Bea Alonzo, suportado ng GMA Network sa mga ibinabatong intriga sa kanya

Ayon kay Bea Alonzo, kahit ayaw s’yang tigilan ng pang-iintriga ni Manay Lolit Solis ay nirerespeto daw n’ya ito. Kaya naman hindi daw s’ya sasagot sa mga ibinabato nitong intriga sa kanya lalo na ngayong may sakit na ito at nagda-dialysis.

PHOTOS: @beaalonzo & @kapusoprgirl on Instagram

Ayon kay Bea Alonzo, kahit ayaw s’yang tigilan ng pang-iintriga ni Manay Lolit Solis ay nirerespeto daw n’ya ito. Kaya naman hindi daw s’ya sasagot sa mga ibinabato nitong intriga sa kanya lalo na ngayong may sakit na ito at nagda-dialysis.

Naglabas ng official statement ngayong araw, October 14, ang GMA Network patungkol sa contract artist nilang si Bea Alonzo.

Kasunod ito sa hindi maawat na tirada sa aktres simula nu’ng iniwan n’ya ang ABS-CBN at pumirma ng kontrata bilang isang Kapuso.

Sa inilabas na pahayag ng GMA, sinabi nilang suportado nila at mataas ang kanilang pagpapahalaga sa award-winning actress.

Narito kabuuan ng statement ng Kapuso network:

“Nananatiling buo ang suporta at pagpapahalaga ng GMA Network kay Ms. Bea Alonzo bilang isang aktres at aming Kapuso.

“Masaya kami sa magandang pagtanggap ng Filipino audience sa Start-Up PH at sa mahusay na pagganap ni Bea sa kaniyang role katambal ni Alden Richards.

“Nagpapasalamat kami sa fans, supporters, at followers ni Bea at ng GMA Network sa patuloy na pagmamahal.

“Wala sa kultura ng Kapuso ang paninira sa kahit sino man at hindi rin namin pinapayagan na pagsalitaan ng hindi totoo ang aming mga artista at programa.

“Maliit ang industriya ng show business, hangad namin ang masaya, mabuti, at maayos na pakikitungo sa bawat isa.”

Matatandaan na suki si Bea sa mga tirada ng veteran showbiz writer/insider and talent manager na si Lolit Solis.

Halos araw-araw kasi kung mag-post ng patama si Manay Lolit sa Instagram kung saan paulit-ulit ang topic n’ya tungkol sa hindi daw pag-iimbita ng kampo ng aktres sa launching nito bilang brand ambassador ng Beautederm last March.

Dahil sa nangyari, tila nanggagalaiti si Manay Lolit sa tuwing babanatan niya ang dalagang aktres dahil sa hindi umano maganda nitong ugali, kaya daw ito ipinagpalit ng dati nitong nobyo na si Gerald Anderson sa “mas bata” umano na si Julia Barretto.

Hindi rin nakaligtas si Bea sa puna ni Manay Lolit sa bago nitong primetime series na Start-Up PH kung saan makailang ulit n’yang sinabi na hindi umano ito bagay ng katambal nitong si Alden Richards. Mukha daw kasing matanda si Bea kumpara sa hitsura ng kanyang leading man.

Sa interview sa kanya ni Ogie Diaz before, inamin ni Manay Lolit na nag-ugat ang pangraratrat n’ya kay Bea nang hindi nga sila imbitahan nina Salvi Asis at Gorgy Rula sa nasabing launching and press conference ng aktres.

Sinabi n’ya rin sa interview na titigilan na n’ya ang pang-iintriga sa dalaga. Baka nga naman daw kasi wala itong alam sa pagpapatanggal umano sa names nila sa listahan ng invited press people at baka kagagawan daw iyon ng talent manager nitong si Shirley Kuan.

However, hindi n’ya tinupad ang kanyang sinabi at patuloy pa rin n’yang binabanatan si Bea sa social media.

Nanatili namang tikom ang aktres sa mga patama ni Manay Lolit sa kanya mula noon hanggang sa matanong s’ya tungkol dito ng entertainment press sa kanyang solo press conference last October 6.

Ayon sa Start-Up PH lead actress, never pa n’yang na-meet in person o nakausap ni minsan si Manay Lolit.

Ganu’n pa man, nirerespeto daw n’ya ito kaya hindi daw s’ya sasagot sa mga ibinabato nitong intriga sa kanya lalo na ngayong may sakit na ito at nagda-dialysis. 

“I respect her so much, although we’ve never met, we’ve never been introduced or spoke to each other,” pahayag n’ya.

“I heard she’s sick at lalo na akong hindi sasagot, dadalhin ko pa yan parang ang bigat-bigat.

Ipagdadasal na lang daw n’ya si Manay Lolit para bumuti ang kanyang lagay. 

“Let’s just stay positive. I will sincerely pray for her healing and for her to get well soon,” pagtatapos ni Bea.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Bea Alonzo, not pressured sa ideyang halos lahat ng kaibigan niya ay may anak na; “I refused to be compared to these wonderful women. May kanya-kanya naman tayong kumpas ng buhay.”

Bea Alonzo sa mga nagsasabing paulit-ulit siya sa mga issue niya with Gerald Anderson: “Natatanong ka so, sasagot ka…”

Direk Gina Alajar, natatalinuhan kay Bea Alonzo; nakukulitan naman kay Alden Richards

Yasmien Kurdi, itinadhanang maging “kapatid” ang kahawig niyang si Bea Alonzo

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.