Baron Geisler, tinamaan ng depression sa lock-in shoot ng Di Na Muli; Lander Vera-Perez, umalalay

Inatake raw ng depression si Baron sa lock-in set ng Di Na Muli at si Lander Vera-Perez (top photo, left) umano ang nagtiyagang libangin siya.  “Lander was very generous in his time. He showed kindness to everyone. He’s always smiling and he had this outlook in life na: feel good, do good, look good.”

Photos: @baron.geisler / Viva TV

Inatake raw ng depression si Baron sa lock-in set ng Di Na Muli at si Lander Vera-Perez (top photo, left) umano ang nagtiyagang libangin siya. “Lander was very generous in his time. He showed kindness to everyone. He’s always smiling and he had this outlook in life na: feel good, do good, look good.”

Walang pagsidlan ng papuri at pasasalamat si Baron Geisler para sa Di Na Muli co-actor niyang si Lander Vera-Perez.

Ito raw kasi ang umalalay at nag-cheer up sa kanya nang dapuan siya ng depression habang naka-lock in sila sa set ng nasabing teleserye sa Subic.

“Nagkaroon kasi ako ng depression itong lock down sa Di Na Muli,” pagtatapat sa amin ni Baron nang maka-one-one-one namin siya kamakailan.

“Buti na lang siya naging roommate ko sa hotel and you know he just acted like a brother and ang tingin niya sa akin little brother. So, nandoon ako tatlong araw yata akong hindi masyadong nagsasalita...” 

Aniya, si Lander daw ang masigasig na mag-anyaya sa kanyang mag-workout at makipag-bonding para mabaling sa iba ang depression niya.

“Pinilit niya akong mag work-out nu’ng time na ’yon,” patuloy ni Baron. “Depressed ako. So, napansin niya. So, sabi niya, ‘Tara, mag-basketball tayo.’ K’wentuhan lang. Dinaan lang niya sa k’wento... ’yong magandang k’wento. Puro positive vibes hanggang sa nakuha ko ’yong positive vibes.”

Dahil daw do’n ay naging “lodi” niya si Lander dahil napaka-positibong tao raw pala nito. First time niya kasing naka-trabaho ang aktor.

Maging si Marco Gallo, na ka-trianggulo ng nga bida ng teleserye na sina Marco Gumabao at Julia Barretto, ay na-appreciate din daw niya ang pagiging “bugoy.”

“Si Marco Gallo, isa yan sa mga mahal ko rin sa Di Na Muli dahil isa rin yan na bugoy na pumapasok bigla [sa k’warto namin]...siya gumigising sa amin, tapos kakain kami nang sabay-sabay ng breakfast or dinner.

“Pero bago kami mag-breakfast, magba-basketball muna kami. May mga videos naman kami d’yan [sa Instagram]. Magkakasama kami sa k’warto bigla na lang yan papasok. Makikigulo lang. 

“We also have bonding moments in between kasi may mga araw na pahinga na, rest day. Sa rest day na ’yon, we follow the rules kasi sobrang higpit nga basta Viva prod. Kaya wala kayong maririnig na may na-Covid dahil sobrang strict. So, minsan nagpapaalam talaga kami sa marshal. ‘Can we at least have coffee together?’ Or just bond together or work out together? And awa ng Diyos, pinagbigyan kami.”

When asked kung bakit siya na-depress sa set, na-sepanx [separation anxiety] daw kasi siya sa misis niya.

“Parang ganu’n,” pag-amin pa rin niya. “Ta’s nanibago ako sa structure ng new normal natin. One month ’yon, e. One month kami nag-shoot. Nu’ng first seven days namin sa isang hotel, buti pinagbigyan ako ng Viva na isama ko wife ko for the seven days [quarantine]. And after that seven days, we have another few days to wait for the PCR sa Subic. And ’yong few days na ’yon, ayon na.”

At kakaaya nga raw sa kanya ni Lander mag-workout at maki-bonding, na-overcome niya naman ang depression.

“Lander was very generous in his time,”  muling papuri niya sa co-actor. “He showed kindness to everyone. He’s always smiling and he had this outlook in life na: feel good, do good, look good.

“Even if I was spiritual already nu’ng time na ’yon siguro what I lacked was... I had that false humility,” pag-a-analyze niya. “Na I’m nice, I’m like this but I have so many character defects pala that need to be fixed.

