2021, na na-kansela sa hindi malinaw na dahilan. The show was an offshoot ng kanyang series of vlogs noong June 2020 about the beginning and end of his relationship with a certain actor na itinago niya sa pangalang “Jonathan.”

Babala naman ni Mama Loi sa kanya, baka makarating kay BB ang kanyang mga sinabi. 

Tugon dito ni Ogie: “Hayaan mo na. Wala namang magandang sinabi sa akin ’yan kaya okey lang. Hahaha! Feeling n’ya inapi ko s’ya noong araw. Okey lang. Baka nga ma-shock pa ako pag pinuri pa ko ni BB.”

At nakarating nga sa US-based actress ang mga naging komento ni Ogie sa naging advice n’ya kina Kylie at Aljur. As Ogie was expecting, hindi nga ito nagustuhan ni BB. 

Sa ipinost n’yang livesteam video sa Instagram last November 3 ay matapang n’yang binuweltahan ang comedian-vlogger. 

At s’yempre, isa sa pinakamahalagang nag-react… Ibigay ko na sa’yo [’yang titulo na] ’yan. Hahaha!” panimulang pasaring ni BB, na malinaw naman na para kay Ogie Diaz. “Dahil talagang ginawa mo akong thumbnail… Di pa ako sikat n’yan, ah. Ikaw Ogie Alcasid, ha. ’Wag mo akong pinipikon.” 

Aniya, puro paninira lang daw sa mga artista ang content na ginagawa ni Ogie.
 
Nu’ng nakita n’ya ’yong reaction ko, which is very casual as you can see, kumakain lang tayo at nagkuk’wentuhan tayo ’di kagaya n’ya puro set up at scripted lahat...Aminin n’yo ’yan at puro paninira lang ng mga artista ang sinasabi, kung sinuman ang buntis hindi buntis, ’di ba?” sunod-sunod na hirit ni BB.

Dismayado daw s’ya dito na hindi naging masaya sa advice n’ya para sa pamangkin at sa estranged husband nito sa kabila ng pagiging kumpare nito ng kapatid n’yang si Robin Padilla

’Yang kumpareng ’yan talaga ni Robin, e… Sa lahat ng kukumparehin, e, ewan ko ba. ’Di ba, kung kumpare ka ni Robin hindi ka natuwa doon sa in-advice ko [kina Kylie at Aljur]? Talaga Ogie, may masama ka pa ring nakita doon sa in-advice ko? E, talagang negative kang tao,” patuloy ni BB.

Sey pa n’ya, may karapatan daw s’yang magbigay ng payo sa dating mag-asawa dahil s’ya mismo ay nanggaling daw sa “dalawang major na relasyon” pero never daw s’yang nagkalat sa publiko 

Ang tinutukoy n’ya marahil ang naging marriage n’ya kay Carmina Villarroel at sa isa pang aktor na hindi n’ya direktang pinangalanan. 

Ito na ang pangatlong buhay ko. I lived and loved as man. I lived and loved as a gay man. And now I live and still not loving as a woman,” BB explained.  

Wala akong sinabi at wala akong siniraan, walang nakakaalam kung ano ang tunay na dahilan kung bakit hindi namin… Ang respeto nandoon. 

Hindi man kami magkaibigan ni Carmina pero alam ko ang respeto namin sa isa’t isa ay nandoon sa pinakamataas na level. At sinubukan ’yan ng panahon. Sa dami ng pinagdaanan namin wala ni isa sa amin ang nag-grandstand.

May sarili s’yang intriga, may sarili s’yang problema, may sarili akong intriga…walang isa sa amin ang nag-grandstand.

Hirit pa n’ya, wala na daw natira ni katiting na kredibilidad si Ogie dahil sa kanyang mga sinabi. 

“I’m sorry, Ogie. Clearly, you don’t know what you’re talking about that’s why I’m really wondering why people are still watching you. Honestly, you have no credibility to me. Zero...zero credibility,” saad pa n’ya without mincing her words. 

Patas lang daw sila sa kani-kanilang reaction sa isa’t isa. 

At a puntong ito, nadamay pa si Vice Ganda, na dating alaga ni Ogie Diaz, sa pag-a-analogy ni BB to drive her point.

“In fact, ’yong reaction mo na, ‘Ah, talaga? Si BB nagbigay ng payo?’ Actually, kuha ko ’yon, e. Ganu’n din kasi ang reaction ko kapag pinag-e-endorse mo ng beauty products si Vice Ganda. ’Yong talagang, ‘Ah, talaga? Si Vice, nag-e-endorse? Si Vice talaga?’ Ganu’n. Ganu’n din ang dating sa akin nu’n,” sey pa ni BB.

“I understand ’yong joke pero I think you’re barking at the wrong tree. You clearly don’t know what you’re talking about. And I’m reacting this way because I really have to react kasi… Talaga, sisirain mo ang credibility ko d’yan? Excuse me sa ’yo.

Pagpapatuloy pa n’ya, kung iniisip daw ni Ogie na siniraan n’ya si Piolo Pascual ay ito lang daw ang nag-iisip ng ganu’n dahil never daw s’yang nagsalita nang masama laban sa Kapamilya actor. 

“If you think ’yong BB Uncut na ginawa ko ay nakasira kahit kanino…sige pangalanan natin. Kay Piolo? Excuse me, wala akong sinabi sa kanyang masama,” depensa ni BB. 

Ikaw ang may masamang isip kaya siguro inisip mo na may masama akong sinabi kay Piolo. Pero wala, wala doon sa perspective ng ginagawa…muntik nang ginawa… Buti na lang at nakinig…muntik nang ginawa nila Kylie at Aljur.”

At sa puntong ito na medyo uminit ang ulo ni BB. 

Ikaw bilang kumpadre sana si Robin, dapat sana, kung ikaw ay level-headed person, you should have [said] ‘Tama this time ang auntie n’yo. Makinig kayo,’” lahad pa n’ya. 

Pero hindi. Gusto mo kasi ng balita. Ayan ka na naman. Wala ka nang sinanto. Kaloka ’to,” naiiritang dagdag n’ya. 

“You get from me. You clearly don’t know what you are talking about. Don’t ridicule me because ibabalik ko sa’yo ’yan, no?

Ganyan ka na ka-negative. You think ’yung pinagdadaanan ng pamangkin ko, e, gagawin kong biro? Excuse me,” pagtatapos ni BB.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.