Baron Geisler at misis na si Jamie Evangelista, “magpapatulong sa Science” para makabuo ng anak na lalaki

PHOTOS: @baron.geisler on Instagram

PHOTOS: @baron.geisler on Instagram

Magpapatulong daw sa Science si Baron Geisler at asawa n’yang si Jamie Evangelista para makabuo sila ng anak na lalaki. 

Ibinahagi ito ng aktor during his solo press conference na inihanda para sa kanya ng kanyang new management, Viva Artist Agency, recently. 

Doon, sinabi ng versatile actor na plano nilang sundan pa ang kanilang baby daughter in the near future at gusto nila ay lalaki ’yon.

“Yes. Pag-umusbong ’yong Bungo Clothing Company ko and ’yong iba ko pang business sa Cebu… bago mag-forty sana, gagawa kami ni Jamie ng lalaki—batang lalaki,” lahad ni Baron.

(Ang Bungo Clothing Line ay ang apparel line na binuo ni Baron along with his friends in Cebu na malapit na niyang ilungsad. Inspired ito ng kanyang character noon sa FPJ’s Ang Probinsyano.)

At para makatiyak daw na baby boy nga ang susunod nilang magiging anak ay sasangguni daw silang mag-asawa sa Siyensya. 

Papatulong kami sa Siyensya, [sa] Science ba? Para for sure, lalaki [ang] lumabas,” dagdag pa ng 38-year-old actor-entrepreneur.

Matatandaan na noong November 2019 ay nagpahayag ng excitement si Baron sa pagbubuntis ng kanyang misis na si Jamie Evangelista sa kanilang unang anak. 

Five months pregnant na noon si Jamie kaya after few months ay isinilang n’ya si Baby Talitha Cumi sa Cebu noong January 20, 2020.

Maliban kay baby girl nila ni Jamie ay may dalawa pang anak na babae si Baron sa magka-ibang nakarelasyon noon kaya no wonder na gusto n’yang magkaroon ng baby boy kung sakali. 

Samantala, mapapanood si Baron sa Viva-produced show na Kagat ng Dilim sa TV5 soon. Malapit na ding ipalabas ang movie n’yang Tililing at nakatakda din siyang magkaroon ng isang teleserye. 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Baron Geisler, ginalingan mag-artista matapos mabato ng script sa mukha ng isang direktor noong araw

Baron Geisler, pangarap daw magka-recording album at gustong magpa-acting workshop para sa mga aspiring actors

Baron Geisler to begin training to become Philippine Navy reservist

 

FOLLOW US ONLINE: 
Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: https://twitter.com/pikapikaph
Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/
YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz
and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber
 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.