BBM, tinawag na “badass” si Toni Gonzaga

In a speech, pinapurihan at pinasalamatan ni BBM ang effort ng kanyang mga inaanak na sina Toni Gonzaga at Paul Soriano para sa kanyang kampanya. Toni took care of the hosting and performing; while Paul did what he does best behind the camera.  “Sa aking palagay, what he did for our contents, malayong-malayo...ginagaya nga, e,” patukoy niya kay Paul. “Di ba ’yong mga dalawa, tatlong ads, ginagaya, e. But they were that good and we kept the momentum going and the message alive.”

Photos: @paulsoriano1017

In a speech, pinapurihan at pinasalamatan ni BBM ang effort ng kanyang mga inaanak na sina Toni Gonzaga at Paul Soriano para sa kanyang kampanya. Toni took care of the hosting and performing; while Paul did what he does best behind the camera. “Sa aking palagay, what he did for our contents, malayong-malayo...ginagaya nga, e,” patukoy niya kay Paul. “Di ba ’yong mga dalawa, tatlong ads, ginagaya, e. But they were that good and we kept the momentum going and the message alive.”

Hanggang ngayon ay nakaririnig pa rin kami ng mga papuri kay Toni Gonzaga-Soriano sa naging papel niya bilang main host sa mga campaign rallies ni presumptive president Bongbong Marcos, Jr.

Gayunpaman, kaliwa’t kanan din ang bashing na natanggap niya dahil sa pagtaya niya sa UniTeam ng tambalang BBM at Sara Duterte. Pero ni isa ay wala siyang sinagot sa mga iyon at bagkus ay taas-noo siyang nanindigan sa kanyang choice.

In fact, muli lamang siyang naglabas ng election-related post sa social media noong May 13, apat na araw matapos ang eleksyon.

Doon ay sinabi niyang: “In the end…. Stand up for what you believe is right. Even if it means standing up…. Alone.”

Kaya naman bilib na bilib si BBM sa asawa ni Direk Paul Soriano.

At noong Sabado, May 14, pinuri at pinasalamatan ni presumptive president Marcos Jr. ang para sa kanya ay katapangan at paninindigan, hindi lang ni Toni kundi maging ang asawa nitong si Paul, sa naganap na intimate victory party ng Uniteam. At that time kasi ay malinaw na ang kalakihan ng lamang ni BBM sa kanyang kalaban na si VP Leni.

“We should congratulate them to the fine work that they did,” saad ni BBM sa kanyang speech, na ang excerpt ay ipinost ni Direk Paul Soriano sa kanyang social media.

Patuloy ni BBM: “In front of me is Miss Toni Gonzaga. Sabi ko nga sa kanya kanina… na siya ang nag-start ng kampanya na ito, kasi noong pumutok ’yung kanyang interview sa akin [sa Toni Talks] at s’yempre criniticize siya. Ang tapang tapang nito, hindi ko akalain.”

Hindi umano niya akalain na “badass” ang elegante umanong si Toni.

“I didn’t expect that, this elegant lady, would be able to withstand these criticisms. Sabi ko nga kay Paul, ‘’Yung asawa mo is a badass, man. Kaya niyang lahat harapin.’ Nag-10 million, 11 million na ’yung aming interview, sabi ko may pag-asa siguro tayo, baka puwede na nating itakbo.”

“Sinundan pa ni Paul that did all our ads,” patuloy na papuri ni BBM sa kanyang mga inaanak sa kasal.  “Sa aking palagay, what he did for our contents, malayong-malayo...ginagaya nga, e. Di ba ’yong mga dalawa, tatlong ads, ginagaya, e. But they were that good and we kept the momentum going and the message alive.”

Isa rin ang Vivamax box office director na si Darryl Yap sa pumuri kina Toni at Direk Paul sa ginawa nilang pakikipaglaban sa napili nilang kandidato. Ang kanyang papuri ay kalakip ng pagre-repost niya ng May 14 post ni Direk Paul na naglalaman ng video  ni BBM na pinasasalamatan sila.

Si Darryl ay openly rin na ikinampanya si BBM at Inday Sarah Duterte.

“Kung meron mang mas nauna pa sa kahit na sino sa showbiz ngayon na tumindig at humawi ng agam-agam ng lahat ng natatakot magsalita para kina #BBMSARA2022, sila yun,” payungkol niya sa mag-asawang Soriano.

“Sulit ang pagcancel ng iilan, para sa pagtanggap ng mas nakararami. Hindi sapat ang mga salita ng susunod na Presidente para ilarawan ang ambag ninyong mag-asawa sa tagumpay ng 31 Million Filipinos na ating ibabahagi sa mga patuloy na nagdududa at nangangamba. Thank You and Congratulations Direk Paul Soriano and Toni Gonzaga!”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.