BB Gandanghari reunites with her Mommy Eva Cariño after seven long years

Makalipas ang seven long years na paninirahan niya sa Amerika, nakauwi na ng Pilipinas si BB Gandanghari para dalawin ang kanyang 86-year-old mom na si Mommy Eva Cariño.

SCREENSHOTS: @gandangharibb on Instagram

Makalipas ang seven long years na paninirahan niya sa Amerika, nakauwi na ng Pilipinas si BB Gandanghari para dalawin ang kanyang 86-year-old mom na si Mommy Eva Cariño.

Hindi maikukubli ang pagkasabik ni BB Gandanghari sa kanyang ina na si Mommy Eva Cariño.

Iyan ay kung pagbabasehan ang latest post ng actress-vlogger sa kanyang Instagram kahapon, December 6.

Makalipas kasi ang seven long years na paninirahan niya sa Amerika ay nakauwi ng Pilipinas si BB at nadalaw niya ang kanyang 86-year-old mom. 

"#justLanded: happiest to see my dearest mama in 7 years… yes, it was that long ago. How time flies," lahad niya sa inilagay niyang caption sa IG post with matching hashtags #bbGandanghari #HomeComing #FamilyTime #MotherAndDaughter #MissingImman.

Kalakip nito ang short compilation video ng view na kuha sa labas ng bintana ng eroplano, at ng pictures nilang mag-nanay na magkasama.

Ikinatuwa ng mga fans and friends ni BB, sa pangunguna ng US-based na rin na singer-comedienne na si Gladys Guevarra, ang reunion nilang ito ni Mommy Eva.

Matatandaang nasabi ni BB sa interview niya with the comedian-vlogger and talent manager na si Ogie Diaz last June na gusto niyang makauwi sa bansa para muling makita ang kanyang ina. At heto nga't natupad na ito.

Sa ngayon ay hindi pa tiyak kung hanggang kailan magtatagal si BB dito sa Pilipinas.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Banat ni BB Gandanghari kay Ogie Diaz: “You have no credibility to me. Zero...zero credibility.”

Advise ni BB Gandanghari sa pamangking si Kylie Padilla at kay Aljur Abrenica: “Try to keep your dirty linen in the washroom.”

Matapos mag-okrayan sa kani-kanilang vlogs noon, Ogie Diaz at BB Gandanghari, nagka-ayos na!; Ogie, nagprisinta pang maging agent ni BB sa Pilipinas

BB Gandanghari, emosyonal na nag-sorry sa yumaong kuyang si Royette Padilla

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.