Inasar ng writer-director at content creator na si Darryl Yap ang mga umokray sa casting ng upcoming movie n’ya na Maid in Malacañang.
Ang Maid in Malacañang ay tungkol umano sa mga tunay na naganap sa huling araw ng Pamilya Marcos sa Malacañang matapos silang ma-oust from power dala ng EDSA People Power 1 na from the point of view ng isa sa kanilang kasambahay doon.
Nauna nang ini-reveal ni Direk Darryl ang mga cast nito few days ago gaya nina Ruffa Gutierrez na gaganap bilang si dating first lady Imelda Marcos, ang mag-amang sina Cesar Montano at Diego Loyzaga bilang sina dating pangulong Ferdinand Marcos, Sr. at Bongbong Marcos respectively.
Si Cristine Reyes naman ang gaganap bilang Imee Marcos, at si Ella Cruz bilang ang si Irene Marcos.
At kagabi nga, may patikim na si Direk Darryl sa ginagawa n’yang movie by posting a photo of Cristine Reyes online habang nasa background ng aktres ang portrait ng dating presidente.
“Cristine Reyes is Senator Imee R. Marcos #MAIDinMALACAÑANG,” maikling caption ng young filmmaker sa kanyang Facebook post.
Cristine Reyes is Senator Imee R. Marcos #MAIDinMALACAÑANG 📸• Maverick Manalang
Posted by Darryl Yap on Tuesday, June 21, 2022
Mabilis itong pinick up at ini-repost ng ilang news pages kung saan pinagpiyestahan ito ng mga bashers.
Kinuwestiyon nila ang pagkakakuha kay Cristine bilang Imee Marcos dahil hindi naman daw kahawig ng aktres ang senadora. Masyado umanong maganda ang Viva actress sa papel na gagampanan n’ya.
May nagsabi pa na kailangan daw nilang palagyan ng prosthetics ang baba ni Cristine, na subtle na panlalait sa facial feature ni Senator Imee.
Pang-ookray na suggestion pa ng ilan, bakit daw hindi na lang si Ai-Ai delas Alas o kaya ay si Juliana Segovia Pariscova ang kinuhang artista para sa nasabing role.
Hindi naman ito pinalagpas ng mapang-engage na direktor at sinupalpal n’ya ang mga nanglalait at nagrereklamo na kung si Cristine ang gaganap na panganay na anak ng mag-asawang Marcos.
“[K]ung nanalo sana kayo, gawa kayo ng pelikula tungkol sa kandidato nyo, dun kayo magdesisyon ng casting,” panimulang banat ni Direk Darryl sa kanyang FB post.
“[E]h kaso natalo nga si Leni, paanong gagawin natin? [I]pagsisiksikan nyo na lang yung talunan nyong opinyon sa pelikula ng nanalo? [G]anyan na kalungkot ang buhay nyo? HAHAHAHAHAHA!” pang-aasar pa n’ya.
kung nanalo sana kayo, gawa kayo ng pelikula tungkol sa kandidato nyo, dun kayo magdesisyon ng casting… eh kaso natalo...
Posted by Darryl Yap on Tuesday, June 21, 2022
As of this writing ay wala namang kebs si Cristine sa mga bashers na nang-aasar sa kanila at kumukuwestiyon sa pagkakasali n’ya sa pelikula.
YOU MAY ALSO LIKE:
Kampo ni Ai-Ai delas Alas, kinundena ang pagdeklara sa kanya sa Quezon City bilang persona non grata
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber