Barbie Forteza, engagement ring na may “ga-pisong” bato ang hiling sa boyfriend na si Jak Roberto; Jak, may anim na taon pa para mag-ipon

SCREENSHOT: Jak Roberto on YouTube

SCREENSHOT: Jak Roberto on YouTube

Matapos magpakilig ng kanilang mga fans by exchanging sweet photos sa social media noong 3rd anniversary nila as couple last May 19; muling naghatid ng aliw at kilig ang Team #JakBie ng real-life couple na sina Jak Roberto at Barbie Forteza through their latest vlog entry sa YouTube.

Sa in-upload na vlog entry ni Jak sa kanyang YouTube channel last May 27, nagkumustahan sila ni Barbie matapos hindi makapag-celebrate ng kanilang anniversary in person due to the community quarantine. 

Nasa plano daw pala nila ang magkita last May 19 kung isinailalim sa GCQ (General Community Quarantine) ang Quezon City pero hindi iyon nangyari.

At dahil kahit online date/kulitan lang ang nagganap, nakuha pa ni Barbie ang mag-make up. Pinuna daw kasi ng bf n'yang si Jak lang hindi niya pag-aayos noong time na nagluto sila together for a vlog.

Patay-malisya naman ang GMA actor na nag-joke at sinabing: "Sino may sabi? Ipa-Tulfo natin."

Bilang ganti, biniro naman ng Kapuso Primetime Princess na mukha diumanong “hiyang” sa quarantine life.

"Yong lumiit lang ‘yong aparador mo sa likod," pang-aalaska ng aktres sa nobyo na ang ibig ipakahulugan ay tumataba ang aktor.

Hindi rin n'ya pinalagpas ang makapal na buhok ni Jak dahil hindi nga makapagpagupit dahil sa lockdown.

At para makapag-bonding kahit "LDR" o "Long Distance Relationship" ang peg nila, naglaro ang KaraMia lead stars ng "Who's More Likely To" o "Couples Question Challenge."

Si Barbie ang nagbigay ng questions at pareho nilang sinagot kung sino sa kanilang dalawa ang tinutukoy sa tanong. 

In the course of their online kulitan at asaran, naitanong ni Barbie kung sino sa kanila ni Jak ang unang nag-mention ng marriage. And it turned out na napapag-usapan na pala nila ang kasal at pagse-settle down.

Nagkaturuan at nagka-tanggihan muna ang dalawa kung sino nga ba sa kanila ang unang nag-bring up noon ng marriage topic.

"Bakit ako?" tanong ni Barbie sa kasintahan. "Ikaw! Sino’ng unang nagbanggit ng ‘Jebson?’ ‘Di ba ikaw?"

Natawa na lamang si Jak sa tinuran ng nobya at humiling kay Barbie na ikwento ang tungkol kay Jebson para malaman ng mga manonood. 

At kahit natatawa, tila tinablan nang hiya at nagdalawang-isip si Barbie.

"Kwento mo si Jebson. Dali!" muling sabi ni Jak. 

Tugon naman ni Barbie, "Ikaw magkwento. Sa'yo galing 'yan e." 

"Ikaw nagbanggit [ngayon] e," sagot naman ni Jak sa girlfriend n'ya. "Bakit Jebson?"

Bago pa man makapagpaliwanag si Barbie, parehong napabungisngis ang dalawa. 

Hanggang si Jak na ang nag-umpisa mag-explain.

"Ang nickname? Jebs," sabi ni Jak na natatawa.

Ang jebs kasi ay Filipino urban slang para sa dumi or poop.

"'Yon ang magiging pangalan ng mga anak [natin], 'di ba sabi mo 'yon?" balik ni Barbie sa aktor.

"Mga... ang dami naman," komento ni Jak sa sinabi ng Kapuso actress.

Paliwanag ni Barbie: “Hindi. [Meron magiging] the second, the third, the fourth, 'di ba?"

Umamin si Jak na ideya nga n'ya ang pagpapangalan ng Jebson sa kanilang anak in the future.

Kontra naman ng aktor sa nobya: "Pero s'ya. S'ya ang [unang] nagbanggit [ng tungkol sa marriage]. Sabi n'ya kapag 28 na s'ya."

Nagkabukingan na rin lang, si Barbie na ang nag-reveal na may hinihiling pala s'ya kay Jak tungkol sa mga bagay na ito.

"Lagi ako nagpo-forward sa kanya ng mga post sa Instagram ng mga engagement ring na malalaki 'yong bato."

Dagdag pa ni Jak, "Yong mga ga-piso [ang laki].”

At dahil 22 years old pa lang si Barbie, may 6 years pa si Jak para paghandaan  ang hiling na engagement ring ni Barbie.

Narito ang first part ng YouTube vlog entry ni Jak Roberto uploaded last May 27:

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Jak Roberto, pinaiyak ang kasintahang si Barbie Forteza?

Pika's Pick: Jak Roberto gets his gold play plaque from YouTube for hitting 1M subscribers

Barbie Forteza finally claims 'Kapuso Primetime Princess' title as she celebrates 10 years with GMA-7

Barbie Forteza, inokray si Ruru Madrid sa vlog ni Jak Roberto; Ruru, sumagot

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.