Beachfront house ng mag-sweetheart na Jessy Mendiola at Luis Manzano, malapit nang itayo

“It’s not about the ring lang. It’s the meaning behind it and ‘yung mga experiences na napagdaanan namin together. I’m very, very happy na he treasures everything sa relationship namin.”—Jessy on the promise ring na bigay ni Luis two years ago.

Photos: courtesy of Fit for Life, TV5 (Jessy solos) & @luckymanzano (Jessy & Luis)

“It’s not about the ring lang. It’s the meaning behind it and ‘yung mga experiences na napagdaanan namin together. I’m very, very happy na he treasures everything sa relationship namin.”—Jessy on the promise ring na bigay ni Luis two years ago.

Kasado na pala ang pagpapatayo ng pangarap na house by the beach ng showbiz sweethearts na sina Jessy Mendiola at Luis Manzano.

Inamin ito sa amin ni Jessy nang makausap namin siya nu’ng Tuesday afternoon sa joint virtual mediacon ng TV5 para sa dalawa nitong bagong shows—ang Fit for Life na hinu-host ni Jessy at ang Chika, BESH! (Basta Everyday Super Happy) hosted by Pokwang, Pauleen Luna and Ria Atayde.

Sa recent YouTube vlog kasi ni Jessy na may pamagat na “Heart-to-Heart Talk with the Howhows (Part 2)” na masinsinan ang tanungan nila ng nobyong si Luis ay nabanggit nila pareho na sa may tabing-dagat nila gustong tumira someday kasama ng kanilang magiging mga anak. 

Kahit daw simpleng bahay lang, sabi ni Luis, basta malapit sa dagat dahil pareho silang mahilig sa tubig.

Nang usisain namin ang 27-anyos na aktres kung mga ilang taon pa kaya ang bibilangin bago sila tumira ni Luis sa kanilang beachfront house, ang sagot niya sa amin ay, “Feeling ko, months na lang.”

Ah, talaga ba? As in patatapusin lang nila ang pandemic, gano’n? 

Does it mean na meron na silang pinaplanong something ni Luis? 

“Marami na kaming naka-plan, pero ‘yun nga, gusto lang naming unti-untiin,” pakli ng tisay na dalaga. “And, of course, maraming nagaganap, gusto naming palipasin ‘yung pandemic na ‘to.

“But everything is clear for us. So ‘yun na lang muna ang sasabihin ko. Malalaman n’yo naman lahat.”

Pero ano’ng ibig sabihin nu’ng months na lang? Buwan na lang ba ang hinihintay bago sila magpakasal ni Luis?

“Months na lang, matutupad na ‘yung pangarap namin na may house sa beach,” nakangiting sagot sa amin ni Jessy via Zoom.

Oh, so ibig sabihin ay nagpapagawa na sila ng magiging bahay nila na Luis na malapit sa dagat?

“May plans na kami, as in literal plans na and all,” pag-amin ni Jessy.

May part doon sa heart-to-heart talk ng mag-Howhow (term of endearment ng dalawa) na sinabi ni Jessy na nagduda siya noon kung pakakasalan ba siya ng boyfriend niyang si Luis.

Puwede niya bang i-explain kung anong ibig niyang sabihin doon?

“Siyempre, maraming mga beses na ang isang relationship, maraming pinagdadaananAlam n’yo naman minsan, tayo, sa isang relationship, may mga trust issues tayo, may mga napagdaanan tayo noon na medyo hindi madaling makalimutan and maka-move on.

“But slowly, as you go on with your relationship, marami kang natututunan and naghi-heal ka rin.

“So, du’n sa heart-to-heart na ‘yon with Luis, ‘yung pagsagot namin doon, ‘yon ‘yung mga first few years namin together.

“Kaya naging casual na lang siya kasi, we got over it. Kumbaga, isa siyang dagok sa relationship namin na napagdaanan namin nang maayos.

“So, marami ring doubts, maraming hesitations noon. Pero now, we are very strong. Four years na kami and feeling ko, at this point, marami na kaming natutunan ni Luis sa isa’t isa to move on with life together.”

Ang ganda nu’ng sinabi ni Jessy doon sa kanyang vlog na hindi na raw siya affected ngayon sa bashers. Kasi, ang buhay niya raw ngayon with Luis ay puro rainbows and butterflies.

Nabanggit din doon sa vlog ang promise ring na ibinigay ng 39-anyos na actor-TV host kay Jessy, na tipong sumisimbolo ng sumpaan nilang dalawa na sila talaga ang para sa isa’t isa.

“Ibinigay niya sa akin ‘to two years ago and oo, suot ko siya lagi,” masayang sambit ni Jessy, sabay pakita sa amin ng suot niyang singsing.

“It’s a great feeling na, you know, he respects my time, ‘yung timeline ko, nirerespeto niya.Yung mga plano ko sa buhay, nirerespeto niya and he was there all the way. Sobrang thankful ko lang kay Luis kasi, he has been so patient. So ‘yun.

“It’s not about the ring lang. It’s the meaning behind it and ‘yung mga experiences na napagdaanan namin together.

I’m very, very happy na he treasures everything sa relationship namin,” sabi pa ng dating Kapamilya star na ngayon ay nasa Kapatid network na.

After the promise ring, siyempre engagement ring na ang kasunod nu’n, ‘di ba? 

Tumango si Jessy sa sinabi namin, tapos ay bigla siyang natawa.

“Ay! Nag-yes talaga ako. Hahaha! Ako ba magpo-propose? Haha!” tawa niya. 

Eh, talaga namang doon ang punta nila ni Luis. Hindi ba siya naiinip sa kasal nila?

“No naman. Kasi, napag-uusapan na rin naman namin. So, you know, everything happens sa tamang oras. At siyempre, nasa plano ‘yan ni Lord kaya dapat patient ka lang sa mga nagaganap sa buhay mo,” positive na dayalog ng first time ever na maghu-host na si Jessy.

Dahil kilalang mahusay na host ang nobyo niyang si Luis, nagpaturo raw si Jessy rito. Ang payo raw sa kanya nito is to listen sa kanyang guest.

Inamin ni Jessy na at first ay sobrang kinabahan siya sa kanyang unang sabak sa hosting dahil hindi siya sanay dito, pero sobrang happy raw siya na siya ang napiling bigyan ng sariling fitness show ng TV5.

Masayang ibinahagi ni Jessy na may mga nakapanood ng Fit for Life (August 16 nang magsimula itong umere) na nagme-message sa kanya na natutuwa sila sa show, nakaka-relate sila at marami silang natututunan, gaya ng kahit nasa bahay lang ay puwedeng mag-workout kahit walang equipment.

Paliwanag ni Jessy, ang main goal ng kanyang show ay holistic approach pagdating sa fitness at healthy lifestyle.

Aniya, they want to inspire and encourage people to be happy despite everything that’s happening now. At alagaan ang sarili, hindi lang physical health kundi pati mental health.

Natapos nang i-shoot ni Jessy ang buong Season 1 ng Fit for Life na napapanood every Sunday, 7:00 AM sa TV5. 

It has a primetime replay on Colours every Monday, 7:00 PM, and is available on Cignal TV at CH 202 HD and 60 SD.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Luis Manzano posts romantic photos with Jessy Mendiola in celebration of their 4th anniversary as a couple

Jessy Mendiola shares realizations on finding self-worth with the help of God

Aljur Abrenica, napa-“Oh, men!” kay Shaina Magdayao; Kylie Padilla, di naitago ang selos

Gary Valenciano writes heartfelt birthday message to wife Angeli

High Hello pays tribute to their roots with new single "Palawan"

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.