“And in times of... you know, this pandemic or kahit nasa bubble ka, sa taping, just a simple act of kindness, a simple gesture or nice word or to put it simple just be compassionate and mindful sa surroundings mo and the energy will just...it’s so magnetic, the positive energy.

“From Lander’s point of view, his energy, pinasa niya sa akin and naipasa ko sa iba. Hanggang sa nabuksan ’yong puso ko, na na-enjoy ko ’yong buong proseso ng shoot. And it became a lot easier for me to work.”

Ang isa raw sa natutunan niya sa loob ng lock in and during the pandemic na rin is to stop worrying.

“I stopped worrying ’coz worrying is like sitting in a rocking chair going back in forth but you’re not going anywhere. You’re moving, yes; but you’re not going anywhere.

“So, I think what we did then when I was worrying, Lander shared his hand, his helping hand. ‘Hey, Baron, you know what, let’s play basketball, do something positive.’ Naging routine na namin yan for three weeks and I lost a couple of pounds din. Seven pounds yata.”

At dahil nga lock-in, kaya mas nakilala pa raw siya ang mga co-actor niya. Iyon daw pala ang magandang side ng lock-in.

Isa-isa na niyang ibinida sa amin—na may kahalong throwback—ang tungkol sa mga kasamahan niya sa Di Na Muli, na karamihan pala ay first time niyang naka-trabaho—except Bobby Andrews and Angelu de Leon dahil nag-guest daw siya noong araw sa TGIS.

“I got to know Sir Bobby Andrews,” pagkukuwento ni Baron. “Isa yan sa mga iniidolo ko back in the day. Hindi pa ako artista. Crush na crush ng sister ko yan. Sila ’yong apat na sikat noon sa Jollibee na commercial...Kaya ako nakakapag-Jollibee—kasi bawal sa amin ang junk food—dahil kay Bobby Andrews.

“Sabi ko nga, ‘Thank you, ha, dahil sa’yo nakapag-Jollibee ako dahil crush ka ng ate ko.’ Nandoon ’yong poster ni Sir Bobby Andrews [sa bahay namin].”

Si Marco Gumabao naman daw ay kapitbahay niya noong araw kaya nakikita na niya ito noong bata palang.

“Kahit si Michelle na kapatid niya,” patuloy niya. “Si Sir Dennis Roldan [Marco and Michelle’s dad], ka- lunch ko yan. Nagla-lunch kaming dalawa. Hindi pa sumasampa sa table sina Marco... batang-bata, nasa four to five year old si Marco. Ako umiinom na. Hahaha! Tanghaling tapat. Ini-imbita naman ako ni Sir Dennis kasi siguro nakikita niya kawawa naman... Maka-Diyos naman ’yong tao. So, ‘Dito ka na lang sa bahay kung gusto mong uminom. Sabay tayo.’ Pero siya, hindi s’ya umiinom. Nag-ice cream lang si Sir Dennis.”

Si Angelu naman daw, whom he calls Ate, ay ka-church mate niya kaya matagal na siyang kampante sa company nito.

“Singit ko lang, she’s [Angelu] my sister in Christ sa River of God [fellowship].  And supportado ko siya sa [political] party nila Vico Sotto. She’s running for konsehala sa Pasig and I hope she wins. She deserves it. She has a good heart. Maganda ’yong motibo ng taong ’yon. And susuportahan natin diba?”

In short, puring-puri ni Baron ang mga co-stars niya, especially the younger set. Even daw si Julia ay mabait pala. Hindi daw niya naramdamang nag-throw ng weight around ang mga bagets.

“To think sila ang mga superstars ngayon, ah? They’re all very warm and accommodating.”

Sa kabilang banda, beki ang role ni Baron sa Di Na Muli, which he plays with aplomb. Hindi niya ito first time, but Toto, his new character is literally a “colorful” gay kaya ibang-iba raw ang atake, let’s say sa Jay movie niya noong 2018. At iba rin sa maganda pero bruskong beki character niya sa paparating na Barumbadings movie.

In Di Na Muli’s case, ang director daw nilang si Direk Andoy Ranay ang mismong pinagkopyahan ni Baron ng kilos and even manner ng pagsasalita. Hindi na raw siya lumayo at isa daw ’yon sa nakadagdag ng pag-aliw niya sa set.

And starting this Saturday, October 16, 7:30 pm na—not 8PM—mapapanood sa TV5 ang Di Na Muli. And also starting October 22, magpa-pilot muli ang romantic drama serye this time ay sa Vivamax naman.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings.

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Also, since October 1, meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, and New Zealand.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.