Barbie, saludo sa tapang ni Mika

“Siya lang kasi sobrang tapang niya so nagawa niya,” kwento ni Barbie tungkol kay Mika.  “Ako hindi ko… Iyak talaga ako nang iyak. Ang tapang niya talaga sa bagay na ’yon. Hindi ko kaya.”

PHOTOS: screengrab from GMA-7’s Kara Mia

“Siya lang kasi sobrang tapang niya so nagawa niya,” kwento ni Barbie tungkol kay Mika. “Ako hindi ko… Iyak talaga ako nang iyak. Ang tapang niya talaga sa bagay na ’yon. Hindi ko kaya.”

May fear of heights daw si Barbie Forteza—na siyang gumaganap na Kara sa pinag-uusapan ngayong teleserye ng GMA-7 na Kara Mia na tungkol sa isang kambal na dalawa ang ulo sa iisang katawan—kaya tunay daw ang naging iyak niya sa eksena kung saan kailangan silang ibitin sa isang overpass structure.

Isa ang eksenang ito—kung saan ipinakitang nag-aaway nang matindi ang kambal at nagka-pisikalan hanggang sa malaglag na sila sa tulay—sa mga ipinapanood sa mga entertainment writers during the show’s press conference noong February 12 at agad rin itong ipinalabas sa TV noong nag-pilot ang show, February 18.

Ayon kay Barbie, kung tutuusin ay mas nakakatakot ang eksena na yon para kay Mika dela Cruz, na siyang gumaganap sa bida-konttrabida role na Mia.

Sa isang overpass daw along Quezon Avenue kinuhanan ang eksena na isang buong araw daw kinunan dahil sa busisi pero tumagal lamang ng dalawang ​​​​minuto sa TV.

 

Siya raw kasi ay naka-tapak pa sa scaffolding noong sinu-shoot ang mga shots niya, pero si Mika daw ay naka-harap mismo sa kalsada at kita nito ang mga dumadaang sasakyan mula sa itaas ng bridge. At pumayag din daw na magpa-lambitin talaga si Mika kaya naman bilib na bilib si Barbie sa lakas ng loob ng co-star niya. 

“Siya lang kasi sobrang tapang niya so nagawa niya,” pagre-recall ni Barbie. “Ako hindi ko… Iyak talaga ako nang iyak. Ang tapang niya talaga sa bagay na ’yon. Hindi ko kaya.”

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.