Barbie Forteza, aminadong selosa pero dedma sa intriga kina Jak Roberto at Kim Domingo

Juicy’ng tanong ni Bea kay Barbie, “Has Jak Roberto ever cheated on you?” “Ay no, no! Ang ganda ko!” kumpiyansang sagot ng aktres.

PHOTO: @barbaraforteza & @kimdomingo_ on Instagram

Juicy’ng tanong ni Bea kay Barbie, “Has Jak Roberto ever cheated on you?” “Ay no, no! Ang ganda ko!” kumpiyansang sagot ng aktres.

Inamin ng Kapuso actress na si Barbie Forteza kung kelan ang mga pagkakataong nagiging selosa siya sa relasyon nila ng nobyo n’yang si Jak Roberto.

Naganap ito sa latest vlog entry ni Bea Alonzo kung saan sumalang si Barbie sa Lie Detector Challenge. 

Dito ay game n’yang sinagot ang mga tanong na inihanda ni Bea for her. Kabilang na nga dito ay kung nakapagsinungaling na ba sa kanya ang boyfriend n’yang si Jak. 

Ay, D’yos ko. Oo naman,” diretsahang sagot ng Kapuso Primetime Princess kay Bea. 

Nag-away nga daw sila dati dahil alam n’yang nagsisinungaling ang actor pero ayaw pang umamin. 

Alam ko na kasing lie s’ya from the beginning. Tapos tinitingnan ko lang s’ya, [hinihintay] na umamin s’ya. Kasi ikaw, alam mo na, e,” panlalaglag n’ya kay Jak.

Natanong pa s’ya kung may pinagselosan ba s’yang artista kay Jak. 

Oo,” pag-amin ni Barbie.

Humirit pa si Bea kung sino ang artistang ito pero tumanggi na s’yang pangalanan ito. 

Naging ka-eksena n’ya ba ang babaeng ito?” follow up question na lang si Bea sa kanya. 

Oo, pero hindi dahil doon kaya ako nag-selos,” ani Barbie.

Hindi naman daw kasi s’ya nagseselos kapag may kinalaman sa project o eksena sa trabaho nila bilang artista.

“Actually, hindi ako nagseselos kapag kunwari mga kissing scene, mga intimate scenes...kasi eksena. Pagka nagkayayaan lumabas outside work. Sinasama naman n’ya ako pero minsan kasi ‘all girls’ [ang mga nagyayaya kay Jak],” paliwanag ng aktres.

Kaya naman sa tanong kung selosa ba s’ya sa relasyon, bungisngis n’ya, “Oo. Hahaha!”

Pero hindi naman daw s’ya ’yong tipo ng babae na nakabantay sa cellphone ng kanyang boyfriend. 

Nausisa pa s’ya ni Bea kung nagalit ba s’ya sa controversial internet personality na si Xian Gaza sa pang-iintriga nito before sa boyfriend n’ya at sa fellow Kapuso star nila na si Kim Domingo.

Sa ipinakitang screenshot ni Bea, makikita ang Facebook post ni Xian na: “Good morning po sa lahat except kay Barbie Forteza.”

Sunod-sunod din itong nagkomento sa sarili nitong post at sinabing, “May chika ako about sa boyfriend mo…” at “Kim Domingo nyeallo pheowzxs.”

Sagot ni Barbie, hindi s’ya galit kay Xian at sa TikTok na lang daw n’ya nabasa ang post nito. 

Napanood ko s’ya sa Tiktok. Kasi sa TikTok gumagawa sila ng videos ng mga post sa FB. Tapos nabasa ko ’yong pangalan ko, nabasa ko ’yong pangalan ni Jak, and ni Ms. Kim Domingo. For some reason, ini-scroll ko lang, parang tinreat ko s’ya as mga trolls,” lahad n’ya na ikinatuwa naman ni Bea. 

Juicy’ng tanong pa ng Start Up lead actress sa kanya, “Has Jak Roberto ever cheated on you?”

“Ay no, no! Ang ganda ko!” kumpiyansang sagot n’ya. 

Nagpahabol pa ng tanong si Bea kung may nag-cheat na ba sa kanya noon. 

“The rest!” pilyang sagot ni Barbie.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Jak Roberto, umaasam nang makalagpas sa bansag na “Pambansang Abs”

Jak Roberto proclaims Barbie Forteza is “the one”; habang wish ni Barbie na sana ay hanggang “fourever” na sila

Julie Anne San Jose, nag-sorry kay Barbie Forteza dahil napahawak siya sa “pandesal” ni Jak Roberto

This is Showbiz #43: Barbie Forteza, graduate na sa “teen” roles; si Jak Roberto na ang the one

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.