Barbie Imperial, madalas daw mag-breakdown sa lock-in taping

PHOTO: @msbarbieimperial on Instagram

PHOTO: @msbarbieimperial on Instagram

Bagama't na-experience na ng aktres na si Barbie Imperial ang ma-lock-in ng ilang araw, lalo na nang maging housemate s'ya sa Pinoy Big Brother [PBB]: 737, aminadong nahirapan daw s'ya sa lock-in taping experiences niya sa bago n'yang teleserye na Bagong Umaga

Nasanay daw kasi ang 22-year-old actress sa old normal kung saan nakikita at nakakasama n'ya ang kanyang pamilya kahit nagti-taping, ayon sa k'wento n'ya kahapon, October 15, sa online media conference ng Bagong Umaga

"Mahirap po talaga," pagbabahagi ng ABS-CBN star sa online press con via Zoom. "Sobrang hirap po lalo po kapag sanay ka po na kasama mo palagi 'yong pamilya mo. Ako po, doon ako inaatake... 'Yong first week ko dito na hindi ko kasama 'yong kuya ko. Pero 'yong mama ko po kasama ko dito."

Pag-amin pa ni Barbie, umaabot daw sa point na nagbi-breakdown s'ya dahil nami-miss n'ya ang kanyang kapatid. Three weeks kasi ang duration ng kanilang lock-in taping. Mabuti na lamang daw at understanding ang mga kasama n'ya sa set. 

"Pero 'yong maganda naman po dito sa amin sa Bagong Umaga, kapag may gusto ka pong makausap... Like ako po. Sobrang nagbi-breakdown na po ako dahil sobrang miss na miss ko na si kuya, miss na miss ko na 'yong bahay namin, at napapagod din po ako... Pero dito kasi para kaming pamilya talaga," lahad n'ya. 

"Katulad ko po, kapag hindi ko na talaga kaya, lumalapit po ako sa prod, kay Direk Carlo [Po-Artillaga]. Sinasabi ko sa kanya, 'Direk, ito 'yong nararamdaman ko. Napapagod ako.' Ganyan, ganyan. 

"And importante po na nalalabas mo kung ano 'yong nararamdaman mo para hindi naiipon," sey pa ni Barbie. "Kasi, imagine po, everyday gigising kami, nasa hotel room kami, nakatingin lang po kami sa labas ng bintana habang 'yong ibang tao nasa labas and kami nandito po kami sa loob."

Gayunman, malaki daw ang pasasalamat n'ya na napasama s'ya sa cast at may trabaho s'ya ngayon dahil nga breadwinner s'ya ng kanilang pamilya. 

"Sobrang thankful and grateful po kami," pahayag ng aktres. "S'yempre hindi naman lahat ng artista ngayon may trabaho. And 'yon po 'yong pinaka-importante, magkaroon po ako ng trabaho. 

"Katulad ko po, breadwinner ako, so game lang po nang game. Konting tiis lang po talaga. And swerte po namin kasi 'yong mga staff, 'yong sa prod, mga directors, lahat po dito pamilya po talaga 'yong turing sa'min."

Game pa rin daw ang aktres kung sakali mabigyan s'ya muli ng project kahit naka-lock-in pa ito. 

"Kung magkakaroon man ako ng isa pang locked-in [project], why not po, 'di ba? S'yempre ginagawa ko naman po 'to para sa family ko so laban lang nang laban," pagtatapos ni Barbie. 

Kasama rin ni Barbie sa lead cast ng Bagong Umaga ang iba pang PBB housemate-turned-actors na sina Heaven Peralejo at Yves Flores, at ibang Kapamilya stars na sina Michelle Vito, Kiko Estrada at Tony Labrusca. 

 Bagong Umaga will start airing on October 26, 2:30 PM at the A2Z channel and other Kapamilya digital platforms.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: LOOK: Barbie Imperial moves into her new home!

HIGHLIGHTS: Barbie Imperial turns 21!

Barbie, binlock na si JM sa telepono niya and more revelations!

Barbie Imperial’s hike to Mt. Batolusong lead to self-discovery

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.