Banat ni Pokwang sa netizen na tila hindi masaya sa naging friendship nila ng ex niyang si Lee O’Brian: “Wag mabuhay sa dilim.”

“So ano pla gusto mo iyak ako buong buhay ko? Hahahahhahahhaha shunga???” pambabara ng palabang actress-comedienne na si Pokwang sa netizen na nanghihinayang sa iniluha niya noon dahil sa paghihiwalay nila ni Lee gayung magiging okay din naman daw pala sila.

PHOTOS: @itspokwang27 on Instagram

“So ano pla gusto mo iyak ako buong buhay ko? Hahahahhahahhaha shunga???” pambabara ng palabang actress-comedienne na si Pokwang sa netizen na nanghihinayang sa iniluha niya noon dahil sa paghihiwalay nila ni Lee gayung magiging okay din naman daw pala sila.

Sinagot ng actress-comedienne and TV host na si Pokwang ang komento ng isang netizen na sayang lang umano ang pag-iyak n’ya noon sa naging hiwalayan nila ng ex-partner niyang si Lee O’Brian.

Sa short Instagram video kasi na in-upload ng komedyana kahapon, September 29, makikitang reunited sila ni Lee sa birthday celebration nito kasama ang panganay niyang si Ria Mae at ang anak nila ni Lee na si Malia.

At bagama’t si Lee ang may kaarawan, mukhang ang daughter nilang si Malia ang star ng selebrasyon dahil nauna pa itong lumapit sa cake to blow the candles. 

“Happy birthday Dada @leeobrian. Pero ikaw @maila_obrian ang bida hahahahahaha ayan na naman sya,” kwelang caption ni Pokwang sa kanyang video post.

 

Dumagsa naman ang birthday wishes para kay Lee mula sa kanilang fans and celebrity friends gaya nina Isabel Oli at Geneva Cruz.

May mga nagbigay rin ng magagandang komento at sinabing nagiging mabuting halimbawa sina Pokwang at Lee sa kanilang anak. Kahit kasi hiwalay na ay in good terms pa rin sila at maayos na nagagampanan ang kanilang co-parenting setup.

Pero may namumukod tanging netizen na nang-asar sa aktres. 

“Bakit naghiwalay pa. Tapos ok rin pala cla.. Sayang luha [face with tears of joy emoji],” walang pasintabing komento ng netizen sa post ni Pokwang.

Agad naman itong sinagot ng TiktoClock co-host.

“Dahil pwede naman matapos ang isang bagay sa buhay mo ng masaya ka ulit at wag mabuhay sa dilim yun yon! So ano pla gusto mo iyak ako buong buhay ko? Hahahahhahahhaha shunga???” pambabara ng palabang actress-comedienne.

SCREENSHOT: @itspokwang27 on Instagram

Matatandaan na kinumpirma ni Pokwang nitong July ng taong kasalukuyang na hiwalay na sila ni Lee noon pang 2021.

Hindi naman siya nagdetalye sa naging ugat ng hiwalayan nila pero agad niyang nilinaw na hindi iyon dahil sa pera o third party. 

Ganu’n pa man, naging maayos daw ang lahat sa pagitan nila at ngayon nga ay naka-co-parenting setup para anak nilang si Malia.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pokwang ngayong single parent na muli s’ya: “Hindi karma ang natapos na pagmamahalan.”

Pokwang, “inagiw” na ang sex life?

Pokwang, sinagot ang tanong kung sino ang mas magaling sa kanila ni Ai-Ai delas Alas

K Brosas, nagtamo ng sugat at pasa matapos silang maaksidente ni Pokwang sa US

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.