Bea Alonzo, “jojowain” daw si Dominic Roque

PHOTOS: @beaalonzo & @dominicroque on Instagram; INSET: Bea Alonzo on YouTube

PHOTOS: @beaalonzo & @dominicroque on Instagram; INSET: Bea Alonzo on YouTube

Kasama pala talaga sa listahan ng “jojowain” ng aktres na si Bea Alonzo ang Kapamilya hunk na si Dominic Roque.

Ito ang sinabi ni Bea nang sumalang s’ya sa “fruit mukbang with Q&A at Jojowain o Totropahin challenge” sa latest vlog entry na in-upload niya sa YouTube last January 9. 

Usap-usapan na din kasi sa social media na nagdi-date daw ang dalawa. Though wala mang kumpirmasyon pero kay Bea na rin nanggaling na “currently dating” ang status ng puso n’ya.

Anyway, sa family farm nila, called Beatifirma, sa Zambales kinunan ang vlog at guest ni Bea ang kanyang Mommy Mary Ann. 

Sa fruit mukbang with Q&A pa lang, talagang mga personal questions na may kinalaman sa kanya ang mga itinanong ni Bea sa kanyang momma. Gaya na lamang kung ano ba ang pangarap nito for her. 

Sey naman ni Mommy Mary Ann, dream daw n‘ya na makatagpo at mamahalin si Bea ng maayos na mapapangasawa.

Ang magkaasawa ka nang maayos na lalaki. Ang magkapamilya ka soon. Sana,” anito.

Natatawang tugon naman ng aktres: “Pressured.”

Ito daw kasi ang ultimate dream nito para sa aktres.

Makita ko kayong dalawang magkapatid na maayos na, pamilyado na, doon okey na ako,” lahad pa ni Mommy Mary Ann. “‘Yon ang pangarap ko- lalo sa’yo.

Kung gano’n, ano naman kaya ang hinahanap nitong katangian ng lalaki para kay Bea?

Maging mabait lang. Maging totoo. At ‘wag babaero. Please,” mariing pahayag nito. 

Isa pa sa naitanong ni Bea ay kung sino ba sa mga naging boyfriend n’ya ang pinaka-ayaw nito.

“Oh my God! Tinatanong pa ba ‘yan?” mabilis na sagot nito. “D’yos ko. Ayaw ko na magsalita. Pero ‘wag n’yo na itanong. Alam n’yo na. Next question please.”

Humingi rin si Bea ng advice sa kanyang nanay regading sa love at sa life. 

Sa love, sana matuto ka na at natuto ka na,” sey nito sa aktres. “Sa life, alagaan mo ang sarili mo. Alagaan mo ang puso mo, anak. Hinay-hinay lang. ‘Wag todo.

At nauwi na nga sa Jojowain o Totropahin challenge ang mukbang vlog nila. 

Ilan nga sa mga aktor na pareho  daw nila jojowain ay sina Alden Richards, John Lloyd Cruz, Ian Veneracion, at ang Hollywood actor Brad Pitt

Pag dating naman kay Dominic Roque...

“A, jojowain,” tila malaman sa tugon ni Mommy Mary Ann. 

Dugtong naman ni Bea: “Ako din, jojowain.”

Kakilig naman!

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Bea Alonzo shares tips on moving on after being "ghosted"; netizens assume Gerald Anderson's Halloween post is his response to Bea's tips

Bea Alonzo likens learning new things about herself during quarantine to “character planning” for a new role

Bea Alonzo shares things she’s been thankful for during the quarantine including not having “mini heart attacks every morning because I might be late for my appointment.”

John Lloyd Cruz, umamin kay Bea Alonzo sa nararamdamang malalim na lungkot

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.