Barbie Imperial, pabirong tinanong si Boss Vic del Rosario kung bakit laging binibigyan ng love scenes si Diego Loyzaga sa mga pelikula nito

Wala pa raw malalim na pinag-aawayan ang magkasintahang Diego Loyzaga at Barbie Imperial na p’wedeng ikumpara sa confrontation scene nila sa pelikula nilang Dulo. Mabababaw lang daw ang LQ (lovers’ quarrel) nila gaya ng di pag-a-update, babad sa phone, at pagpatol sa pang-aasar ng isa.

Photos: Vivamax / @diegoloyzaga

Wala pa raw malalim na pinag-aawayan ang magkasintahang Diego Loyzaga at Barbie Imperial na p’wedeng ikumpara sa confrontation scene nila sa pelikula nilang Dulo. Mabababaw lang daw ang LQ (lovers’ quarrel) nila gaya ng di pag-a-update, babad sa phone, at pagpatol sa pang-aasar ng isa.

Halos langgamin sa sobrang ka-sweet-an ng mag-dyowang sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga sa ginanap na virtual mediacon ng unang pelikulang pinagtambalan nila, ang Dulo, na idinirek ni Fifth Solomon.

Pero according kay Barbie kahit na magkarelasyon ang sila ay aminado siyang nahirapan siya sa mga intimate scenes nila ni Diego sa pelikula. First time niya kasing magka-all-out love scene sa isang project. ’Yong mga nauna naman ay suggestive lang kung tuuusin.

Dahil doon ay natanong ang magkasintahan na kapag gumawa sila ng mga ganito katinding eksena sa mga projects na hindi sila ang magka-partner ay okay lang ba sa kanila o kailangang may approval ng isa’t isa.

“Siguro hindi naman po ’yung paalam na papayagan o hindi kasi knowing Diego naintindihan naman niya,” lahad ni Barbie. “Lahat naman naiintindihan niya at siguro sasabihin ko sa kanya na, ‘Baby, may ganito o ganyan.’

“Tatanungin ko rin po siya kung kumportable siya kasi ‘yun po ’yung ang ginagawa niya sa akin kapag...”  pinutol siya ni Diego sabay yakap sa kanya na ikinatawa niya.

“Ako, ako po dapat ang tanungin,” pag-ako ni Diego.

Pero nagpatuloy si Barbie.

“Kasi may mga bed scenes po siya—ang dami…Boss Vic ba’t gano’n? Hahaha!” nagpapatawang panawagan pa niya sa Boss ni Diego na si Boss Vic del Rosario.

“Pero okay lang naman po,” pagpapatuloy ni Barbie. “Okay lang po trabaho lang naman. Saka loyal naman si Diego. Subukan niya lang po. Hahaha!,” sabay halik niya sa noo ng nobyo.

Tawa naman nang tawa ang aktor sa tila pagbabanta sa kanya ng nobya.

Tila nasa honeymoon stage pa ang relasyong DiegsBie (uniname na tawag sa kanila ng kanilang mga fans). Kaya ang tanong ng ilan ay kung ano naman ang ayaw nila sa ugali ng isa’t isa, kung meron man.

“’Yung pinaka-naiinis ako kay Diego? Ano, siguro ’yung…tamad kasi siyang mag-update,” pambubuking ni Barbie. “’Yun ’yung ayaw ko. Pero alam ko rin naman...kunwari basketball, nag-gym ganyan, tamad talaga siyang mag-update kahit sabihin ko na, ‘Mag-update ka para alam ko lang.’ Hahaha!

“Minsan hindi pa rin. Pero okay lang naman kasi alam ko naman ’yung gagawin niya na mag-work out lang siya, magi-gym ganyan.

“Pinakagusto ko naman sa kanya ’yung nag-e-effort siya na siya talaga ang may gusto,” bawi naman niya sa nobyo.

Panay naman ang yakap ni Diego sa dalaga habang nagsasalita ito.

When it was his turn, niyakap muna ulit ni Diego nang mahigpit si Barbie bago nagsalita.

“Since hindi naman ganu’n kalalim ang binulgar ni Barbie tungkol sa akin ako rin…Pet peeve ko talaga sa tao—lalo na sa kanya kasi parati kaming magkasama—she’s always on the phone!

“Siya rin!” giit ng aktres.

“Ako naman check ko lang crypto [app] really fast, I check crypto sobrang bilis. Then I put it down,” depensa ni Diego.  “When I put it down, I looked at her nagpo-phone pa rin, so, magpo-phone ulit ako.

“Tapos sa pangalawang beses magsasabi na ako, ‘Babe, puro phone na lang...’ ‘Hala, ikaw rin naman nagpo-phone, ah.’ Nagpo-phone ako kasi ikaw din nagpo-phone ka.’ ’Yun ang never ending naming debate.”

Sumang-ayon naman ang dalaga.

“Actually, oo inaamin ko naman. Okay na? Hahaha!” sabay tingin patagilid sa binata.

Bawi naman ng aktor sa nobya: “Feeling ko maraming hindi nakakaalam pero baby itong si Barbie, baby ito.

“Baby ito, isang malaking baby damulag ’to.  Actually gusto ko naman ’yun sa kanya.  Gusto ko na bine-baby ko siya,” paglalarawan ng binata.

“Okay... alam n’yo po ba si Diego...” akmang gaganti ni Barbie sa pambubuking ni Diego pero pinigilan siya nito.

“Nagba-baby talk po siya,” patuloy ni Barbie na di nagpa-awat.

“Okay na?” seryosong tanong ng aktor sa makulit na girlfriend.

Ano naman advantages at disadvantages na magka-trabaho sila na kaparehas ang roles sa tunay na buhay nila?

“Advantage?  I think isa sa mga advantages ’yung emotion mas mabilis ma-trigger.  Parang mas mabilis lumabas ’yung emosyon kasi ini-imagine ko na kami ni Diego ’yun [characters],” seryosong sagot ng aktres.

“Ako parang with everything that I can say, double edged sword siya in the sense na it’s a blessing and a curse kasi dahil sa kanya kaya kong maging mas vulnerable,” esplika naman ni Diego.

“Kaya kong ipakita ’yung totoo, ’yung paano talaga kami, kung ano talaga si Diego at Barbie.

“But at the same time, if mabigat naman ’yung eksena tapos ’yung magiging totoo after ng take, may konting kirot naman,” pag-amin ng binata.

“I felt like ’yung mga heavy scenes namin, ilang days ’yun... siguro ganu’n karaming araw na sunud-sunod din kaming magka-away na totoo.

“’Yun ’yung talagang nag-transcend na sa totoong buhay.  Nag-aaway na kami na parang wait lang, wait lang.”

“Mabigat na,” dugtong ni Barbie. “Tapos lock-in pa, na dati hindi naman everyday ganyan.  Dati may pahinga ka. So, nakaka-apekto rin ang lock in. ’Yun ang disadvantages.”

Ang Dulo ay mapapanood na on December 10, sa Vivamax Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East and Europe.

Vivamax will also be available in USA and Canada starting November 19.

For local subscriptions, you can subscribe using the VIVAMAX app and for P149, you can watch-all-you-can for 1 month, and you can pay using your Debit or Credit card, GCash, or PayPal account that’s linked on your Google, Apple and Huawei App Gallery account.

You can also subscribe online at www.vivamax.net, select a plan and you can pay through PayMaya, Debit or Credit card, GCash, GrabPay or at any ECPAY partner outlets near you.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.