Masaya ang naging pambato ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez sa kanyang naging performance sa katatapos lang na Miss Universe 2021 pageant at satisfied daw s’ya naging resulta ng patimpalak.
Iyan ang sinabi n’ya sa virtual interview n’ya with ABS-CBN reporter Dyan Castillejo right after the grand coronation kahapon, December 13 (Manila Time) kung saan naka-penetrate s’ya at umabot hanggang sa Top 5.
Dito ay natanong s’ya ni Dyan kung nakaramdam ba s’ya ng kaba sa nu’ng nagsimula na ng finals.
“Surprisingly, hindi po,” sagot ni Bea. “Usually, I feel nervous even during rehearsals kinakahaban ako pero kanina [hindi] kasi it was the last time that we will be up on that stage and makakasama ko ’yong mga delegates.
“I was just really enjoying the moment and doing my best. Binigay ko na po lahat sa experience ko kanina and I’m just really happy with the results.”
With her stellar performance, naging kampante daw ang Cebuana beauty na papasok sa semifinals ang Pilipinas.
“I was quite confident po na makakapasok po tayo,” aniya.
At aniya pa, maski daw siya ay ginulat ng audience uproar inside the pageant venue sa Eilat, Israel nang tawagin s’ya bilang isa sa Top 16 finalists.
“Na-surprise nga po si Steve Harvey na ang daming Filipino sa audience. Para daw hindi Israel ang pinuntahan natin,” natatawang k’wento ni Bea.
“Pero I’m really happy and grateful for the support. ’Yong iba galing pa sa ibang bansa lumipad pa talaga dito para manood ng Miss Universe. Despite the situation of COVID here in Israel, marami pa ring [Filipino na] nakarating. So, grateful talaga ako sa lahat ng suporta ng mga Filipino.”
At talagang ginalingan daw n’ya lalo pa’t dominated ng mga kababayan n’yang Filipino ang live audience ng pageant.
“I’m just really happy that I was able to deliver a really good performance for the Filipino people, especially, the majority of the audience are Filipinos. Of course, I want to show them what we’re capable of and really just do my best,” pahayag n’ya.
“So, I’m very satisfied with everything that I did. And no regrets. Alam kong naibigay ko lahat. Walang doubts. I’m really happy that we were able to reach the Top 5.”
Pangarap din daw n’ya na makapagsuot ng gold gown on stage kaya ang Pintados-inpired gold gown ni Francis Libiran ang napili n’yang isuot sa evening gown competition.
“I always said po kasi even before the Miss Universe Philippines competition I always wanted to wear a gold gown. Pero ’yong mga designs ni Mama Furne [Amato] for me were in bold colors, ’yong blue and red,” pagre-recall ni Bea.
“So when I saw Sir Francis made a gold gown, na-excite po ako. Kaya ko s’ya pinili kasi dream come true to be wearing a gold gown on stage.”
However, inamin niya na kung naging kampante siya sa rampahan ay sa Question-and-Answer portion for the Top 5 daw siya talagang kinabahan dahil hindi daw n’ya in-expect na ganu’n ang question na mapupunta sa kanya.
“Ini-enjoy ko lang po ’yong tanong and at the same time kinabahan po ako,” she confessed to Dyan. “I didn’t expect na ganu’n ’yong questions. I thought they’re more about our personality. Actually, I’m contented with my answer. I’m satisfied with how everything went.”
Pinuri din ni Bea ang nagwagi ng Miss Universe crown ngayong taon na si Harnaaz Sandhu from India na isa sa mga naging kaibigan n’ya during the pageant.
“Si Miss India, she’s one of our roommates and we all knew na s’ya po talaga ang mananalo,” saad n’ya.
“We were all rooting for her kasi nga she works really hard. And there were even times na sobrang pressured n’ya, tinutulungan namin siya.
“We’re happy for her. We know what she’s capable and we’re very happy with the result. We’re proud of her,” pagtatapos ni Bea.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber