Barakong sina Baron Geisler, Mark Anthony Fernandez, Jeric Raval, at Joel Torre, may kanya-kanyang dilemma sa pagganap ng beki roles sa Barumbadings

Photos: Vivamax

Photos: Vivamax

Kung kinailangan daw magpa-padrino para makuha niya ang mga barakong cast niya sa Barumbadings na sina Baron Geisler, Mark Anthony Fernandez, Jeric Raval, at Joel Torre ay gagawin ni Direk Darryl Yap matuloy lang ang vision niya for his new brainchild.

Pero mukang hindi naman umabot sa point na pakikiusapan niya ang mga naging kaibigan na niyang sina Alma Moreno (para brasuhin si Mark) at AJ Raval (para kumbinsihin si Jeric). Si Baron naman daw, who is his Tililing star, ay ka-text naman niya lagi so siya na daw mismo ang kukumbinse.

Kinabahan lang daw siya kung mapapapayag ang respetadong aktor na si Joel Torre, na siyang na-envision niyang actor niya para gumanap kay Mother Joy, ang mentor ng mga barumbadings. Sinusulat palang daw niya ang material ay si Joel na ang na-picture niyang Mother Joy.

Nakasalalay umano kay Mother Joy Joel kung matutuloy ang project, which was his 12th film. Gusto raw niyang maging extra special ang kanyang 12th movie sa Viva.

It turned out, game ang aktor. Problematic lang ang schedule dahil meron itong FPJ’s Ang Probinsyano. Pero nagawan naman daw ng paraan. It also turned out, nasa bucket list pala ni Joel ang makaganap ng isang all-out gay character. Buong career daw kasi niya, kung nakapag-beki role man, ay karaniwang kloseta. This time around, tranny pa. Balbas-sarado nga lang—na part din ng vision ni Direk Darryl for Mother Joy.

Sa umpisa lang daw kinabahan si Joel, according to him, dahil ayaw umano niyang maging fake ang dating niya sa viewers. But when the ball started rolling, all out na rin siya sa pagbibigay-buhay kay Mother Joy.

Kung meron man daw physical challenge for him, ’yon ’yong pagsusuot ng bra at eyelashes.

“First time sa buong buhay ko na nagsuot ako ng bra, so I empathize with the women about how uncomfortable it is...first time ko din na nagsuot ako ng eyelashes...” natatawang panimula niya.

Emotionally, may pinoint-out siyang eksena na as an actor ay nahirapan pa rin daw siya.

“There’s that scene na he has to...Mother Joy has to make an ultimate sacrifice without the protégés (barumbadings) knowing it. That was a very difficult scene for me. It was a very emotional na eksena na ide-deliver mo in a very feminine way. So your feelings are very manly pero kailangang ilabas mo in a very feminine way with mascara and all smearing...p’wede kang humagulgol, but you also have to taper it down...it has to be very womanly...” detalyadong k’wento pa ng beteranong aktor.

At biglang naala niyang nahirapan din pala siyang mag-heels.

“Walking with a three-inch heel was a pain, kaya nasi-sympathize talaga ako sa mga ano [babae]. But it was fun. All the scenes I really enjoyed kasi lahat sila was a challenge for me dahil it’s my first time doing it.”

Aniya, he took inspiration from British actor Terence Stamp, ang gumanap na transgender woman sa iconic na The Adventures of Priscilla, Queen of the Desert (1994).

“Naging idol ko si Terence Stamp sa Priscilla in the Desert...Terence Stamp is a very respected British actor for The Collector (1965) and when he did Priscilla na butch na butch siya and everything, sabi ko, ‘pucha kung...’

“And my first starring role when I was in prep in a school play, ang role ko was can-can dancer na babae na may wig and ano,” dagdag information pa niya. “So early on in my life, sabi ko, kung kaya kong gawin ’yong can-can dancer na nagsasayaw-sayaw sa stage with the skirt and all, as an actor I should be able to do anything from then on.”

Si Mark Anthony naman, sa pagha-high heels din daw pinaka na-challenge.   

“Ako po ang pinaka-challenge sa akin ’yong naka- high heels po ako nagpa-fight scenes po,” k’wento ni Mark. “Other than that, ’yong magmumukhang babae, kilos babae kumbaga motivated na motivated po ako doon. Kumbaga, mas kay Direk [Darryl Yap] ako nakabaling na i-guide ako.

“So, ang pinaka-challenge ko po ’yong nakikipag-fight scenes na naka-high heels po. Ang hirap po talaga. In fact, maski ’yong bata po na artista napilay din po siya dahil sa nag-action scenes siya na naka- high heels, ganu’n. So, todo ingat ako doon.”

Gayunpaman, na-sprain pa rin daw siya gawa ng high heels.

“’Yong isang picture nga d’ôn [sa promo stills], malaki po ’yong isang leg ko dahil habang nagda-jogging po ako, na-injured po ako...Kaya sa isang picture, mas malaki po ’yong isang leg ko sa isang leg ko po. So, ’yon po ’yong pinaka-concern ko po noong shooting namin.” 

Sa part ni Jeric Raval, na naka-48 action films na puro starring roles, pagha-high heels at pagle-leggings din daw ang pinaka-nahirapan siya,

“Pinaka-challenging sa akin, gaya ng sinabi ni Mark, ’yong magsuot ng stiletto,” natatawang pag-echo niya sa sinalaysay ni Mark. “Napakahirap talaga makipag-fight scene nang naka-stiletto at ’yong takbuhan namin na naka-stiletto. Although nai-deliver naman namin nang maganda.”

Para daw mas masanay, nagpa-practice daw siyang mag-heels kahit wala na sa set.

“Pag nasa hotel ako, ang ginagawa ko nagpa-practice ako maglakad na mag-isa para lang makapaglakad ako nang maganda.”

Aware naman daw siya na gagawin nila ang mga bagay na ‘yon bago pa man niya tinanggap. Although aminado siyang nag-worry siya ng slight.

“No’ng una, na-aalibadbaran ako dahil ang suot ko bra tapos ’yong leggings. Naisip ko na irespeto pa kaya ako ng mga fans ko pag nakita ako sa kalagitnaan ng movie?”

But he thoroughly enjoyed the process daw lalo pa’t nakita daw niyang excited ang mga anak niya. Deadma daw ang mga ito sa ibang projects niya lalo na pag teleserye. Pero inip na daw ang mga itong mapanood ang Barumbadings kung saan nag-beki role, for the first time, ang tatay nila.

“Na-enjoy naman namin nila Mark, nila Baron...Okey naman ang kinalabasan, maganda naman. Sabi ko nga, hindi ako nagkamali sa pagpili ng movie na ito. At very supportive naman lahat ng ka-trabaho namin diyang mga artista and especially ’yong director namin napakahaba ng pasensya.”

Of the four actors, si Baron ang may slight dilly-dallying pa kung tatanggap muli ng gay role, after accepting his gentle gay role in TV-5’s Di Na Muli, which wasn’t his first dahil nakapag-gay role na rin siya sa ibang projects including the critically-acclaimed Jay (2008).

Gamay na niya, kung tutuusin at wala ng masyadong challenge. But mental and spiritual challenge umano ang dumapo sa kanya.

“Naging conflict lang with me is my faith. Kasi nga parang I really asked a question, I prayed to God... parang, ‘Why should I do this gay film again? Is it promoting gay pride, is it promoting things that are indifferent?’ Parang ganu’n,” pagtatapat niya.

Pero nang binasa naman daw niyang maige ang script, napag-isip-isip niyang may magandang mensahe itong gustong iparating. Moreover, magagamit din umano niya sa pangangaral later on bilang kaka-graduate lang umano niya ng Theology.

“When I looked into the script and further down deep into this concept, I said maybe people will come to realize it’s not just a gay film, it’s about people na hindi dapat pumayag na tapakan—mapa-lalaki, mapa-babae, mapa-kung ano’ng gender.  Basta alam mong merong integridad sa buhay, meron kang tamang goal, then wag tayong pumayag na tapakan tayo ng tao or ilaglag or bigyan ng rason...

“So, this film, for me is about fighting for integrity. It is just not a gay film. It is more than that. It’s gender less. But you know, I had my peace with my belief system, my faith...God said, the Holy Spirit said, ‘You can use this eventually in your preaching.’ Kasi I just graduated sa All Nation College ng Theology. So, sabi ko, p’wede kong gamitin ito as stepping stone to reach out to lost soul—’cause I was there and I am still lost, I am trying to figure it out  what life is all about...

“Barumbadings is the perfect platform to ask all the why’s in your life. Why is this? Why am I like that? Why is this happening in my life? Mapalalaki, babae, tibo...pag na-realize nila, na-proseso nila yan, nawawala ’yong pagiging superficial ng k’wento, nawawala ’yong pagiging superficial ng pagiging totoo mo sa sarili mo, nawawala ang performance bilang tao...’yong people-pleasing na attitude? Na kailangan nating tanggalin kasi we all suffer from that especially now.”

Long story short, matapos ang internal struggle ay um-oo din si Baron sa project with the aim na mai-share ang mga natutunan sa Barumbadings sa future preaching niya.

Sa epic battle palang nilang lahat sa high heels, mukang exciting nang panoorin ang pelikulang ito na tungkol sa tatlong sangganong bekis na aalgaan ng isang motherly gay (Mother Joy) and train them to join beauty pageants instead na maging wayward.

Barumbadings is an exclusive offering of Vivamax and will start streaming on November 5.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings.

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Also, since October 1, meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, and New Zealand.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.