Barbie Forteza, inaming approved na sa pamilya niya sakaling magpakasal sila ni Jak Roberto; "Ipon na lang [ang kulang]."

Barbie Forteza to Jak Roberto: “You’re part of the family already. Thank you.”

PHOTOS: @jakroberto on Instagram

Barbie Forteza to Jak Roberto: “You’re part of the family already. Thank you.”

Simpleng panlalaglag ang ginawa kay Barbie Forteza ng boyfriend niyang si Jak Roberto.

Nangyari ito sa advanced birthday celebration ng aktres sa All-Out Sundays nitong July 17 kung saan may surprise video message sa kanya ang nobyong aktor.

Pagbibida ni Jak sa video, mababaw lang daw ang kasiyahan ni Barbie at iyon ay through food. Iyon nga lang, may catch daw kapag nali-late ng dating sa bahay nito ang pagkain.  

Alam niyo guys ’yang si Barbie, madali lang naman ‘yan pasayahin e. Kailangan lang makarating agad sa kaniya ang delivery ng pagkain,” pagbabahagi niya. 

Kasi kung hindi, ako na kakagatin niyan. ‘Di ba, Madam?" natatawang panlalaglag ni Jak na kinakiligan ng mga kasamahan ni Barbie sa studio that time. 

Naiintrigang tanong tuloy ni Julie Anne San Jose sa kanya, “May kagatan? Ano ’yon? Mare ha.

Napilitan tuloy magpaliwanag si Barbie. 
 
Ayon na nga. Nagulat naman ako, may pa-ganu’n pala s’ya. Well, sa totoo lang, hindi naman ako na-offend. Na-excite ako du’n sa kagat part. Huh! Hahaha!" pilyang sabi niya. 

Hirit na tanong pa ni Gabbi Garcia, “Pero Barbs, totoo ba kakagatin mo talaga s’ya [si Jak]?" 

Hindi, hindi...kasi mas gusto ko talaga dumarating ’yong delivery ng pagkain. Hahaha!” palusot naman ni Barbie. 

Mas naging intense naman ang tanong ni Christian Bautista sa kanya. 

“What would it take para si Jak ay maka-graduate na sa pagiging boyfriend at maging fiancé material?” tanong ng Asia's Romantic Balladeer sabay pakita ng kanyang wedding ring na tila nang-iinggit. 

Nagpaka-praktikal naman si Barbie sa naging tugon niya.

“I think dapat may ipon. Hahaha! ’Yon lang. Bukod dun, wala na. Perfect na lahat. Approved na. ’Yon na lang, ipon na lang,” pagmamalaking sabi niya. 

At bago matapos ang birthday celebration segment niya, pinasalamatan niya si Jak at sinabing pamilya na ang turing dito ng family niya. 

“To my family, thank you. To Jak, you’re part of the family already. Thank you,” kinikilig na pagtatapos ni Barbie.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

FB page na nagpakalat na hiwalay na sila ni Jak Roberto, ipinare-report ni Barbie Forteza

This is Showbiz #43: Barbie Forteza, graduate na sa “teen” roles; si Jak Roberto na ang the one

Jak Roberto, nagtataka kung bakit hindi marunong magselos ang girlfriend na si Barbie Forteza

Pika's Pick: Barbie Forteza tells boyfriend Jak Roberto he’s the man she “never expected” but one she’s “always needed” as tribute for their 5th anniversary as couple

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.