Barbie, naudlot ang pagbili ng bahay dahil sa lindol

(Right Photo): Barbie, with the Mayon volcano in the background, during her recent visit to her hometown in Albay.

PHOTOS: @msbarbieimperial on IG

(Right Photo): Barbie, with the Mayon volcano in the background, during her recent visit to her hometown in Albay.

Taong 2015 nang mapabilang si Barbie Imperial sa mga housemates ng reality show na Pinoy Big Brothers—ang Pinoy Big Brother: 737kung saan binansagan siyang “Doll along the Riles of Albay.” Mukha kasing manika ang then-17-year-old lass na noon ay naninirahan sa tabing-riles ng Philippine National Railway sa Albay kasama ang ina at ang Kuya niya. 

Pero imbes na tanghaling grand winner ng PBB sa season na ’yon, siya ang naging kauna-unahang evictee ng show. 

Barbie then took the usual routes na tinatahak ng mga wanna-be artistas—nagkasya sa mga guesting sa iba’t ibang shows ng ABS-CBN gaya ng Maalaala Mo Kaya? at Wansapanataym. At naging sandaling member din siya ng all-girl dance group na GirlTrends na resident dancers ng It's Showtime.

Fast-forward to 2018 nang mabigyan siya ng biggest break niya: ang maging bida sa Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi opposite the comebacking JM de Guzman.  

Dahil nag-hit ang show umabot ito ng anim na buwan sa ere. Dahilan para kahit papaano ay maka-ipon ang mestisang Bicolana.

And just recently, kinonsider na ni Barbie na bumili ng bahay para hindi na sila nagre-rentang mag-ina.

May sinilip na raw siyang bahay sa isang village. Pagka-bisita niya doon ay saka naman naganap ang 6.1 magnitude earthquake na umuga sa Central Luzon last April 22. Napag-alaman tuloy ni Barbie na ang binisita niyang bahay ay malapit sa West Valley faultline. Buti nalang daw at hindi natuloy ang bentahan.

“Natakot ako,” natatawang recall ni Barbie nang makatiskahan sandali ng pikapika sa 40th birthday party ng kaibigan niyang Ara Mina kamakailan.

Ayaw nang pangalanan ni Barbie ang village kung saan sana siya bibili ng bahay at baka raw mawindang ang mga taga-roon.

Napagsabihan daw tuloy siya ng tatay niya—na estranged sa kanya noon pero close na daw ulit sila ngayon—na wag masyadong magmadali.

“’Yong tatay ko kasi—close ko na siya ngayon—so, no’ng bibili ako, sabi niya, wag daw akong nagmamadali…sabi ko, ‘sayang ang renta, e, do’n ko na ilalagay sa bahay.’ Sabi niya, ‘Wag kang nagmamadali kasi forever na yan.’

“So, ako naman, lumindol tapos ’yong place daw lindulin so, sabi ko, ‘Uy, buti nalang.’”

Pero kahit wala pang sariling bahay, excited si Barbie sa future house niya dahil ide-design daw ito ng tatay niyang engineer pala.

“’Yong dad ko, engineer, e, sabi ko, ‘Papa kaya mo pa ba?’  Medyo matanda na kasi. Sabi niya, papagawan niya daw ako …hindi ng bahay, ha…ng parang sketch lang. So, parang na-excite ako sa thought na, ‘Uy, tatay ko…parang isa siya sa ano, magtutuloy sa pangarap kong bahay.’”

Naisip na rin daw niyang wag ngang magmadali. Pero malamang daw na unahin niyang ipundar ang bahay para sa nanay niya at saka na ang para sa sarili niya. Kung sakali, gusto niya na anuman ang mauna ay sa Quezon City ito maitayo.

“If ever na bumili ako, ’yong bahay na hindi muna sa akin, kay mama muna.”

Dahil sa mga balak niyang ito, tinukso tuloy namin siya na tila may kalakihan ang naipon na niya.

“Hindi pa naman ganoon,” natatawang-nahihiyang sagot ni Barbie. “Saka hindi ako maluhong tao…Siguro ’yong mga bags na meron ako, may nagbibigay—online shops, gano’n or mga tita ko [me ari], so kung bibili ako, may discount s’yempre. So, nakakaipon talaga ako.”

Hindi raw siya magastos na tao. May bank account daw siya para sa ipon at naglalagay lang siya ng certain amount sa isa pang account para pang-gastos buwan-buwan.

“Tapos titipirin ko na ’yon,” proud na say ni Barbie. “Pero hindi naman to the point na ipon na ipon to the point na tinipid ko na ’yong sarli ko.”

Pinipilit lang daw niyang itama ang paghawak sa pinaghihirapang pera dahil sa “S’yempre galing na tayo sa hirap, e. Kumbaga, ayoko nang bumalik.”

Bravo, Barbie!

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.