Barkadahang Paolo Contis, Jerald Napoles, Pepe Herrera at Jelson Bay, Na-Holdap!

The best “holdupper-wannabes”: (L-R) Pepe Herrera, Jelson Bay,  Jerald Napoles, and Paolo Contis.

PHOTOS: courtesy of Mavx Productions

The best “holdupper-wannabes”: (L-R) Pepe Herrera, Jelson Bay, Jerald Napoles, and Paolo Contis.

As of presstime ay nabigyan na ng R-16 rating ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) at nagawaran ng Grade B ng CEB (Cinema Evaluation Board) ang pelikulang Ang Pangarap Kong Holdap ng bagong produksyon na Mavx Productions.

 

(R-16 or Restricted 16 means that “only viewers who are 16 years old and above can be admitted” sa mga sinehan; habang ang Graded B ay nangangahuluan na ang holdaper movie na ito nila Poalo Contis gets a 65% amusement tax rebate.)

 

Inaasahang makakatulong ang mga ito sa apila ng Mavx Productions na madagdagan pa ng sinehang mapagpapalabasan ng comedy film nilang ito. Noong Sabado kasi, November 24, matapos ang successful premiere screening ng pelikula sa Cine Adarna ng UP Film Institute sa Diliman, Quezon City ay agad na kumalat ang balitang maraming theater owners ang umaalma sa title ng pelikula.

 

Tungkol kasi sa apat na petty thieves ang pelikula na nagsanib-puwersa hindi lang para mang-holdup kung hindi para tuparin ang pangarap na maging best “in their field” kahit pa lahat ng diskarte nila ay palpak.

 

Ayon diumano sa mga theater owners, the movie “‘is sending bad connotation to the public because of its title.’”

 

Narito ang excerpt sa pahayag ng Mavx Prouductions tungkol sa isyu na nai-post nila sa kanilang Facebook page noong Sabado:

 

"Today is a sad day for us. Ang Pangarap Kong Holdap cannot get cinema slots. According to them, the movie is sending a bad connotation to the public because of its title (when the only intention is to entertain the audience and give a good laugh for less than two hours). This is our own way of making it lite for the Filipino people. The movie is more than its title. We think what you're doing is the REAL HOLDAP."

 

Agad na ni-repost ni Paolo Contis, isa sa mga bida ng pelikula, ang sentimyento ng Mavx Productions, which became his own:

 

Paolo’s post read:Isang malungkot na araw! ‘Ang Pangarap kong Holdap’ cannot get cinema slots. According to them, the movie is sending a bad connotation to the public because of its title (when our only intention is to entertain our audience and give a good laugh for less than 2 hours). This is our own way of making it light for the Filipino people.

We think what you're doing is the REAL HOLDAP.”

#SupportFilipinoFilms #SarilingAtin
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis) on

 

 

Kahapon naman, Lunes (November 26), ang theater-turned-mainstream actor na si Jerald Napoles naman ang nag-repost ng update ng Mavx kung saan ipinangalandakan na Graded B nga at R-16 ang rating ng pelikulang kinabibilangan niya. Nagpasalamat din si Jerald sa mga sumusuporta sa kanila sa laban nilang ito.

 

Dagdag pa ni Je: “We won't go down without a fight! The MAVX Production Team is doing the best it can to bring the movie to more cinemas that are 'open-minded' enough to listen. We will give a list of confirmed cinemas soon.”

 

Here’s an excerpt from Jerald’s IG posts: “Cinema Evaluation Board rated “Ang Pangarap Kong Holdap” sa GRADED B and got R16 from MTRCB. I hope this is enough proof that this movie is more than its title. We humbly ask the theatre owners to give us a chance to show this to our fellow Filipinos.”

#AngPangrapKongHoldap #APKH

#WeWantHoldapOnNov28

#SupoortFilipinoFilms

#SarilingAtin
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jerald Napoles (@iamjnapoles) on

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jerald Napoles (@iamjnapoles) on

 

 

Linggo naman nag-post sa IG ng pahayag si Pepe Herrera na gaya ni Jerald ay isa ring theater actor na nakapag-cross over sa mainsteam showbiz. May halong lambing at pakiusap ang tono ng pahayag ni Pepe.

Ayon kay Pepe: “By this time, you might have heard of our struggle to get cinema slots. They say the movie is sending a bad connotation to the public. I understand the concern. Sort of. But times are changing. The audience is evolving. Mas matalino at mas mapanuri. If a content is dedicated purely to entertain, I believe the audience will feel it. At yun lang naman ang pakay namin. Ang magpatawa at ibahagi yung mga patawa na nakakapagpatawa sa amin. Kaya pakiusap, cinema owners, let us entertain the people. I assure you, the crime rate in the Philippines will not rise because of our Film. Baka nga bumaba pa. hehe. Kasi pangontra naman sa kahit anong masama ang pagtawa. Kaya sige na. Papasukin niyo na kami sa mga sinehan niyo. Pag ginawa niyo yun, panalo lahat tayo.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Pepe Herrera (@pepe.herrera) on

 

Bukas na, November 28, ang showing ng Ang Pangarap Kong Holdap, at babangga ito sa higanteng pelikula ng Star Cinema, ang Sharon Cuneta-Richard Gomez starrer na Three Words to Forever. As of press time ay napagbigyan lamang ng 31 sinehan ang pelikula ng bagitong Mavx Productions.

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.